265) LOVE THIS WAY 💕

114 2 0
                                    

Chapter Fifty-seven ( Page 265 )
Title :   LOVE THIS WAY 💕
#Pagsabog

    Bumagsak si Jacky sa sahig habang nakaharap sa nag-iiyakan nyang kambal.  Agad syang dinaganan ni madc at ipinuwesto ang hawak na patalim sa kanyang leeg..

Madc :  "Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan tayo magtatapos Jacky... 😏😡"

Jacky :  "Hindi ako naniniwalang kaya mong gawin ang bagay na'to Madc? Hindi ka kriminal...!! Hindi ka masamang tao.. kaibigan mo ako?. 😥😭kapatid...😭 kilala kita..  At alam kong mabuti kang kaibigan 😭😭 alam kong Hindi mo'ko pababayaan. Alam Kong ayaw mo akong nasasaktan..  Mahal kita Madc..  Besh..."

    Sandaling natahimik si madc..  Habang iyak ng iyak si Jacky.. Puno ng takot hindi lang para sa buhay nya kundi maging sa kaligtasan ng kanyang mga anak..

Madc :  "Hindi!!  Hindi!! "

   Binitiwan nito ang hawak na kutsilyo ay yumuko sa sulok ng kama.. 

   Dali-dali namang pinatahan ni Jacky ang umiiyak na mga anak..

   Ilang ulit na sinulyapan ni Jacky si Madc habang nagsasalita ng kung anu-anong hindi maintindihan...

Madc :  "Sasabog.... Sasabog.. "  ito ang paulit-ulit nyang sinasambit...

Jacky :  "Anong sasabog? Madc? "

Madc :  "labas tayo!!! Labas!! "

   Nagugulohan si Jacky sa sinasabi ni Madc.  Hindi mo alam Kung totoo o Hindi dahil Wala ito sa katinuan..  At para rin itong natataranta.. Mabilis nitong kinuha ang isang sanggol... 

Jacky :  "Teka sandali?  Saan mo dadalhin ang anak ko?! Madc?!"

  Kinarga rin ni Jacky ang isa pang sanggol at sinundan ang bawat yapak ni Madc pababa ng Hagdan.

******************

     Sinugod ni Vice si Ion..  Kaya tumalsik ang hawak nitong baril..  Pagkatapos ay napalitan sila ng suntok.  Hanggang sa napaub-ob si Ion ng masikmuraan ito  ni Vice..  Yuyuko sana si Vice upang suntokin ulit ngunit Di nya napansing may napulot itong bato at naipokpok ito sa kanyang batok..  Bahagya syang nahilo at bumagsak sa damuhan. Buti nalang at Hindi sya napurohan..  Kinuha ni Ion ang baril at tumatawa habang nakatutok ito Kay Vice  ..

    Ikinuyom ni Vice ang mga kamao upang makadampot ng putik..  Inihagis nya ito ng makalapit sa kanya so Ion. Sunod-sunod na pumutok ang baril nito   ngunit dahil napuwing ay Hindi nito natamaan si Vice..  Muling nagpang-agaw ang dalawa ng baril..

    Hanggang sa ito'y nakalabit at pumutok.. 

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

BBOOOOOOOOOOOOOMMMMM!!!!!!!

   Isang malakas na pagsabog ang nagpaguho sa iilang parti ng bahay nina Vice at Jacky...

To be continued ...

Patalastas💕

  Bago magtapos ang LOVE THIS WAY 💕

   Buong puso po akong nagpapasalamat sa pagtangkilik ninyo sa aking kwento..  Mula simula hanggang ngayon..  Maraming-maraming salamat sa pagsubaybay.. At walang tigil na suporta.. 

   Hangad ko po na sana'y nandyan parin kayo upang samahan ako sa mga kwentong nais ko pang ilahad sa inyo.  

   Sa mga gustong basahin ulit ang kabuoan ng kwentong LOVE THIS WAY..  meron po tayo sa Wattpad o Di kaya'y follow nyo po ako saking page..  "khongcette story". At doon abangan ang throwback ng LOVE THIS WAY..

   At sa mga late na nakabasa o Di kaya Hindi pa nakakabasa?  Don't hesitate!  Dahil siguradong Hindi po boring ang kwentong ito at iba't ibang emosyon ang kayang ibigay sa inyo..

   Muli...  Maraming salamat at sabay-sabay nating abangan ang PAGTATAPOS ng mala-teleseryeng kwento ng VICEJACK!!

    LOVE THIS WAY💕

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now