215) LOVE THIS WAY 💕

340 6 1
                                    

Chapter Forty-five ( Page 215 )
Tittle : LOVE THIS WAY 💕
#Puntod

VICE POV

     Simula ng magkita kami ulit dalawa ni Jacky...  Ay Hindi na sya naalis sa isip ko.. 

   Ang bawat katagang lumabas sa mga bibig nya ay sadyang tumatak saking puso at isipan...  Limang taon ang nakaraan ng huli kaming dalawa ay nagkita..  At sa limang taong iyon na inaakala kong may iba na syang mahal at naging isang malaking sampal saking kataohan dahil hanggang ngayon pala ay ako parin ang tinatangi ng kanyang puso...

   Nasa malalim ako ng pag-iisip ng biglang tumabi sa akin ang aking asawa...

   Niyakap ako at hinalikan sa pisnge..

Karylle:  "Iniisip mo ba sya? "

   Alam ko Kung sino ang tinutukoy nya at Hindi ko alam kong aaminin ko ba?  O Kung ano kaya ang isasagot ko sa kanya?

Vice :  "Im sorry? "

    Gusto kong humingi ng tawad sa asawa Ko..  Kasi hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.... Oo.  Si Jacky nga ang iniisip Ko... Nag-iisip ng mga salitang paano?  Paano kaya Kung naghintay ako. Paano kaya Kung naging mas matatag ako noong mamatay ang anak namin?  Madami rin pala akong naging pagkukulang..  At minsan din pala akong naging marahas sa kanya.. 

    Kaya Kung iniwan man ako ni Jacky..  Siguro nga kasalanan Ko rin ang lahat...

Karylle:   "Bakit ka humihingi ng sorry? "

Vice:  "Kasi.......  dahil iniisip ko sya?  "

Karylle:  "Natural lang naman na isipin mo sya kasi..... Nasaktan natin yung damdamin nya ..  Nasaktan natin ang kapatid ko.. "

   Naging matamlay ang mukha ng asawa Ko..

Vice :  "Love? OK ka lang bah? "

Karylle:  "Nagi-guilty ako love... Ngayon ko mas na-realize Kung gaano pala kasakit yong ibinigay kong sugat Sa puso ng kapatid Ko.. Dapat pala mas naging maingat ako sa nararamdaman ko sayo noon..?"

Vice :  "Bakit mo ba sinasabi yan Love?  Nagsisisi ka bang pinakasalan mo ako? "

Karylle:  "Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo Love? Ngayong nagbalik na si Jacky?  Masasabi mo parin bang tama lang na nagpakasal ka sa akin?  O baka unti-unti mo nang na-realize na Hindi dapat tayo humatong Sa ganito? "

    Natigilan ako sa mga pinagsasabi ng asawa ako..

Vice :  "Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin Love? Bakit mo ba nasasabi ang mga bagay na yan?  "

Karylle:  "Love?  Mahal na Mahal kita.    Wala akong ibang hinangad kundi ang mapasaya ka...  Kaya Kung saan ka mas magiging masaya....? Masaya na rin ako... "

Vice :  "Love?  Ikaw at ako ay may sinumpaang pagmamahalan sa harap ng dios at simbahan.   Kaya Kung iniisip mong babalik ako sa Kung ano meron ako noon?  Nagkakamali ka.  Dahil paninindigan kita...  Asawa kita eh? "

Karylle:  "Pero Love.   Ito lang yong lagi mong tandaan.. Ang Relasyon? Ay  Hindi ipinagbubuklod ng mga sinumpaan.. Kundi ito ay pinapatibay ng buong pusong pagmamahal!!  At Kung Hindi buo ang puso mo para sa akin........?Love.............. ?
Handa akong magparaya..."

  Parang malalaglag ang aking puso dahil sa mga sinabi nya...  Mas lalo lang ako humanga sa kabaitang taglay ng asawa Ko.. Mas lalong lumaki ang pinanghahawakan Kong dahilan upang piliin ang sya... Sapagkat wala naman kasing dahilan upang iwan ko sya at ipagpalit Sa mga bagay na lumipas na...

   Alam Kong walang makakapantay sa pinagsamahan namin ni Jacky.. Ngunit sa pagkakataong ito?  Mas pipiliin kong Huwag magkasala sa asawa ko dahil iyon naman talaga ang nararapat....

   Mahal ko si karylle..  Alam ko yun sa sarili ko..  At Kung tatanungin ako Kung mahal Ko rin si Jacky? Oo rin ang isasagot ko..  Ngunit dahil iisa lang ang puso ko? 
Kailangan Kong mamili sa dalawa. At yun ay ang asawa ko...

  Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo.. Nais kong iparamdam sa Kanya kung gaano sya kahalaga sa buhay Ko...

   Ayuko ng magsalita pa...  Dahil ang  tanging ginawa Ko na lamang ay ang dalhin sya sa rurok ng kaligayahan...

ARAW NG SABADO... 

     Maagang nagpunta ng Sementeryo ang Mag-Inang si Jacky at Viack... Upang dalawin ang puntod ng kanyang Anak.. Kasama nila si Yam at ang yaya ng bata..

VICE POV

     Papasok na sana ako sa trabaho.  Ngunit ewan Ko..  Kung bakit parang may humihila sakin upang dalawin ang puntod ng anak ko..  Siguro kasi malapit na ang Death anniversary nito at mukhang namimiss ako..  Madalang nalang kasi ako nakakadalaw sa sementeryo simula noong ikasal kami ni karylle..

   Kaya heto....  Dadaan muna ako kahit saglit lamang upang huwag ng magtampo ang pinakamamahal kong baby Jr...

To be continued.

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora