267) LOVE THIS WAY

127 3 0
                                    

Chapter Fifty-eight ( Page 267 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#Emoral

Jacky :  "Kinakabahan ako Vice?  Para kasing may mangyayari na namang Hindi maganda? "

Vice :  "Tsk..  Tsk..  Tsk.  Bakit ka naman nag-iisip ng ganyan babe?  "

Jacky : "Pakiramdam ko kasi sa bawat pagkakataong ganito may Hindi magandang mangyayari eh😥 "

Vice: "Babe naman?  Wala ng manggugulo sa atin.  Nasa kulongan na si Ion at sinisiguro Kong Hindi sya makakatakas dun. "

Jacky :  "Hindi parin ako mapapanatag Vice.  Hindi parin mawala-wala ang takot na nararamdaman ko.  Ayuko ng malagay Sa panganib ang buhay ng kahit ni isa sa atin.  Lalo na ang mga anak natin  . Hindi ko na kakayanin kapag nangyari pa ulit ang mga bagay na yun. "

    Masuyong niyakap ni Vice ang asawa.

Vice :  "Hinding-Hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yun Babe..  "

Jacky :  "Pero Vice? "

Vice :  "Sshhhh..  Enough na OK?  Baka hinahanap na tayo sa baba? "

Jacky :  "Hmmm..  OK... "

   Isang matamis na halik Sa mga labi ang iginawad ni Vice Sa asawa..

Vice :  "Hmmpp..  😋 sharaap..  Nagutom tuloy ako. 😂 😂 "

Jacky : "Heeehh.  Sira!!  Tumigil ka nga Viceral..  Naglalandi ka na naman ah?! "

Vice :  "At least diba?  Sayo Lang ako ganito. Haha 😂 😂 ".

Jacky :  "Aba dapat lang!!  Kung ayaw mong mabali yang buo mong katawan.. umayos ka!! "

  Masayang nagkulitan ang mag-asawa habang pababa ng hagdan.

Vice : " Babe naman?  Sa takot ko ba naman sayo? Haha 😂 😂 "

Jacky :  "Dapat lang matakot ka..  Alam mo namang kaya kitang kainin ng buhay! 😅😉" 

Vice :  "Hahaha 😂 😂 hasus!!!  Parang kaya naman akong ubosin eh? "

Jacky :  "Ahhh ganun?  Huh?  Ganun? "

     Sunod-sunod na sinundot ni Jacky sa tagiliran ang nang-aasar na asawa..

Vhong :  "Aheeemmmm....  Mukang balak nyo na yatang sundan agad ang kambal ah?  😅"

   Tukso nito ng makasalubong nila si Vhong papasok ng bahay..

   Hindi agad nakasagot si Jacky..  Pero halata sa mukha nito ang pamumula..

Vice : "Hmmm... Dapat talaga bilisan Pare.   Malay mo?  Maka-triplets kami ngayon?  Haha 😂 😂 "

Jacky : "Grabe ka?  Ano tingin mo sakin baboy?  "   tinaponan nito ng masamang tingin ang katabi.. 

Vice:  "Ito naman?  Di na mabiro? 😁"

   Pormal na nag-excuse si Jacky sa dalawang lalaki upang bumalik sa Party..

Vhong :  "Haha 😂 😂..  Many years ago..  Pero Ganyan parin kayo magkulitan..  amazing!!!  Nakakainggit.. 😢"

   Biglang naging seryoso ang mukha ni Vhong..  Bakas rito ang kalungkotan.. 

Vice:  "Pare?  Kung Ano man yang pinagdadaanan ninyo ni Anne?  Alam kong malalagpasan nyo rin yan..  Ang importante? Huwag na huwag mo syang susukoan... "

Vhong :  "Sana nga Vice..  Sana nga kaya Ko pa. "

Vice :  "Pare?  Alam Kong nahihirapan ka?  Pero alam ko ring mas nahihirapan si Anne sa Sitwasyon nyo ngayon..  Pinagdaanan ko na yan eh..  At sinasabi ko sayo?  Pinakamahirap talagang kalabanin ang sarili. Lalo na kung magkaiba ang mga kagustohan mo kaysa sinisigaw ng puso mo.. "

Vhong :  "Pero Pare?  Iba na sitwasyon ngayon?  Meron kaming anak na kailangan ang gabay namin bilang magulang? Pero Paano namin mabibigyan ng magandang moral ang anak namin Kung emoral ang Nanay nya? "

    Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa..

Vhong :  "I'm sorry Pare?  Hindi ko dapat sinabi yun... "

   Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vice..

Vice :  "Tapos na ako dyan Pare.. Kaya wala kang dapat ihingi ng sorry .. Pero Alam mo ba Kung anong nararamdaman ko ngayon?  Ang swerte-swerte kong may Jacky sa buhay ko..  Isang Jacky na kahit kailan Hindi ako tinuring na emoral..   At sa kabila ng lahat ng mga doubts ko sa sarili ko noon..  Hindi nya ako iniwan..  Hindi sya sumuko..  Hindi sya napagod iparamdam sakin ang totoong pagmamahal..  "

    tahimik lamang si Vhong habang dinadamdam ang bawat salita ng kaibigan.

Vice :  "Gaya ng nakikita mo? We are still Happy and strong.  At alam mo ba Kung bakit? "

Vhong :  "Bakit? "

Vice :  "Dahil Tanggap namin ang isat-isa..  "

  At tuloyan na ngang nabasag ang kanina pang pinipigilang busgo ng damdamin ni Vhong.

Vice :  "Vhong? Alam kong mahal mo si Anne..  Pero Sana man Lang mahalin mo rin sya sa kung sino sya talaga at Hindi Sa Kung anong gusto mo para sa kanya.. 🙂"

   Tinapik ni Vice Sa balikat si Vhong bago humakbang paalis..

Vice : "Sya nga pala Pare ?  Hmmmm.. Ang totoo..  Hindi ako sigurado sa nararamdaman mo?  Pero sigurado akong Mahal na Mahal ka ni Pareng Anne.. 🙂"

     At tuloyan na ngang iniwan ni Vice si Vhong..  Ginawa nya ito para bigyan ito ng panahong makapag-isip..

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora