266 ) LOVE THIS WAY 💕

126 2 0
                                    

Chapter Fifty-eight ( Page 266)
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Takot

Isang malakas na pagsabog ang nagpaguho sa iilang parti ng bahay nina Vice at Jacky...

   Kasabay nito ang pagbagsak ni Ion Sa damuhan habang hawak ang dumudugong tagiliran..

Vice :  "J A C K Y!!!!!!!!!" Sigaw nito..

Halos Hindi maipinta ang mukha ni Vice dahil Sa nangyaring pagsabog.. Sa subrang lakas ng kaba at takot , Wala ito sa sariling tumakbo papasok ng kanilang bahay.. 

  Pagpasok nya sa gate ay bumungad Sa kanya ang takot na takot na si Jacky  Karga-karga ang kanilang anak..  Kasama nito si Madc na Wala sa sariling nagpatuloy Sa pagtakbo palabas ng Gate. 

   Agad naman inilayo ni Vice ang Mag-ina sa kanilang nasusunog na bahay..

    Pagkatapos makalayo ay niyakap nito ang takot na takot na si Jacky .. At kinarga ang anak..

Vice :  "Mababaliw ako kapag may nangyaring masama Sa inyo.."

Jacky :  "ako rin.  Takot na takot parin ako..  " bakas rito Sa kanya ang labis na panginginig  . 

Vice :  "Huwag ka ng matakot babe?  Andito na ako..  Maayos rin ang lahat ng 'to.  "

Muli nitong niyakap ang asawa.

Jacky :  "Teka?  May sugat ka sa leeg? "

Vice :  "Wala to..  OK Lang ako.. "

   Binalingan ni Jacky ang tahimik na si Madc..  Kinuha nya mula rito ang anak at taos pusong nagpasalamat..

Jacky :  "Utang ko sayo ang buhay naming mag-Iina.  Salamat Besh? "

   At mahigpit nitong niyakap ang kaibigan..

  Subrang naawa si Jacky rito.. Bagamat batid nyang wala ito Sa katinuan alam nyang may mabuti parin itong kalooban na syang nagligtas Sa kanilang mag-iina..  At kahit kailan ay Hindi matitibag ang magandang ugnayan nila bilang isang magkaibigan..

   Ngunit laking gulat nalang nilang tatlo ng biglang may nagpaharurot ng sasakyan mula Sa kanilang likoran..

   Mabilis na hinila ni Vice si Jacky at dahil sa malakas na pwersa ay napasandal sila sa pader..

   Unti-unting naglaho ang puting sasakyan ni Ion.. Habang naiwan naman sa gitna ng kalsada ang dugoang katawan ni Madc...

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO

  Mapayapang nailibing si Madc kasama ang mga pamilya, kaibigan at kakilala..  Hangad ng pamilya at lahat ng mga nagmamahal sa kanya na sana'y sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at sana'y masaya narin itong makasama ang kaniyang mag-Ama sa Langit..

JACKY POV..

      Ang dami ng nangyari.  Ang dami ng nagbuwis ng buhay. Pero hanggang ngayon Hindi ko parin masabing OK na ang lahat..  Ang hirap-hirap mabuhay sa mundong puno ng kapahamakan..  Nagmahalan lang naman sana kami ni Vice.  Pero bakit ganon?  Parang lahat nalang ng bagay may humahadlang...  At mga dahilan upang Hindi kami tuloyan maging masaya.  Minsan naiisip kong Mali bang mahalin ang isang Vice?  Mali bang sya ang naging Ama ng mga anak ko?kasi  Kahit ni minsan Hindi ko pinagsisihang sya ang minahal ko..  At buong buhay ko Wala akong ibang lalaking hinangad kundi sya lang..  Sya at Wala ng iba..

VICE POV

   Naniniwala  akong dadating rin ang araw na malalagpasan namin ni Jacky ang lahat ng trahedya Sa aming buhay..bilang haligi ng pamilyang ito.. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila..  Mahal na Mahal ko ang asawa't mga anak ko. At Kahit kailan Hindi ako mapapagod na mahalin at pagsilbihan sila..

    

MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN..

   Ising malaking salo-salo ang inihanda ng mag-asawa para sa binyag ng kanilang kambal. Imbitado ang lahat ng mga ninong at ninong. Kaibigan  at mga Kakilala ..

   At dahil Hindi pa gawa ang bagong bahay na sinisimulang ipatayo ng mag-asawa.  Ay doon nila idinaos ang party sa bahay ng mga magulang ni Vice. Sa probinsya.. 

   Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan Hindi maiwasan ni Jacky ang huwag mabalisa..  Kaya minabuti nitong humagilap muna ng sariwang hangin.. Umakyat sya sa taas at doon naupo sandali Sa Terrace ng kwarto ni Vice..

   Ilang minuto pa lamang sya naroon ng nasundan na sya ni Vice .  Naisip nya tuloy na may ala-aso ang kanyang asawa dahil natunton nito ang kanyang amoy. 😂

Vice:  "Babe?  Kanina pa kita hinahanap?  Andito ka lang pala? "

Jacky :  "Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Bababa rin naman ako agad.. "

Vice :  "Hmm..  Hindi ka OK... "

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jacky..

Jacky :  "Kinakabahan ako Vice?  Para kasing may mangyayari na namang Hindi maganda? "

To be continued..

   

  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackحيث تعيش القصص. اكتشف الآن