222) LOVE THIS WAY 💕

320 1 1
                                    

Chapter Forty-eight ( Page 222 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Kanlungan

VICE POV

    Masarap na may halong hapdi ang nararamdaman Ko habang sinasabayan ako ni Jacky sa pagkanta..

   🎵Ang mga puno't halaman ...Ay Kabiyak ng ating gunita..  Sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan.... 🎵

Jacky : 🎵 pana-panahon ang pagkakataon..  Maibabalik ba ang kahapon... 🎵

Vice :  🎵Ngayong ikaw ay nagbalik...  Katulad ko rin ang yung pananabik.. Makita ang dating kanlungan..  Tahanan ng ating tula at pangarap......  Ngayon ay naglaho na................ 🎵

        Hindi ko na kayang ituloy pa ang  huling tatlong salita dahil kapwa naman naming alam na hanapin man namin ito ay Hindi narin namin kailan man matatagpuan pa. 

( Saan Hahanapin pa......?)

Jacky :  "Hindi mo ba mahanap Vice?  O sadyang nagbubulag-bulagan ka Lang?"

    Sa talas ng titig ni Jacky..  Halos tumagos sa puso Ko.. Biglang nag-init ang aking paningin...  Dahil sa nagbabadyang luha na   nakahandang bumagsak anumang sandali..

   Ipinikit ko ang aking mga mata...  Kung tunay ngang ako'y bulag... Nais ko itong maramdaman....

Vice :  "Siguro nga naging bulag ako sayo Jacky.. Naging madilim ang aking paningin Sa kinabukasang makasama ka...  Kinabukasang lumipas na sa loob ng mahabang panahon... "

   Nanatili akong nakapikit... Habang namamasa ang aking pisngi dahil sa pag-agos ng mga luhang tanda ng paghihinagpis..

Vice :  "At kahit na imulat ko pa ang aking mga mata.... Mananatili at mananatili paring HULI NA ANG LAHAT.... "

Rinig ko ang Kanyang mahihinang hakbang palapit sa akin...

Ang mainit nyang palad na dumampi saking magkabilang pisnge....

Jacky:  "Bakit Hindi mo subokang imulat ngayon Vice?  At nang makita mo........."

    Biglang may malakas na kabog akong narinig na nagmula Sa aking dibdib...

     Ikinawit ni Jacky ang kanyang dalawang  Kamay saking batok at inalalayang yumuko upang maglapit ang aming mga mukha..

     Nangamba ako dahil ramdam ko ngayon ang kanyang bawat paghinga...

Jacky : "Hanggang Kailan ka pipikit sa katotohanang AKO PARIN ang MAHAL MO? "

    Biglang tumigil ang lahat!!!  Tumahimik ang paligid!!!  Wala akong ibang marinig kundi ang kabog ng aking dibdib!!

    Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata...

   Isang nangungusap na mga mata ang aking nasilayan..  Punong-puno ng pagmamahal at pag-asa... 

   Hindi ko alam pero may Kung anong humila nalang saming kataohan at bigla nalang kaming naghalikan...

   Dahan-dahan...  Malumanay...  Maalab... Punong-puno ng pananabik!!  Nilalasap ang bawat sandaling magkalapat ang aming mga bibig..  At ninanamnam ang tamis ng aming mga labi...

Vice :  " Inaamin kong...  Tunay ngang naging bulag ako sa katotohanan..  Tama ka..  Mahal  kita at yun ang totoo..  Kahit kailan naman walang ibang Jacky na papalit sa buhay ko..  Nagmahal man ako ng iba.. Hindi ko parin maipagkakailang iisang tao lang ang mamahalin ko gaya ng pagmamahal Ko sayo Jacky...  "

   Hindi ko na kinayang huwag sabihin ang totoo matapos kong madama muli ang init ng kanyang pagmamahal...

Jacky :  "Mahal na Mahal kita Vice?  At ang sakit-sakit lang dahil parang Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba gaya ng ginawa mong pagmamahal sa kapatid Ko.."

   Anong ibig nyang sabihin?  Ginagamit nya lang si Yam? ganon?

Jacky :  "Kahit ni minsan Hindi tumibok  Sa iba ang puso Ko kahit pa sinubokan Ko...  Justice para dito Vice!!  Dahil habang buhay na akong makukulong Sa pagmamahal mo kahit alam kong
WALA NANG TAYO!!! "

   Halos madurog ang puso kong makitang nasasaktan sya ng ganito...  At mahirap isipin lalo na't ito naman talaga ang totoo ...

   Niyakap Ko sya ng mahigpit...  Ito nalang ang tanging paraan upang mapagaan ko Kahit saglit ang sakit na nararamdaman nya...

Vice :  "Patawarin mo ako Jacky...  Patawarin mo ako... Kasalanan ko kung bakit tayo humantong sa ganito.... "

Jacky:  "Bakit nga ba Vice ? Bakit tayo nagkaganito? Bakit? "

Vice :  "Tahan na......?  Ayukong nakikitang umiiyak ka...  Please?  I'm so sorry? Jacky?  Babe?"

   Alam kong mali sa mata ng dios ang ginagawa kong ito pero kahit ngayon lang nais kong magkasala alang-alang sa taong tunay na nagmamay-ari ng aking puso...  Kahit ngayon lang......

Jacky :  "Babe?  Babe?  Pwede bang maramdamang akin ka kahit ngayon lang? Kahit isang saglit lang? "

Vice :  "Oo babe..  Oo.......!!! "

  Muli ko syang hinalikan at niyakap ng mahigpit....

   Sa Hindi inaasahang pagkakataon....!!!!!!

    Nakaharap ako sa tent ⛺ habang yakap-yakap Ko si Jacky... kaya kitang-kita Ko ang paglabas ng isang bagong gising na batang lalaki at Alam ko ang pangalan!!!

Vice :  "Viack? "

   Ang batang nakita at nakarga Ko sa Airport...!  Ang batang nag-aangkin ng mga ngiti ni Jacky at mga matang nakikita Ko ang aking sarili!! Ang batang tinawag akong daddy!!!

Viack :  "Daddy? Daddy?!!!!! "

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackМесто, где живут истории. Откройте их для себя