219) LOVE THIS WAY 💕

459 13 5
                                    

Chapter Forty-seven ( Page 219 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#10o'clock

Vice: "Love ko? OK ka lang ba? Anong nangyari sayo? "

   Nag-aalalang tanong ni Vice habang nakasandal Sa pintoan ng Banyo. 

Karylle: "OK lang ako love..."

Vice :  "Sure ka Love? "

Karylle: "Opo love..."

Vice :  "OK...... "

    Bumalik Sa pagkakahiga si Vice at naghintay Sa paglabas ng kanyang asawa...

WEDNESDAY NIGHT!!!

      Masayang naghahaponan sina Vice kasama ang kanyang mga magulang..

Papa Henry:  "Sayang naman at Hindi mo kasama ang asawa mo anak.?"

Vice:  "Oo nga po eh... Babawi nalang daw po sya sa susunod Ma. Pa? "

VICE POV

   Ang totoo nyan ay bahagyang tumutol si Papa noong unang nalaman nyang magpapakasal ako Kay karylle..  Dahil Sa nalaman nyang wala itong kakayahang magkaanak..

   Nanlumo ang Aking Ama dahil alam naman natin Kung gaano nito kagustong magkaroon ng apo..  Ngunit dahil Sa ipinaintindi namin sa kanya ang lahat lalo na ang sitwasyon ng paghihiwalay namin ni Jacky ay unti-unti rin nyang natanggap ang lahat..  Lalo na ang aming desisyong pagpapakasal...

Mama Martha: "Nak? May balita ka na ba tungkol Kay Jacky? "

   Si Mama Martha ang isa sa mga nanghinayang sa relasyon namin ni Jacky... Botong-boto kasi sya rito.. Umiyak pa nga sya noong malaman nyang hiwalay na kami at iniwan nalang ako basta-basta ni Jacky... Sinabi ko sa Kanya ang mga naging pagkukulang ko..  At maging mga pananakit ko saking asawa noon..

    Subrang lungkot din ang dinanas nila noong mga panahong namatay ang kanilang apo.. Nasundan pa ng paghihiwalay namin ni Jacky..

   Sa kabila ng lahat..  Naging supportive parin ang aking mga magulang sa mga naging desisyon ko sa buhay.. 

Vice :  "Ahmm... Nagkita na kami Ma...  "

   Matamlay kong sagot.

Mama Martha :  "Nag-usap naman ba kayo?  Saan daw sya nagpunta?  Bakit matagal syang Hindi nagparamdam? "

Vice :  "Nagpakalayo-layo sa ibang bansa Ma... "

Papa Henry :  "May asawa na sya? "

Vice :  "Wala pa po... Pero sa palagay ko may boyfriend sya.  "

   Hindi ko na sinabing may pagmamahal parin si Jacky sa akin..  Ayuko ng maniwala sa sinabi nyang ako parin ang Mahal nya hanggang ngayon...  Alam ko namang boyfriend nya ang Yam na yun...

   Pagkatapos naming kumain ay dumating sina Launch kasama si Mika at Dawn..

   Masaya naming binalikan ang lahat ng mga masasayang pangyayari samin noong mga panahong highschool at college pa kami. 

Mika:  "Si Jacky nalang ang kulang noh? "..

    Tahimik lang ako.... Ayukong makitaan nila ako ng kakaibang expression..

Launch:  "Hmmmm..  Manood nalang tayo ng street dancing bukas? "

KAPITBAHAY....

JACKY POV

    Ito ang unang pagkakataon na umuwi ako rito sa amin kasama ang Anak kong si Viack. 

   Gulat na gulat ang Tita at Tito lalo na't maging sila ay walang alam sa mga nangyari sakin sa loob ng limang taon.

   Ipinaliwanag ko sa kanila ang mga naging dahilan ko at ngayong alam na nila ang lahat ay naging bukas sila sa kaisipang   ipaalam ko kay Vice ang tungkol sa anak naming dalawa...

Tito Joey : "Ang pagkakaalam ko nandyan si Vice Sa kanila Jacky? Kung gusto mo?  Kausapin natin ang pamilya nya?  Sigurado akong matutuwa silang malamang may Apo pala sila sayo? "

Jacky:  "Ahhmm... Pag-iisipan Ko po Tito... "

    Hindi magtatagal ay malalaman rin nilang lahat ang tungkol Kay Viack.... At siguro nga nalalapit na ang tamang panahon na hinihintay ko..

VICE POV

10 o'clock in the evening...

    Sa aming Hardin kami nagpatuloy Sa pag-iinum ng mga kabarkada Ko..  Fiesta kasi sa amin.. At naisipan rin naming magkantahan..  Subrang ingay ng paligid..  Walang tulogan ang mga tao.. 

   Medyo naduduling narin ako..

   Tapos ang kulit-kulit pa ng alagang aso ko.. 

   Sa subrang pasaway..  Lumabas ito ng Gate!!!  Nakalimotan yata ni Papa sarhan bago ito umalis... 

Vice : "Moy-moy!!!!  Sus!!!  Kapag ikaw napulotan dyan sa labas!!!  Daming lasing ngayon kaya umayos ka!!! "

   Salita ako ng salita habang naglalakad upang sundan ang pasaway kong alaga..

Vice :  "Gusto mo bang mapulotan ka huh?  Pasok!!!! "

   Eco-close ko na sana ang Gate ngunit naagaw ang aking atensyon ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan nakaparada sa labas ng bahay nina Tita Amy. 

   Hindi ako maaring magkamali.  Sasakyan ito ni Yam....!!

  Dali-dali akong tumago Sa mga halaman ng marinig Ko ang pagpihit ng Gate nila.. Nakita kong unang lumabas ang mokong...!!!  At halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ko si Jacky!!!! 

   Ang sexy nya!!!  Parang Hindi lalaki ang kaharap nya ah!!!  Bakit ganoon sya magsuot?  Subrang ikli ng shorts at naka sleeveless lang!!!

Jacky :  "Salamat sa paghatid Yam? "

Yam:  "Wala yun..  Ito naman? "

  Tinalasan ko ang aking pandinig!! Hindi ko alam Kung bakit pero gusto kong malaman Kung anong pag-uusapan nila..

To be continued...
  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now