213) LOVE THIS WAY 💕

431 8 5
                                    

Chapter Forty-five ( Page 213 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#MinahalKita

JACKY POV

   Hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Vice... Kaya laking gulat ko na nasa harapan Ko na sya ngayon at pilit hinaharangan ang dinadaanan ko..

Vice :  "Jacky?  Mag-usap tayo please? "

Jacky :  "Para ano pa Vice?  Now I know!!"

Vice : "Let me explain? Please?  Huwag mo naman kaming husgahan agad oh? "

Jacky :  "At Bakit Hindi?  Bakit sya pa?  Bakit kapatid ko pa?!!!!"

    Pasigaw kong tanong sa Kanya..  Bakit ba kasi sa dinami-raming babaeng ipapalit nya sa akin bakit kapatid Ko pa?  At si Ate K?  Paanu nya naatim ang gawin sa akin ang ganito? Ang sakit!!!  Sakit-sakit!!!!

Vice :  "Dahil sya lang naman yung nandyan simula nong umalis ka...  Simula noong iniwan mo nalang ako ng basta-basta.... Alam mo bang ang sakit non Jacky? Yung tipong hanap ka ng hanap sa wala?  At kahit anong gawin ko Hindi kita mahagilap?  Hinanap kita sa Kung saan-saan!  Nagmukha akong baliw sa lahat ng mga tao!!  At noong panahong lugmok na lugmok ako...  Alam mo Kung sino ang nandyan para itayo ulit ako?  Walang iba kundi ang ate mo. . Si Karylle?!  Si karylle na nagpunas ng mga luha at pawis ko.  Si karylle na nagliligpit ng mga suka ko sa tuwing umiinum ako..  At si Karylle na nagtanggal lahat ng sakit at hinanakit sa puso ko..........sya lang ang nandyan Jacky...  Kaya sabihin mo?  Bakit nga ba dapat hindi sya?"

    Grabeeeeee na yung pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Halos Hindi ko na maaninag ang mukha ng kinakausap ko.. Ganoon din si Vice...  Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha nito..  Ramdam na ramdam namin ang bawat tusok ng Kung anong bagay sa mga puso namin..  Tila isang maliit na karayum na walang tigil sa pagtusok sa aming mga dugoang mga puso.. 

Jacky :  "May dahilan ako Kung bakit ako umalis Vice....  Yun ay Nawalan ako ng lugar dyan sa puso mo! Dumating tayo sa puntong Hindi na kita kilala... Lahat ng pagmamahal at pangako mo sa akin lahat ibinaon mo kasama ng baby Jr natin!!! At Kung iniisip mong naging madali sa akin ang lahat nagkakamali ka.. Dahil Hindi mo alam Kung ano ang pinagdaanan ko Vice.... Kung paanu Ko nilabanan ang pangungulila ko sayo.   Kung ilang ulit akong umiyak dahil miss na miss kita?  At kahit gaano kahirap ko nilabanan ang lahat? Ang saklap kasi hanggang ngayon masasabi ko paring Mahal na Mahal kita!!!!...... "

    Naghihikaos na ang aking boses gawa ng aking mga paghikbi kaya humugot muna ako ng isang napakalalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita...

Jacky :  "Pero ang malaman na kasal ka na pala? Grabe ang sakit.....  ! Ang puso ko nagdurusa samantala ikaw masaya Sa piling ng iba?  At talagang kapatid ko pa?!!!........ Kapatid ko pa talaga Vice? Huh?"

Vice :  "I'm sorry Jacky.  Nandito na tayo eh?  I'm sorry.... "

Jacky :  "Sorry? para saan? Oo.... Tama ka..  Nandito na tayo Vice....  At sa tingin ko naman ito talaga ang gusto mo....? "

Vice :  "Hindi ko ginustong magkaganito tayo Jacky?!! Minahal kita....  "

Jacky :  "Minahal mo lang ako.........? Pero Hindi mo na ako ngayon Mahal!!!! Pero ako?  Mahal parin kita!!! Kahit ikaw?!👈  May Mahal ng iba!!!! "

VICE POV

    Pilit kong inabot ang mga palad nya dahil alam kong nasasaktan sya ng subra...

Vice :  "Anong gusto mong gawin Ko? " 

Jacky : "Bitawan mo ako..  Then let me Go..... "  

   Anitong hinang-hina... Nagmamakaawa ang mukhang bitawan Ko sya... 

  Parang ayaw kong bumitaw sa mga palad ni Jacky..  Gusto ko syang yakapin..  Gusto ko syang patahanin...  Ako ang nagpaiyak sa kanya kaya nais kong ako rin ang magpahid ng mga luha nya.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin... At tinapik ang aking balikat..

Tom: "Brad?  Hayaan mo na muna sya? "

   Nagkibit-balikat na lamang ako at unti-unting bumitaw sa pagkakahawak ko kay Jacky.... 

   Pinagmasdan ko ang kanyang paglayo..  Bagay na Hindi ko nakita noong mga panahong bigla na lamang syang naglaho na parang bula...

    Alam kong Hindi dapat ako magulohan!!. Mahal ko si K...  Kaya Ko sya pinakasalan..  Pero ang malamang mahal parin ako ni Jacky?  Bakit nakaramdam ako ng panghihinayang?  Bakit Hindi ako nagtiis?  Bakit Hindi ako naghintay?  Bakit nga ba?   Lahat ng kagulohan sa isip ko ako lang din ang sumagot.  Siguro kasi..  Hindi lang talaga kami para sa isat-isa...

😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

To be continued....

  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now