259 ) LOVE THIS WAY 💕

292 3 2
                                    

Chapter Fifty-four ( Page 259 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Sakripisyo

JACKY POV

   Naging mabilis ang mga pangyayari..   Hindi ko narin namalayang nasa loob pala ako ng ICU at kritikal ang lagay ng Asawa ko. 

Nurse:  "Ma'am..  Huminahon ka muna. Makakasama po sa inyo ang labis na pag-aalala..  Lalo na po sa baby nyo..?  E-relax nyo na po muna sarili ninyo ma'am..  "

Jacky :  "Paano ako mag-rerelax?  Eh Nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko!!"

********************

    Nginig ang mga tuhod ni Madc habang papalapit sa morgue...

    Kani-kanina lang ay kausap nya pa sa cellphone ang asawa ngunit ngayon ay mababalitaan nya na lamang na wala na itong buhay? 

  Napakasaklap ang dinanas ng asawa nyang si Tom.. Hindi sya makapaniwalang matatapos ng ganito kadali ang kanilang pagsasama..  Kung kailan malapit ng mabuo ang kanilang pamilya tsaka naman ito nawala Sa isang iglap..

  Bumuhos ang luha at dalamhati ng naulila nitong asawa na si Madc matapos masilayan ang walang buhay na si Tom..

********************

Billy:  "Tita?  Kamusta na po kayo? "

Louisa :  "Mabuti-buti na pakiramdam ko..  Gusto Kong makita ang anak ko Billy?  At ang apo Ko? "

Billy :  "Tita?  Kailangan nyo po muna ng pahinga sabi ng Doctor... Tsaka huwag na  po kayong mag-alala..  Ligtas na po sina Jacky at Viack..  Sina Melvie at Anne po ang nag-aasikaso sa kanila ngayon.. Nagpapahinga narin po sila Sa ngayon Tita. "

Louisa:  "Haaays  salamat sa Dios kung ganun. Makakahinga narin ako ng maluwang..  Pero Di ko parin maiwasan ang huwag malungkot dahil sa sinapit ng Tito Joey ninyo "

Billy :  "Ako nga rin po Tita..  Halos Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari.  "

*************************

Panalangin...

Amy:  "Dios ko.. 🙏  tulongan mo akong tanggapin at intindihin ang lahat. Patatagin po ninyo ako sapagkat ako'y pinanghihinaan na ng loob..  Ang daming katanungan Sa isip ko kung bakit kailangang mangyari ang trahedyang ito Sa pamilya namin..  Nagmamakaawa po ako panginoon..  Patnubayan po ninyo ako  saking mga suliranin..  Amen.. " 🙏

Anne : " Tita? "

Tita Amy:  "oh Anne? Kanina ka pa ba dyan? "

   Sabay na nagpunas ng luha si Amy. 

Anne :  "Kakarating ko lang po.  Kanina kapa namin hinahanap..  ?"

Tita Amy:  " S'ya... Tara nah? "

Anne:  "Ahm Tita? Andito Lang kami para sayo... 😢"

   Niyakap nito ang naulilang si Amy..

Tita :  "Salamat 😢"

**************************

Jacky :  "Babe?  Please lumaban ka ha? .. Huwag kang susuko..  Diba sabi mo?  Walang iwanan? Ipapasyal mo pa ako sa Kung saan-saan diba?  Kakakasal lang natin babe oh?  Hindi pa tayo nakakapag-honeymoon diba? Tapos nangako kang bibigyan mo ako ng maraming anak? Babe?  Nangako ka..  Kaya dapat tuparin mo yun ha? Walang bibitaw...?  Huwag mo akong iiwan..😢  Hindi ko kaya babe😢...  Hindi ko kaya 😢...."

   Matapos ang ilang sandali ay bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Vice.. 

Jacky :  "Babe?  Babe ko?"

Dali-daling tinawag ni Jacky ang doctor upang tingnan ang kalagayan ng nakaratay nyang asawa..

At basi sa obserbasyon ng Doctor unti-unti ng bumubuti ang kalagayan ni Vice..  Hinihintay na lamang nilang ito ay magkaroon ng malay...

Melvie: "lumalaban si Vice..  🙂"

Jacky : "Oo..  Thanks God!! Dininig nya lahat ng mga dasal Ko..😇"

Melvie :  "Ahm.. Jacky?  Mayroon palang gustong kumausap sayo Sa labas...? "

Jacky : "huh?  Sino? "

************************

   Hindi ko alam Kung anong nararapat kong maramdaman ng makita ko ang mapanumbat na mga tingin ni Madc Sa akin.. 

Jacky :  "Madc?  Nakikiramay ako... 😢"

    Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ng walong buwang buntis na si Madc ...

Madc :  "Ang swerte mo parin talaga Jacky...  Kaya inggit na inggit ako sayo eh? Kahit saan tingnan ikaw parin yung mas maswerte.. "

Jacky :  "Madc?  Naiintindihan kita.  Alam kong masakit pero..... "

Madc:  "Pero Hindi ikaw ang naulila Jacky... Kundi ako...  Kami ng anak ko....  Sa tingin mo magiging masaya akong tawaging bayani ang asawa ko?  Jacky wala na sya!!  Wala si Tom..  Wala na ang Ama ng anak ko.. "

Jacky :  "I'm sorry?  Pareho nating Hindi ginusto ang mga nangyari Madc?  Patawarin mo kami kung dahil Sa amin kaya ka nagkakaganyan... 😢😢"

Madc :  "Ang sakit kasi Jacky eh.... Doble yung sakit alam mo ba yun?  kasi sa dami-daming pwede nyang pagbuhisan ng buhay eh ikaw pa?  😢😢Ikaw pa na alam kong habambuhay nyang mamahalin kahit nandito ako na asawa nya.. At lalo pang masakit dahil kahit Sa huling hininga nya ikaw parin ang pinili nya!!!😭😭"

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackحيث تعيش القصص. اكتشف الآن