193) LOVE THIS WAY 💕

367 4 1
                                    

Chapter Thirty-seven ( Page 193 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#WalaNaSya

    MASAYA AKONG PINAGMAMASDAN ang nakangiting Baby boy namin ni Vice.. Ang cute-cute nya..  Lalo na pag nahahalata ang kanyang maliit na biloy sa kaliwang pisnge. 

   Halos walang mapaglagyan ang saya namin ni Vice ng dumating ang munting anghel nato sa aming buhay. Bakas sa mukha ng aking Asawa ang nag-uumapaw na kaligayahan Habang karga-karga nito ang aming baby..

Vice :  "Baby Jr namin..  Manang-manang kay Papa ah?  Talagang Mahal na Mahal ako ng mommy Jacky eh.  Talagang binigyan ako ng Carbon copy.. Hehe I love you babe? "😘

   Masuyo akong hinalikan ni Vice Sa noo..

Jacky :  "Bagay na bagay sayo ang maging Tatay babe?  Hehe 😁"

Vice :  "Talaga?  So dapat gawa pa tayo agad ng Kapatid ni Baby babe huh? Haha 😂 "

Jacky :  "Hala? Grabe ka?  Bagong tahi pa nga lang ng asawa mo hihirit Kana? Hehe 😂 "

Vice :  "Aba..  Syempre!!  Diba sabi mo kahit ilan hilingin kong anak?  Iluluwal mo para sa akin?  Haha 😂 "

Jacky :  "Oo pero pwede bang tsaka na pag naghilum na to?  Haha 😂 "

Vice :  "OK approved!!! Haha 😂 "

   Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang Mag-Ama ko..  Habang hinahalik-halikan nito ang maliliit na Kamay at paa ng baby..  Hehe.  Ang cute nila tingnan talaga..  Subrang nag-uumapaw ang  Tuwa at kaligayahan sa puso ko..

Vice : "Babe?  Mommy?  Mukang gutom yata si Baby?  Sinisipsip yung hinlalaki nya eh?"

    Inabot nya sakin ang aming cutie baby boy ..

   Maliban sa asawa kong loko-loko, ngayon ang First time kong magpapasuso ng baby hehe..  Nakiliti ako nong Una..  Ngunit tiniis ko upang matanggal ang gutom ng baby boy namin..  Habang si Vice naman ay nakangiti habang tinitingnan ang pagsuso nito saking dibdib..

Vice :  "Masarap ba Baby?  Hehe.  Pwede pinge si Daddy?  Haha 😂 "

    Sa ganoong pagbibiro si daddy Vice nya ng biglang napatadyak ang maliit nitong paa  hehe..

Jacky:  "Haha 😂 ayaw nya magbigay Babe.  Sorry ka nalang. Haha 😂 "

Vice :  "Hala?  Hehe.  Nakakaintindi si baby namin ah?  Hehe. Hmmmmpppp.  Ang cute-cute mo talaga... "

    Mahinang pinanggigilan nito ang seryosong dumidedi na baby.. Hehe 😂

   NANG BIGLANG MAY PUMASOK Na mga kalalakihan na hindi namin kilala...

  Biglang namuo ang takot at kaba saking dibdib habang hawak-hawak ko ang aking sanggol..  Nakita kong biglang tumayo si Vice..  Ngunit  ako'y napahiyaw ng biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril!!!!

   Bulagta ang dugoan kong asawa Sa sahig!!!!

   Dilat ang mga Mata habang nag-aagaw buhay.. Nakataas ang kamay nito habang tinatawag ang pangalan ko at ang anak namin..

    Nginig ang aking mga kamay maging ang aking mga tuhod....!!

    Na-shocked ako habang pinagmamasdan ang tuloyang paghinto ng hininga ng aking Asawa... Dun na tumulo yung mga Luha ko..

    Ngunit mas lalo lang akong umiyak ng tangkaing kuhanin ng isang lalaki ang sanggol na hawak ko...  Nagpumiglas ako!!  Kahit pa patayin ako ng mga ito wala akong pakialam!!  Hindi ko ibibigay ang anak ko!!!  HINDI!!!!

    kaya nong Tuloyan na ngang naagaw sa akin ang baby namin ay halos pasigaw na akong umiyak!!!!  Habang papalayo sila sa akin!!  Gusto kong tumayo at habolin ang mga walang hiya pero Di ko magawa!! Hindi ko naigalaw ang aking mga paa!! Tila isa akong Lumpo na walang magawa!!!! 

    "JACKY GUMISING KAAAAAA!!!!! "

   Hingal na hingal ako habang ako ay naka-upo..  May hinahanap ako sa paligid na Hindi ko alam Kung Anu..  Hinawakan ko ang Tyan ko at nagsimula akong mataranta dahil sa wala akong makapa. 

Jacky :  " Ang baby ko? Asan na si Baby? Kinuha sya ng mga lalaki pero alam ko panaginip lang yun.. ? Ate Anne? Tita Amy?  Tito?  Anu?  Nasaan na ang baby ko?  Please?  Ilabas nyo sya..  Wag nyo naman itago si baby oh..  Please please!!!! "

  Daig ko pa ang loka-loka sa mga inaasal ko...ang Hindi ko maintindiha bakit Hindi nila ako sinasagot?  Tapos teka lang? Umiiyak ba sila?  Nagugulohan ako..

Natigilan ako ng biglang bumukas ang pinto.  Bumungad sakin ang walang emosyong mukha ng aking asawa..

Jacky :  "Babe?  Buhay ka? Sabi ko na nga ba panaginip lang lahat.."

   Niyakap ko sya at pinisil-pisil ang mukha..

Jacky:  "Babe?  Si baby?  Asan na?  Di pa yun tapos magdede eh..  Alam ko nagugutom na yun... "

Vice :  "Wala na sya..  "

To be continued...

    

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now