244) LOVE THIS WAY 💕

263 3 0
                                    

Chapter forty-seven ( Page 244 )
Title: LOVE THIS WAY 💕
#Sampal..

    Pagbaba ni Jacky sa Salas. Ay agad bumungad Sa kanya ang nakangiting kasintahan na si Yam!!

    Oo..  Boyfriend na nya si Yam 1 week ago.. Ngunit mas pinili muna ni Jacky na huwag na muna nila ipaalam ang tungkol sa kanila lalo na't baka mabigla ang anak nya at syempre ang mga tao Sa kanilang paligid. 

JACKY POV

    Alam kong mali ang pumasok sa relasyong alam mong sa simula palang ay mahirap ng panindigan.  Ngunit sa kabaitan, pagmamahal at pagpupursige na pinapakita ni Yam sa aming Mag-ina Wala naman sigurong masama Kung pagbuksan ko sya ng pinto sa aking puso...

   Bigla akong kinabahan...

   Ngayon ko na-realize na Hindi lang pala Kay Ate karylle ako dapat makaramdam ng kunsensya kundi maging Sa boyfriend ko...!!!!

   Nakipagtalik ako sa Ama ng anak ko?  Paano na to!!!  Bakit bigla Ko nalang kinalimotang may nagmamay-ari na pala sa akin?  Anong gagawin Ko?  Paano na ang lahat?

YAM POV

   Sinalubong ko ng halik sa pisngi ang aking nobya.. 

Yam:  "Good morning 😍 mukhang gulat na gulat ka?  OK ka lang? "

Jacky :  "Ahmm..  OK lang ako.. Kanina ka pa? "

Yam:  "Kakarating ko lang 😊😊 ba't parang nanginginig ka?  OK ka lang ba  Jacky? "

   Masuyo kong hinimas ang kanyang pisngi at tinitigan sa mata. 

   Ang ganda-ganda talaga nya.  Hindi ako makapaniwalang nobya ko na ang magandang babaeng matagal ko ng pinapangarap..

  Kahit na nais ni Jacky na ilihim pansamatala ang tungkol sa relasyon namin..  OK lang.  Ang mahalaga..  Akin na sya at ako na ang tatayong Ama sa anak nyang si Viack.. 

Jacky :  "Ahhmm.  Ano kasi eh...?"

  Hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Jacky dahil naagaw ang aking pansin ng isang lalaking pababa ng hagdan..  Nakasando lang at naka-boxer shorts.. 

   Kunot noo kong sinalubong ng tingin ang papalapit na si Vice.

VICE POV

   Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng mapansin kong may tao pala sa Salas...

  Si Yam at si Jacky na halos isang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa?

   Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Galit itong nagtanong...

Yam: "Anong ginagawa mo dito?" 

   Para tuloy akong natameme..  Ano naman karapatan nyang magalit?

Yam: "Jacky?  Bakit nandito ang isang yan ha?  "

Jacky :  "Ahhmm.  Ano kasi eh..  Ahhmm... "

Yam:  "Anong ano kasi? "

Jacky :  "Lasing na lasing kasi sya kagabi.. "

Yam:  "Lasing?  TSK.  Taga rescue kana pala ngayon ng mga taong lasing Jacky?!!!!"

Jacky :  "Yam?  Let me explain OK?  Wala ka naman dapat ikabahala eh?  Calm down? Please? "

Hindi na ako nakapagpigil kaya nakisali na ako sa usapan nilang dalawa..  Hindi ako papayag na sigaw-sigawan lang ng mokong nato si Jacky sa harap ko!! 

Vice :  "Hoy?!!!  Ano bang problema mo Kung dito ako natulog? Huwag na huwag mong masigaw-sigawan si Jacky sa harap ko Kung ayaw mong burahin ko yang pagmumukha mo?  We are family here!!  Ama ako ng anak ni Jacky kaya pwede ba?  Huwag kang manggulo dito? "

   Matapang kong turan.!!

Jacky :  "Vice please?  Shut up? "

  Pagmamakaawa nito.
   
  Imbes na matakot eh tumawa pa ito ng nakakaloko kaya lalo lang ako nainis.. 

Yam:  "See?  Tumahimik ka raw? Kung ako sayo?  Umalis ka na? "

  Ang lakas talaga ng amats nitong Yam na to!!  At sino sya para paalisin ako?  Hindi ako magpapatalo!! Ngayon ko pa ba isusuko ang taong mahal ko?  Gayong  kagabi lang ay may nangyari Sa aming dalawa?!! Huh..   Dapat ako ang tumatawa at Hindi sya...!!!

    Dahil sa gigil ko ay bigla kong hinila ang kamay ni Jacky palapit Sa akin..  Niyakap ko sya at niyapos ko sya  sa  bewang..  Gusto kong ipakita sa Yam na ito na akin lang si Jacky..  At kailan man Hindi mapupunta sa kanya.. 

Vice :  "tigilan mo na ang kakapantasya mo sa babaeng ito dahil akin sya.  Naiintindihan mo? "

  Ang akala ko makikisama si Jacky sa mga sinasabi ko.  Dahil kahit Hindi nya sabihin alam Kong mahal nya parin ako.. Ngunit laking gulat ko ng bigla syang kumawala sa pagkakayakap ko..  Halong emosyon at pagtataka ang naging reaksyon ko..

Jacky : "Huwag ka nga Vice!!  Pwede ba tigilan mo na ako? "

Vice :  "Jacky?  Paano mo nasasabi yan?  Wala lang ba sayo ang"

JACKY POV

    Hindi ko na hinayaang taposin ni Vice ang sasabihin nya dahil malaking gulo at kahihiyan ang mangyayari kapag nalaman ni Yam na may nangyari sa amin ni Vice kagabi... Kaya ang ginawa ko sinampal Ko sya ng malakas. 

    Yun na lamang ang tangi kong alam na gawin upang pigilan sya sa mga nais pa nyang sabihin.. 

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now