175) LOVE THIS WAY 💕

504 5 0
                                    

Chapter Twenty-nine ( Page 175 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Maleta

   KINABUKASAN.. 

   Maagang nagising si Jacky..  Upang ipaghanda ng almusal ang asawa..  Kahit magkagalit silang dalawa ay obligasyon nya paring pagsilbihan ito.. Pagkatapos nyang magluto at maligo ay umalis na sya. Nag-iwan sya ng note at ipinatong Sa plantsadong damit ng asawa..

    Minabuti nyang agahan ang pagpunta ng Restaurant upang makaiwas sa gulo.. 

      Dahil Baka mag-almusal na naman sila ng Sigawan..  Maghaponan ng Tampuhan. At magMeryenda ng Pagdududa.  Haha..😂 Away-away na naman!!!

VICE POV

   NAGISING AKO sa ng lakas alarm..  Pagmulat ko ng aking mga mata wala na akong katabi..  Wala na si Jacky.. 

    Biglang bumigat ang katawan ko..  Tinamad ako bigla..  Parang ayaw kong pumasok.  Pero hindi pupuwede.  Bilang isang Assistant Manager kinakailangan ang aking presensya anu't anu man ang mangyari...

  Kaya pinilit kong bumangon..  Nabaling ang aking paningin sa isang maliit na kapirasong papel na nakapatong saking susuotin na damit.

   Agad kong dinampot at binasa. 

  "Kumain ka na..  Wag mong sayangin ang niluto ko para sayo. I love you "

   Napangiti akong mabasa ang mga isinulat nya.  14 words lang ngunit napagaan nito ang aking nararamdaman..

   Lalo na ng makita kong inilipat pala nito sa flower vase ang dala kong mga bulaklak kagabi..  Hindi ko na naiabot sa kanya dahil sa pag-aaway namin dalawa. ...

  Mukang kailangan ko na yatang gawan ng paraan upang magkaayos kami ah.. Namimiss ko na ang mga paglalambing nya.   Ang mga ngiti nya.   Ang yakapin sya.   Ang halikan sya..  Ang angkinin sya..  Miss na miss ko na ang asawa ko..  Hindi na ako makakatagal sa ganitong sitwasyon naming dalawa..  Kaya naman siguro panahon na para bigyan namin ng panahon ang isat-isa. 

JACKY POV

    Pagkatapos ng nakakapagod na pagpapalakad ko sa restaurant..  Nagpasya akong huwag na munang umuwi.. Ayukong may time kaming mag-away ni Vice. Kaya mas OK na yung ganito pagdating tutulog na lang..  Basta ayuko na talagang magtalo na naman kami..  Halos paulit-ulit lang naman kasi pinag-aawayan naming dalawa. 

     Bumili ako ng mga pasalubong para sa super duper cute na inaanak kong si Aiyesha..

Jacky :  "Hello Mareng Ate Anne?!! Baby yesha?!  Come to Ninang.?"

Anne:  "Oh?  Hala..  Baby Yesha?!!  Ninang is here oh?  Lablab Ninang?"

Jacky :  "Dali na baby? Ummwuah.. 😘😘😘"

   Masaya kong kinarga ang dalawang taon gulang kong inaanak....  

   Busy ito sa hinahawakan nyang laroan..

Anne : "Bless na Ninang baby Yesha?"

   Nagbless naman ang super smart na si Baby Aiyesha. 

Jacky : "WOw!!!  Ang bait-bait naman ng baby namin..  Hmmmmpp.. Hmmmmp"

  Hindi  maubos-ubos ang panggigigil ko sa bata. Hehe.  Ang cute-cute kasi sarap kagatin.. 

Vhong : " Oh Mareng Jacky?  San si Pareng Vice?  At bakit ikaw lang Mag-isa? "

  Natigilan ako sa tanong ni kuya Vhong. 

Anne: "Oo nga Jacky?  Wag mong sabihing busy-busyhan ang Utol kong yun?  Hmm? "

Jacky :  "Ahm..  Nag-away kasi kami..  We are not in good terms for now.. "

Anne:  "Dahil parin ba dun sa nangyari Jacky"

   Biglang Nag-iba ang templa ko..  Nakaramdam ako ng kirot..

Anne : "Alam na namin Jacky.  Pero OK Lang Kung ayaw mong pag-usapan? "

Jacky :  "hindi.  OK lang ate Anne..  Wala naman akong choice kundi tanggapin ang totoo eh.  "

   (Dahil sa seryosohang usapan ng magMare ay minabuting kinuha muna ni Vhong Si baby Aiyesha mula sa pagkakakalong ni Jacky..)

Vhong :  "lika muna kay Daddy huh?  Mag-uusap lang si Mommy at Ninang... Hmmmp "

     Matapos kong bumuntong hininga ay ibinuhos ko lahat kay Ate Anne ang mga hinanakit ko sa mga nangyayari.  Tungkol sa pagkakatuklas ko saking tunay na pinagmulan.  Na meron pala akong mga kapatid?  Maging ang mga sunod-sunod na pagtatalo namin ni Vice.  Inilabas ko lahat..  Nahihirapan na ako.kaya laking pasasalamat kong pinakinggan ako ni Ate Anne..

Anne:  "Mag-usap kayong dalawa...  Kailangan nyong pag-usapan ang gusot.. Walang mangyayari kong mag-iiwasan kayong dalawa? "

Jacky :  "Ewan ko ba Ate Anne.  Gusto ko naman magkaayos kami eh..  Isa pa ayukong ma-stressed.  Alam mo na?  "

Anne:  "Kaya naman ingatan mo yang sarili mo huh?  Lalo na ngayon...?"

Jacky : "Salamat Ate Anne huh? Gumaan yung loob ko."

Anne:  "Wala yun.. Andito lang kaming mag-asawa para sa inyong dalawa.. "

   Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni Ate Anne ay tinahak ko na ang daan pauwi.  Pagpasok ko ng Condo agad bumungad sakin ang dalawang maleta saking harapan..

Kunot noo kong hinarap ang busy Sa pagla-laptop na si Vice...

Jacky :  "Anung kalokohan to Vice? "

To be continued... 

  
  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now