EPISODE 1 [Part 1]

302 3 0
                                    

"Magkano? ito naba ang pinaka prize niya? tanong ni Almira habang tinuturo ang mamahaling camera.

"Iyan po mismo mam ang prize niya. Pinakalatest namin 'yan mam. You will not regret when you buy it."

"Really? hindi ko pagsisisihan? baka sa huli talo ako, 'yong tipong akala mo siya na pero iniwan ka parin niya.

"Hindi mam promise!" Magtiwala ka kasi mam, napaka advance mo mag-isip.

"Mawalan kaman ngayon ng trabaho ?"

"Masamang biro po 'yan mam," will you buy it?

"Sorry, wala kasi akong pera sa ganyang halaga. Gustong-gusto ko pa naman sana."

"Sayang maganda ka pa naman mam kaso wala kang pera."

"Sinabi mo pa! Maganda lang ako pero walang pera! Pero babalikan ko 'yan kapag nakapag-ipon na ako. Huwag mong ibebenta kahit kanino kundi hindi ka magkaka girlfriend ng kasing ganda ko. Pagbibiro ni Almira at kinindatan ang lalake.

"Grabe! Paano niya nahulaang single ako? Naku kindat pa lang niya nakakaakit na," paano kung balikan niya talaga ako? ang mabuti pa itago ko na lang itong camera.

"Ahem!

"Sir! kayo pala! magandang umaga! kanina ka pa ba riyan?

"Costumer mo ba 'yon?

"Alin sir? 'yung magandang babae na walang pera? I mean 'yung babaeng maganda?

"Siguro, basta 'yung kakaalis lang.

"Ahh opo, gusto niyang bilhin ang latest nating camera kaso wala raw siyang pera. Sabi niya maganda lang siya pero walang pera. Sir, sabi niya babalikan niya ito kapag nakapag-ipon na siya at kapag benenta ko raw sa iba babalikan niya ako at hindi ako magkaka girlfriend kaya itatago ko na lang muna sir baka balikan niya talaga ako".

"You believe it? hayaan mo siya."

"Pero sir."

"Papunta na sina daddy bahala kana sa kanila. Papasok na ako, 'wag mong sasabihing dumaan ako maliwanag?

"Yes sir!

"Sir ka ng sir diyan babatukan na talaga kita!

"Sorry na, nagtatrabaho ako aport kaya dapat lang na magalang at sipagan ko.

"Ewan ko sa'yo Greg.

Napakamot na lang sa batok si Greg.

Samantala sa kabilang banda naman ay nakauwi na ng bahay si Almira habang bitbit ang isang supot ng pandesal na paboritong isawsaw sa mainit na kape ng kanyang uncle Matteo.

Nagmano ito at pagkatapos ay pinagtimpla niya ng kape. Nasa animnaput'siyam na ito ganu'n paman malakas parin ito.

"Uncle isang taon na lang gagraduate na ako, kunting tiis na lang dahil ikaw ang magsasabit ng medalya sa akin. Magpalakas kayo lagi puro na lang kasi kape at pandesal ang kinakain mo. Sabi ni Almira habang nilalapag ang tasa sa table.

"Almira hindi mo ba alam na malakas pa ako? aba isang taon lang pala! Pangakong hindi ako mawawala dahil ang araw na iyon ay special sa ating dalawa.

"Kaya nga uncle dahil kayo ang magsasabit ng medalya sa'kin. Tsaka diba iyon naman ang pangako ko sa inyo ni untie bago siya nawala? Siya nga pala uncle may napili na akong gagamitin sa darating na camping.

"May pera ka ba? magsabi ka lang sa'kin hija baka makatulong ako.

"May naipon naman po ako uncle ako paba? kapag nabili ko 'yon ikaw ang una kong kukunan ng litrato."

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now