EPISODE 12 [Part 1]

45 5 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 12 [Part 1]

Based on my observation,kanina pa tinititigan ni Almira ang isang remote na binigay sa kanya ni Greg.Tikom ang bibig nito habang ang kanyang mga mata ay mapungay na dahil sa ilang gabing halos hindi makatulog.

"Pinsan,subukan mo kayang galawin ang pagkaing nasa harapan mo."Pagbasag ng katahimikan ni Vanessa kay Almira.Napasulyap naman si Almira at kusa niyang hinablot ang kutsara pero hindi naman ginalaw ang pagkain.

"Nag-aalala ka parin ba sa kanya?hanggang hindi yan nagkukulay green o kulay pula walang mangyayaring masama kay Sinichi Yibong pogi na 'yon,"Tsaka matapang 'yon kaya kayang kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

"Vanessa,kailangan kong makipagtulungan sa kanila.Gusto kong maparusahan si Felix at mapatunayang siya ang pumatay sa mga magulang ko.Gusto ko ng matapos ang lahat,at hinding-hindi ako papayag na angkinin niya ang pinaghirapan ng mama at papa ko.Hindi ako susuko,hindi ako magiging mahina at ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang anak ng Jacinto.Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya."

"Yan!yan ang gusto kong marinig pinsan!kumain kana para may lakas ka.Sasama rin ako sayo para hanapin si Yibo my loves ko.Tsaka alam mo mas lalo akong humanga sa kanya,biruin mo ginawa niya lang iyon para isave ang life mo.Omg!!may super hero kana pala pinsan!

"Makikipagkita ako kay Felix.Seryosong wika ni Almira.

"What!?"seryoso kaba?gusto mo bang mapahamak ang sarili mo?"mag-isip ka nga Almira!galit na sabi ni Vanessa.

"Calm down pinsan,may plano ako kaya hayaan mo na ako."

"Anong plano?tsaka hindi ako papayag!bawal as in bawal kang makipagkita sa demonyong Felix na 'yon!papayag lang ako kapag may kasama kang body guards mo o mas magandang police para makulong na siya!

"Pinsan naman,wala ka bang bilib sa akin?wag mong sasabihin kahit kanino na makikipagkita ako kay Felix.Ipangako mo ha?"

Napa cross arm na lang si Vanessa at bahagya niyang kinagat ang kanyang labi bago sumagot.

"Ok,may magagawa pa ba ako?basta mag-iingat ka pinsan.Mapanganib ang taong 'yon.Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo ako,o kahit sino man sa amin ok?"

Tumango si Almira at nginitian niya ang kanyang pinsan.Kumain din ito para may lakas siya,pagkatapos nilang kumain umalis agad si Almira na siya lang mag-isa.

Tahimik,walang kataotao sa paligid.Nararamdaman niya ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang balat habang nakatayo kasabay noon ang paglapag niya ng mga bulaklak.

"Pa,ma,miss na miss ko na po kayo at alam kong ganun din kayo saken.Simula nung nawala kayo sa tabi ko naging malungkot na ako.Pakiramdam ko noon buong buhay na lang akong iiyak dahil lagi ko kayong hinahanap.Ngayon po panahon na para kumilos ako,hindi ako papayag na hindi kayo mabigyan ng hustisya.Ako si Almira Jacinto lalaban po ako para sa inyo,kukunin ko ang dapat na para sa atin at hindi ko hahayaang masayang ang pinaghirapan niyo.Mariing tinitigan ni Almira ang puntod ng kanyang ama at ina na magkatabi lamang.Napasulyap siya sa kaliwang bahagi na katabi ng kanyang ama nilapitan niya ito.

"Uncle,miss na rin po kita.Mahinang sabi ni Almira at bigla niyang naalala ang pandesal habang sinasawsaw nila sa mainit na kape.Medyo napadrama ang dalaga dahil hindi niya lubos maisip na pati ang uncle niya ay iniwan na rin siya.Uncle,salamat,salamat sa pag-aalaga sa akin.Salamat dahil pinadama mo sa akin ang pagmamahal ng isang tunay na magulang.Hindi ka nagkulang sa akin,ang daya lang kasi sobrang dami mong sekreto sa akin pati ang tungkol sa sakit mo.Sabi mo malakas ka nung mga panahong iyon,pero ang totoo nahihirapan kana at nakakaya mong maging malakas kapag kaharap mo lang ako.Mahal na mahal po kita,"tumulo ang luha ni Almira.Pinunas niya iyon at napatingin siya sa kanyang ama at ina sabay haplos sa stone tablet.Mahal na mahal ko po kayong lahat.Napangiti si Almira,pagtapos nun ay nilisan niya na ang puntod.

Ngayon naglalakad na siya papunta sa sasakyan.Nagulat na lamang ang dalaga ng makita niyang nakasandal sa sasakyan si Miguel habang hinihintay siya.

"Miguel pano mo nalaman na nandito ako?bungad niya sa binata.

"Nalaman kong makikipagkita ka kay Felix.Almira,nag-iisip kaba?"pano kung may gawin siyang masama sayo?pag-alalang wika ni Miguel pero hindi siya pinansin ni Almira at binuksan na ang pinto ng sasakyan.Papasok na sana ang dalaga ng pigilan siya ng binata at hinawakan ito sa braso.

"Nag- aalala lang naman ako sayo Almira,please kausapin mo ako."

"Si Vanessa ba ang nagsabi sayo?

"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi sa'kin.Kaya pakiusap wag mo ng ituloy."

"Para ano?para hintayin kong may gawin pa siyang hindi maganda?at hintayin kong may mangyaring masama kay Yibo?diba kapatid mo siya?bakit hindi kaman lang ba nag-aalala sa kanya?!

Natigilan si Miguel at agad niyang binitawan ang braso ng dalaga.

"Kumikilos na ang mga police,inaalam na nila kong nasaan si Yibo.At kung sa tingin mo wala akong pakialam sa kanya edi sige.Siya nga pala nakausap namin si Attorney Tan,at ang isa sa private detective ni tito Matteo.Ayon kay detective matagal na siyang nagsagawa ng kanyang tungkulin ng palihim upang makakuha ng inpormasyon at ebidensya na naaayon sa kahilingan ng uncle mo.Ikaw na lang ang hinihintay nila Almira kaya pakiusap sumama kana sa akin ngayon.Gusto mo bang maayos na ang lahat at makulong na si Felix?

Tumango si Almira at pumayag ito sa gusto ni Miguel.

Papunta sila ngayon sa lugar kong saan naroroon sina Attorney Tan at ang private detective.Pagdating nila doon bumungad sa kanila sina Mayro,at ang lola't lolo ni Miguel.Nandun din si secretary Ja,pinaupo nila si Almira bago nila pinag-usapan ang plano.

Ilang oras din ang lumipas bago sila natapos.Napansin ni Almira na may umiilaw sa loob ng kanyang bag at doon na siya kinabahan.Halos hindi niya maibuka ang kanyang bibig ng makita niyang umilaw ng kulay green ang remote.Napansin naman iyon ni Miguel kaya hindi na ito nagdalawang isip na tanungin ang dalaga.

"Bakit Almira?sabay hawak sa kamay ng dalaga.

"Namumutla ka Almira,may problema ba?tanong ni Mayro.

Nilabas ni Almira ang remote hanggang sa na curious ang lahat ng naroroon sa loob kung anong connection ng bagay na 'yon sa kanila.

"Inabot niya ito kay Greg bago siya umalis para ibigay sa akin.Dahil umilaw ng kulay green,ibig sabihin may masamang nangyayari kay Yibo.At isa pa hangga't hindi napapalitan ang kulay meaning buhay pa siya.Kapag unti-unti ng nagfe-fade ang kulay green isa lamang ang ibig sabihin nun malapit na siya sa kamatayan.At kapag umilaw na ang kulay pulang nasa kanang bahagi ibig sabihin nun wala na siya.Yan lang ang paraan para masave niya ako,para maligtas niya ang buhay ko.Pagkatapos niyang maipaliwanag iyon biglang tumulo ang mga luha ni Almira.Niyakap siya ni Miguel habang nagpapanic naman sa sobrang pag-alala si Mayro at ang lola't lolo nila.

Kinuha ng detective ang remote at mariin niya itong tinitigan.Hanggang sa may nakita itong kakaiba kaya naman hiniram niya muna ito kay Almira.

__________

AUTHORS' NOTE:

SALAMAT PO PALA SA MGA NAGBABASA AT BOMOBOTO,SANA HANGGANG SA HULING EPISODE SAMAHAN NIYO AKO..

_MissRas25

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now