PART 5

30 4 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 15 [Part 5]

"Oh!"Sir Miguel nice to see you again."

Naningkit ang mga mata ni Miguel dahil pilit niyang kinikilala ang babaeng kakarating lang.

Napatayo rin sina Yibo at Cindy na kanina pang pinaglalaruan ang apoy.

"Sam?"medyo nagulat si Miguel sa kanyang nakita kaya napatayo rin ito.A-Anong ginagawa mo rito?"

"Well,siguro tinadhana tayong magkita sir Miguel.Nakangiting sabi nito at lumapit sabay pulupot ng kamay sa braso ng binata.Naningkit naman ang mga mata ni Yibo.

"Ahem!hyeongjae."sambit na wika ni Yibo at senenyasan niya si Miguel.

"Ex secretary ko nga pala si Samantha.Siya ang dati kong secretary nung nasa US pa ako.Siya nga pala Samantha,si Yibo kapatid ko at si Cindy kaibigan ko.Paliwanag ni Miguel.

Walang reaction si Samantha ng ipakilala sa kanya sina Yibo at Cindy.

"Ex secretary nga ba?bakit ganyan makapulupot yang haliparot na 'yan?naku Yibo pigilan mo ako baka masampal ko pa 'yang babaeng dumidikit sa jowa ng may jowa!Parinig naman ni Cindy na nakataas pa ang kilay.

"Excuse me!pinaparinggan mo ba ako?"

"Bakit tinamaan kaba?

"Haha!eh sir Miguel walang attitude pala 'tong kaibigan mo!"napalakas ang boses ni Samantha habang nakangisi pa kay Cindy.

"Hyeongjae pano mo naging secretary ang ganyang babae?tanong ni Yibo pero hindi niya na hinintay pa ang sagot ni Miguel dahil biglang tumunog ang cellphone ni Cindy.

"Hello Vanessa!nasaan naba kayo?pakibilisan ng makabalik kayo agad bago pa ahasin ng malanding babae ang Mr mo."bungad ni Cindy mula sa kabilang linya.

"Malapit na kami galing kami ng clinic.

"Clinic?!anong ginawa niyo roon?"napalakas ang boses ni Cindy kaya naman rinig na rinig iyon nina Miguel at Yibo.

"Si Almira tumama ang noo sa lamesa buti na lang hindi malala.Basta ok na siya at wag ng mag-alala.Pabalik na kami dyan,wag lang magtagpong muli ang landas namin ng babaeng 'yon kundi kakalbuhin ko na siya!sige na babye na malapit na kami.

Call ended..

"Anong sabi?narinig kong sinabi mo ang clinic?Bakit anong nangyari Cindy?"pag-alalang sabi ni Miguel.

"Ok na si Almira wag ka ng mag-alala pa!naiiritang sabi ni Cindy.

"Nasaan sila?pupuntahan ko."

"Wag na pabalik na sila kaya lumayo kana sa ex secretary mo!"sagot niya sabay lingon sa di kalayuan.

"Oh!nandyan na pala sila."sabi ni Yibo.

Napansin nilang inaalalayan ni Vanessa si Almira habang papalapit sa kanila.Nag-alala naman si Miguel kaya sinalubong niya ang dalawa.Nakita niya ang bond aid sa noo ng dalaga kaya mas lalo itong nag-alala.

"Almira anong nagyari sayo?"nasaktan kaba?"tanong ni Miguel na halatang nag-aalala.

"Wala ito,hindi naman malala ang sugat.

"Bwesit kasing babaeng 'yon Miguel.Nagsorry na nga si Almira siya pa 'tong galit at tinulak pa si pinsan.Kapag nakita ko talaga ang babaeng 'yon sasaktan ko na siya!galit na paliwanag ni Vanessa.Napasulyap siya kay Yibo at Cindy na kasalukuyang papalapit sa kanila.Mas lalong naningkit ang mga mata niya ng mapatuon kay Samantha ang kanyang paningin.

"Teka nga sandali kilala ko ang babaeng 'yon ah.Tama siya nga!sabay turo kay Samantha na kanina pang nakatingin sa kanila.Hindi nagdalawang isip si Vanessa na sugurin ito.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now