PART 5

54 1 0
                                    

"Almira magpalit kana bukas pa kita ihahatid, sabay balibag nang damit pantulog kay Almira.

"Ano? baliw kaba? hindi mo ba alam na may uncle na naghihintay sa'kin? sayo na yang damit pantulog uuwi ako!

"Hindi ka uuwi, tutal naman girlfriend na kita pwedeng dito ka na matulog tsaka legal na tayo sa lola at lolo ko.

"Haha! ganun ba? assuming ka talaga! 'Yong nangyari kanina, lahat ng iyon ay pagkukunwari lang natin.

"Ganun na nga, pero pwede ba isuot mo na'to! sa ayaw at sa gusto mo dito ka matutulog.

"Ahhhh dito ako matutulog?tsaka sinabi mong girlfriend mo na ako?

"Oo sinabi ko nga 'yon.

"Hahahaha! ang saya noh?

"Masaya talaga!"

"Pwes ako hindi! Si Miguel boyfriend kona? hahaha! never!!!sa'yo na 'yang damit pangtulog!sabay balibag sa mukha ni Miguel at lumabas na ng kwarto. Paglabas niya nakasalubong niya ang lola ni Miguel at may mga dala ito.

"Almira saktong papunta ako sa silid niyo, may problema ba kayo? parang nagtatalo kayo ng apo ko," debale na lang ibibigay ko na sa'yo ang mga gagamitin mo bukas sa beach.

"Po? beach? a--anong gagawin sa beach?"

"Syempre maliligo kayo ng apo ko, suotin mo ito ha? sabay abot nang malaking sumbrero at shade pagkatapos ay huling inabot ang swimsuit.

"Ito po ang susuotin ko? nakangising sambit niya habang tinuturo ang swimsuit.

"Oo naman, ipakita mo kay Miguel iyang kasexyhan mo Almira, akitin mo siya ng magkaasawa na, aba kapag nangyari 'yon magkakaapo na kami, masayang wika ng matanda. Mamaya pagtulog mo patungan mo na si Miguel gawin mo 'yon Almira. hehe, naku excited na ako. Kinikilig pang sabi.

"Naku patay na," mukha yatang nagkamali ang lola niya, patay hindi naman kami totoong magnobyo eh! Ano bang gagawin ko? huhuhu, ani ni Almira na hindi mapakali.

"Oh siya sige bukas aabangan ko kayo ha? goodnight hija, sabay kiss sa pisngi ng dalaga at umalis na ito.

"Goodnight po, iyon na lang ang naging sagot niya at agad naman siyang tumakbo palabas ng pinto habang bitbit ang mga binigay ng lola ni Miguel ngunit natigilan siya ng may boses siyang narinig.

"Baby saan ka pupunta? bungad ni Miguel.

"Yakkk baby? napailing-iling si Almira kahit na first love niya si Miguel pero na cornyhan parin ito. Humarap siya at itinago niya sa kanyang likuran ang swimsuit.

"Matulog na tayo baby, magpalit kana. Maaga pa tayo bukas.

"Baby? hindi mo ako anak!baby'tayin kita dyan eh!

"Teka ano 'yang hawak mo baby? bakit mo tinatago? lumapit ito at hinablot ang swimsuit.

"Akin na 'yan! ibalik mo sa'kin 'yan! dahil matangkad si Miguel ay nahirapan siyang abutin ito.

"Wow! swimsuit," ito ba ang susuotin mo bukas? excited na tuloy ako, hahaha! pang-aasar pa nito kaya mas lalong nainis ang dalaga.

"Kung ayaw mong ibalik 'yan, bahala ka ikaw ang magsuot niyan! kapag hindi mo ginawa iyon sasabihin ko ang totoo sa lola mo!

"Baby naman nagbibiro lang ako, ohh sa'yo na 'yang swimsuit mo. Alam kong babagay 'yan sa'yo, halikana matulog na tayo, excited na ako eh. Hahaha! sabay kindat at pumasok na sa loob.

Napanguso naman si Almira at sinabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa inis.

"Napakawalang hiya talaga niya!naku nakakainis! wika niya at padabog itong pumasok sa loob.

Nagpalit na siya ng pangtulog at nahiga na sa kama. Si Miguel naman nasa malaking sofa, nakahiga na rin ito.

"Baby patayin natin ang ilaw.

"Wag! subukan mo!

"Iniisip mo bang may gagawin akong masama sa'yo? kung sabagay pwede naman, tutal baby na kita. Hahahaha! malakas niyang halakhak.

Napabangon bigla si Almira at binato niya ang malaking unan kay Miguel.

"Hindi kana nakakatuwa Miguel! alam mo last na'to pagkatapos hindi na talaga ako magpapakita sa'yo! Sigaw niya at napabaluktot ito ng kumot.

"Sana makayanan ko Almira na hindi ka makita. Sana makayanan ko, matulog na tayo, mahina nitong sabi habang nakakunot parin ang nuo ni Almira sa sinabi ni Miguel pero hindi niya na iyon pinansin at natulog na rin siya.

Kinabukasan paggising nila nakahanda na ang lahat pati ang sasakyan na gagamitin nila. Kumain ang dalawa ng umagahan at pagkatapos ay tinaboy na silang dalawa papunta sa beach. Mukhang mas excited pa ang lola at lolo ni Miguel na maging mag-asawa ang dalawa.

Nakashort lang si Miguel habang ang pang itaas nito ay itim na sando lang at nakasuot rin ng itim na cap at shade. Si Almira naman suot-suot ang malaking sumbrero na pinartneran ng shade na bigay sa kanya ng lola ni Miguel. Nakatshirt lang ito ngunit bumagay parin dahil talagang maganda si Almira.

Narating na nila ang beach at doon biglang nag iba ang awra ng dalaga.

"Woooohhh! ang ganda! sabay hablot ng kanyang camera at kinuhanan niya ng mga larawan ang mga nakikita niyang views. Hanggang sa nalibang siya sa pagkuha kaya nakalimutan na niya si Miguel na nakabuntot lang sa kanya.

"Akin na 'yang camera mo! kinuha niya ito at isinabit niya ang lace sa kanyang leeg.

"Bakit mo kinuha ang camera ko?

"Boyfriend mo ako kaya dapat sa akin lang ang buong atensyon mo! pagalit na wika ni Miguel.

"Ano bang pinagsasabi mo? wala naman ang lola mo kaya hindi na kita boyfriend! Hoy Miguel Fernando hindi porket na love at first sight ako sa'yo eh pwede mo ng gawin ang gusto mo!

"Pakiulit nga," na love at first sight ka sa akin? Hahahaha, wow! malakas niyang halakhak.

"Ahhhh---ehhh, mali ka nang narinig, hindi ko 'yon sinabi.

"Sus na love at first sight ka pala sa'kin baby, so paano real naba 'yong pagiging boyfriend ko sa'yo ha? nakangiti niyang sabi habang  nakatitig ng malagkit kay Almira.

"Nagkakamali ka, bingi kana kasi, hindi kaba naglilinis ng tainga?

"Ahh basta tama 'yong narinig ko, doon tayo sa cottage baka gusto mo munang magpahinga. Kung ano-ano tuloy ang nasasabi mo, haha.

Sinundan niya ng tingin si Miguel habang napapakamot na lang siya sa batok.

"Pasaway ka talaga Almira!nalaman niya tuloy! ang daldal mo kasi eh! bulong niya at sumunod na siya kay Miguel.


                  ______________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon