PART 3

47 0 0
                                    

Habang nakatayo si Almira bigla niyang naalala si Miguel. Bumalik ang mga ala-ala kung paano siya nito pinakilala sa kanyang lola at lolo. Naalala niya rin noong nasa beach sila habang tinatawag siya nito ng baby at misis ko.

Napahawak siya sa bakal na rehas na nakaharang sa white tower. Sinimulan niyang pagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa ibat'ibang bahagi ng mga gusali at ang mga ilaw ng mga sasakyan.

Pinakiramdaman niya rin ang malamig ng simoy ng hangin na humahampas sa kanyang balat. Napapikit siya hanggang sa nakita niya ang mukha ni Miguel sa kanyang isip kung paano ito tumawa ng malakas. Napangiti na lamang siya.

"Bakit hindi kana nagpapakita sa'kin Miguel? hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito, sobrang miss na kita mister ko, bulong niya sa kanyang sarili.

"Masaya kaba Almira? isang malamig na boses ang pumukaw sa kanyang katahimikan. Napalingon naman si Almira at nginitian niya si Yibo. Lumapit ito sa kanya katulad ni Almira pinagmasdan din nito ang mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan at gusali.

"Oo naman, nagustuhan ko ang lugar na ito. Kaso nga lang kapag nandito ka at mag-isa ka lang may chance na maaalala mo ang mga taong namimiss mo.

"Pareho tayo, ang white tower na ito ay lugar na lagi kong pinupuntahan kapag nalulungkot ako. Lahat ng kalungkutan ko iniiwan ko rito, once na nakalabas na ako rito wala na ang mga bagay na nagpapalungkot sa'kin. Lalabas akong nakangiti at haharapin na naman ang panibagong bukas.

"Kung ganu'n kapag lumabas ako rito hindi ko na siya mamimiss? Posible bang mangyari iyon? tanong niya sabay ngiti.

"Pwede. Siya nga pala ihahatid na kita, ngayon pala ang dating ng family ni Stefy. Hindi pwedeng wala ako sa dinner nila.

"Sino si Stefy?

"Siya ang nakatakdang ikasal sa kapatid ko. Si Stefy ay isa sa anak ng kaibigan ni daddy. Naalala ko, dating ako ang gustong ipakasal sa kanya kaso tumakas ako at nagpakalayo-layo. Sino ba naman ang matutuwa sa mga nangyayari diba? 16 years old ako noon ng itangkang ipakasal kay Stefy pero hindi ako pumayag at nagpasya na lang akong manatili sa Korea. Hanggang sa nalaman kong ang kapatid ko ang nakatakdang ikasal next month. Why not mukha namang gusto nila ang isat'isa kaya wala na akong dapat alalahanin pa.

"Walang problema kung gusto nila ang isat'isa pero kung sakaling ayaw ng kapatid mo kawawa naman siya. Sana makilala ko ang kapatid mo siguro katulad mo rin siya na gwapo kaso manloloko. Tsaka mahilig paglaruan ang mga puso ng mga babae.

"Judgemental ka rin ano? subukan mo kayang mahalin ang isang Yibo para malaman mo.

"Aysus! tigilan mo nga ako, tara na baka mamaya mahuli ka sa dinner niyo. Hindi kaba naiinggit? in the first place ikaw ang unang nakatakdang ikasal kay Stefy.

"Hindi ahh!" hindi ko type ang mga babaeng mayayaman. Hindi ko rin siya gusto.

"Bakit naman?

"Basta! gusto ko yung simple lang na babae. Ice cream lang ang katapat masaya na. Pagkatapos niyang sabihin 'yon tinalikuran niya na si Almira. Sinundan naman siya ng dalaga sa paglalakad at pagkatapos ay umuwi na sila.

Lumipas pa ang ilang araw hindi parin nagpapakita si Miguel kay Almira. Kaya naman naisipan niyang puntahan ang rooftop kung saan sila nagkita.

Naupo siya sa gilid habang pinagmamasdan ang susi na bigay sa kanya ng binata. Naalala niya ang mga panahong iyon.

"Ohh sa'yo na! sabay hablot ng kamay ni Almira at binigay ang isang susi.

"Ano 'to?

"Edi susi! bahala ka kong itatapon mo 'yan, napulot ko lang 'yan kung gusto mong itago bahala ka. Malay mo susi pala 'yan para yumaman ka o kaya baka susi na 'yan para magkaroon ka ng boyfriend.

"Tssk! sira ulo talagang lalakeng 'yon! pagkatapos ng lahat ng kabaliwan niya biglang hindi magpapakita! nagpapamiss ba siya?! Naiinis niyang sabi hanggang sa may bigla na naman siyang naalala.

"Kapag dumating man ang araw na maging komplekado ang lahat 'wag mo akong isusuko! Hanggang sa muli misis ko!""

Napakagat labi si Almira at nagtaka siya kung bakit sinabi ni Miguel ang mga salitang iyon.

"Madrama talaga siya! kung ayaw niyang magpakita sa'kin edi wag! bahala siya wala akong pakialam! sigaw niya at tumayo na siya. Pinagpag niya ang kanyang palda para mawala ang malas. Pagkatapos ay kiniskis niya ang magkabila niyang palad at hinihipan niya ito.

"Bahala kana tinkerbell, bulong niya.

"Bahala na talaga si tinkerbell.

"Ay tinkerbell! nagulat siya ng marinig niya ang boses na iyon. Halos mapalundag siya sa gulat. Napalingon siya sa lalakeng nagsalita at doon niya nakita si Miguel.

"Hi tinkerbell, masayang wika ni Miguel.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Almira ng sabihin iyon ni Miguel. Pakiramdam niya siya ang nagpadala ng music box na may kasamang sulat. Agad naman siyang napalunok at napahawak sa kanyang dibdib.

"Akala ko hindi kana magpapakita sa'kin Miguel, nagpapamiss kaba? ha?"

"Bakit namimiss mo na ba ako? hahaha! malakas nitong halakhak.

"Wag ka ngang humalakhak ng ganyan! nakakaasar kaya!"

"Pero namiss mo ba ako?

"Oo! bakit ba kasi hindi ka nagpakita sa'kin?"

"Naku naman, namiss nga talaga ako ng baby ko."

"Heee! 'wag mo nga akong tatawaging baby kong hindi ka lang naman magpapakita sa'kin!

"Mukhang naglilihi ang misis ko ahhh, hahaha! malakas niyang tawa habang inaasar si Almira.

"Fyi! walang nangyari sa'tin noong gabing iyon! tsaka kahit sa iisang kwarto tayo natulog alam ko namang nirerespeto mo ako.

"Nakakatuwa ka talaga baby, sana 'wag kang magbabago mamimiss ko 'yan misis ko.

"Kahit ganyan ka Miguel inaamin kong kinikilig ako, kahit puro ka kalukuhan oo na kinikilig parin ako, pero bakit ganyan ka magsalita ngayon?

"Basta masaya ako kapag nakikita ka tinkerbell, hahahaha! malakas nitong halakhak hanggang sa naramdaman nito ang yakap ng dalaga na kanyang ikinagulat.






            __________________________________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now