PART 4

56 2 0
                                    

Isang oras ng nakaupo si Almira sa bus stop, nagbabakasakaling makita niya si Miguel.

Ngunit nabigo siya kaya naman sa huling pagkakataong huminto ang bus ay nagdisisyon na siyang sumakay.

"Ilang beses na kaming pinagtagpo ng tadhana pero bakit hanggang ngayon wala parin akong alam tungkol sa kanya? sa tuwing pinagtatagpo naman kami bilang lang ang mga salitang binibitawan namin sa isat'isa? at laging kulang na kulang sa oras? sana naman sa susunod na pagkikita namin sana makausap ko siya ng matagal.

Tulad ng dati tumayo si Almira malapit sa pintuan para makababa agad.

"Almira mukha yatang malungkot ka ngayon ha? tanong ng driver.

"Hindi po kayo sanay na ganito ako kalungkot ano po manong?

"Siguro in love ka Almira," pagbibiro pa nito.

"Ay hindi po! naku wala po akong oras sa ganyan."

"Sa ganda mong yan, malay mo may secret admirer ka pala. Hindi mo lang alam na nakatingin lang siya sa'yo sa malayo.

"Ganda lang talaga ang mayroon ako manong!" sige po bababa na ako, salamat manong!" masayang wika ni Almira at bumaba na ito.

Gaya ng dati dumaan ito sa bakery para bumili ng pandesal. Bitbit niya ang isang supot na pandesal ng makarating sa kanilang bahay.

Pagbukas niya ng pinto naabutan niya ang kanyang uncle na nakaupo habang nanunuod ng tv, kaya sinurpresa niya ito ng kanyang dala.

"Charan! may pasalubong ako! masayang bungad niya sabay mano.

"Naku Almira ako'y nagugutom na at kanina pa nag-aabang na bumukas ang pinto. Hala magbihis kana muna ako na ang magtitimpla ng kape.

"Sige po uncle, excited na uli akong makatikim ng pandesal lalo na't bagong luto, sabi niya habang kasalukuyang naglalakad papunta sa kanyang kwarto.

Paglabas niya nakahanda na ang kape kaya naman hindi siya nagdalawang isip na hablutin ang pandesal at kanya itong sinubo.

"Almira bakit mo sinubo?"

"Nagugutom na ako uncle eh!" nakanguso niyang sabi.

"Edi hindi iyan masarap hindi mo sinawsaw sa kape. Niluwa niya ang pandesal at sinawsaw niya ito sa kape.

"Naku ikaw talagang bata ka, hahaha! malakas na halakhak ng kanyang uncle.

Kinabukasan maagang pumasok si Almira. Bago siya umalis ng bahay ay may nilagay siyang notes sa table para mabasa ng kanyang uncle.

Tulog pa ito ng umalis siya ng bahay. Nasa school na siya ngayon habang seryosong nakikinig sa kanilang professor.

Nang madismiss na ay agad siyang pumunta sa canteen para kumain.

"Miss bayad! sabi niya habang inaabot niya ang pera sa cashier.

Habang hinihintay niya ang sukli napansin niya ang isang babaeng nakasunod sa kanya sa pila.

Nakilala niya ito kaya naman nginitian niya ang babae. Pagkatapos ay naghanap na siya ng table na pwede niyang kainan.

Susubo na sana siya ng may biglang nakatayong babae sa harapan niya. Hawak nito ang isang tray na may lamang pagkain na kanyang inorder.

"Hi!, pwede maki share? ngumiti at tumango si Almira dahil alam niyang ang babaeng iyon ay ang babaeng nakasunod sa kanya sa pila.

"Thank you," malambing naman na sagot nang babae. Napatitig si Almira sa babae.

"What's wrong? tanong nang babae.

Umiling naman si Almira at sineryoso niya na lang ang pagsubo ng pagkaing inorder niya.

"Maganda siya kaso mukhang maarte, sa hitsura niya palang halatang mayaman. Iyon ang nasa isip ni Almira habang nakatitig sa babae.

"Daig mo pa ang boyfriend ko kung makatitig sa akin, tibo kaba? tanong ng babae kaya halos mabilaokan si Almira.

"T-tibo? a--ako?" mukha ba akong tibo? sa ganda kong ito?! tanong niya sa babae. Napatayo siya at nawalan ng gana. Nilisan niya ang canteen at tinungo na lang ang rooftop ng library.

"Kaya pala walang magkagusto sa akin dahil mukha akong tibo! grabe ka Almira! magmake-up ka kasi! hindi yung pulbo lang ayos kana at masaya kana! sabay tapik sa kanyang magkabilang pisngi.

Nilanghap niya ang hangin na humahampas sa kanyang balat habang nakatanaw sa di kalayuan.

"Bukas kapag sinipag ako mag-aayos talaga ako, maglilipstick ako! magkikilay din ako at magbablush-on! naku tiyak kapag ako ang nag-ayos sa sarili ewan ko lang kong magmukha pa akong tao, wala akong tiwala sa'yo Almira pagdating sa ganyan! tskk! tskk! bulong niya pagkatapos ay umalis na siya.

Natapos na naman ang buong araw. Para kay Almira napakapangit ng araw niya ngayon. Nakaupo siya ngayon sa bus stop habang hinihintay ang bus na kanyang sasakyan.

Nagtaka siya kung bakit bigla na lang siyang kinabahan. Hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone.

Tumatawag ang kanyang uncle, agad niya naman itong sinagot.

"Hi uncle! pauwi na po ako!" masaya niyang bungad. Hinintay niyang marinig ang boses ng kanyang uncle pero walang sumasagot.

Kinabahan siya nung makarinig siya ng isang hikbi ng babae.

"Almira."

"Chang Yumi? b-bakit ikaw po ang sumagot?"

"Almira huwag ka sanang mabibigla, ang uncle mo."

"Anong nangyari kay uncle!?" sigaw niya kaya napatingin sa kanya ang ibang studyante.

"Nasa hospital kami ngayon makinig ka Almira.

Nakinig naman si Almira after noon bigla siyang napatayo. Biglang tumulo ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas ng ulan.

Dahan-dahan niyang itiniklop ang kanyang mga kamao. Hindi siya nagdalawang isip na ihakbang ang kanyang mga paa para magpara na lang ng taxi.

Wala siyang pakialam kung mabasa man siya ang mahalaga ay ang mapuntahan niya agad ang kanyang uncle na nasa hospital ngayon.

Nakailang para na siya pero walang taxing humihinto. Pinagtitinginan na siya ng kapwa niya studyante. Hanggang sa may lalakeng lumapit sa kanya at pinayungan siya.

Napatingala siya at nakita niya ang kulay asul na payong. Dahan-dahan niyang tiningnan ang mukha ng lalake at doon niya nakita si Miguel.

Pakiramdam ni Almira huminto ang oras pati ang bawat pagpatak ng ulan. Tanging ang maiinit na luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata ang kanyang nararamdaman.

"Kailangan ako ng uncle ko! kailangan kong makasakay agad! sigaw niya at tinalikuran niya si Miguel. Hinila naman siya ng binata papalapit sa kanya at pinunasan ang mga luha ng dalaga.

Nang may humintong kotse sa harapan nila agad naman silang pinagbuksan ng pinto, sumakay sila agad at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang uncle.

Napapaiyak na siya at hindi mapakali.

"Jay be careful sa pagmaneho, mahinang sabi ni Miguel. At tumango naman ang driver.

Hindi na kumibo pa si Almira dahil sa pag-aalala sa kanyang uncle.

_____________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora