PART 3

60 2 0
                                    

"Hey! sabi ni Yibo kay Almira na kanina pang nakatulala habang nakatitig lamang sa camera.

Nilingon lang siya ng dalaga at tinaasan ng kilay.

"Mahigit 30 minutes na tayong nakaupo rito pero wala ka man lang bang sasabihin? mapapanis ang laway natin dito."

"Ahh---ehhh----a-ano bang gusto mong gawin ko?

"Magkwento ka naman Almira tutal wala pa naman si uncle.

"Hmmm dahil gusto mo namang magkwento ako edi sasagarin ko na, sabi niya at kinuha niya ang kanyang ballpen sa bag pagkatapos ay hinablot niya ang kamay ng binata.

"Ano bang ginagawa mo? gulat na tanong nito sabay kabig ng kamay pero kinabig parin ni Almira at may iginuhit ito sa palad ng binata.

"Nakikiliti ako! ano ba kasing ginagawa mo?"

"Maghintay ka! masyado ka namang excited, ipapakita ko rin lang naman sayo, seryosong wika ni Almira na nakangiwi pa habang may ginuguhit sa palad ng binatang si Yibo.

Pinagtitinginan naman sila ng ibang costumer na nasa kabilang table.

"Oh hayan tapos na, anong masasabi mo?

Napataas ng kilay si Yibo ng makita niya ang kabuuan ng drawing sa kanyang palad.

"Hhmmmm mukhang unggoy, ewan ano ba 'to? ang panget! tao ba to? o hayop? dinumihan mo lang ang palad ko.

"Ikaw na ang magaling magdrawing! makapanglait ka wagas! pero bakit hindi ka man lang tumawa?

"Wala namang nakakatawa sa ginawa mo, para kang bata at ang palad ko pa talaga ang pinagtripan mo.

"Sabi kasi pangit daw kapag walang kilay, tsaka pinagtawanan niya ang drawing ko, samantalang ikaw hindi man lang tumawa. Sabi ni Almira habang nakanguso pa.

"Sino ba ang tinutukoy mo? hindi na siya sinagot ni Almira dahil napansin nilang papalapit na sa kanila si uncle Matteo.

"Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa, malayo pa lang ako nakikita ko na ang future niyong dalawa, sabay ngiti ng malapad na ikinagulat naman ni Almira.

"Ano pong ibig mong sabihin uncle?

"Nagbibiro lang ako Almira, sagot nito habang napapakamot sa batok. Mas mabuting umuwi na tayo at ikaw Yibo sumama kana sa amin at ipapatikim ko sa'yo ang paborito kong pandesal na sinasawsaw ko sa mainit na kape."

"Uncle huwag mo na siyang isama, sabi niya busy siya ngayon kaya sa susunod na araw mo na lang siya yayain, diba Yibo? sabay kindat ni Almira at sinamaan niya ng tingin ang binata.

"Ahhh--ano--uncle sasa----hindi niya na natapos ang sasabihin ng maramdaman niyang may sumipa sa kanyang paa sa ilalim ng mesa. Napatingin naman ang binata sa dalaga at sinamaan niya rin ito ng tingin.

"Pasaway ka talagang babae ka! naku nadumihan yata ang pantalon ko! may date pa naman ako mamaya," iyon ang nasa isip ni Yibo habang nakatingin kay Almira.

"Subukan mong sumama lagot ka sa akin! alam kong gusto ka ni uncle para sa akin pero pipigilan na kita!" sabi naman ni Almira sa kanyang isip habang nakatingin ng masama kay Yibo.

"Almira, Yibo, may problema ba sa sinabi ko? ano pang hinihintay niyo? tayo na! Nagising naman ang diwa ng dalawa kaya sabay itong napatayo.

"Ahhh uncle next time na lang ako sasama, may lakad pa kasi ako. Palusot na sabi ni Yibo.

"Sayang naman ok sige kung 'yan ang disisyon mo basta sa susunod na niyaya kita huwag ka ng tumanggi.

"Oo naman po uncle hindi na ako tatanggi basta ba wala ng maninipa ng paa."

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now