PART 6

51 1 0
                                    

Pagkaalis ni Miguel sa kitchen sinundan naman ito ni Yibo. Nakita nitong nakaupo ang kanyang kapatid sa gilid ng pool alam niya kasing ito ang paboritong-paboritong gawin ang isubsob ang dalawang paa sa tubig.

"Mukhang problemado ang kapatid ko? mahinang sabi ni Yibo pero hindi nito hinintay ang sagot ni Miguel dahil tumalon na ito sa tubig.

"Bullshit! galit na wika ni Miguel at pinahid ang tubig na tumalsik sa kanyang mukha gawa nang tumalon si Yibo sa tubig. Maya-maya ay umahon si Yibo sa harapan mismo ng kapatid.

"What if magkasundo tayo ngayon? ano sa palagay mo?tanong nito kay Miguel habang nakalutang sa tubig.

"Magkasundo? nasisiraan ka na ba ng bait? may pinaplano kana naman bang masama?

"Masama? hindi ako masama. Ok fine aaminin kong naging masama akong kapatid sa'yo but not all the time. Tsaka may valid reason naman ako kaya nagawa ko 'yon sayo. Hyeongjae makinig ka sa akin kahit ngayon lang usapang lalake 'to wag kang duwag.

"Tapusin mo makikinig ako, pero 'wag kang aasa na makikipagkasundo ako sayo.

Umahon si Yibo sa tubig at tumabi ito sa kapatid na kanina pang badtrip sa kanya.

"Mahal mo si Almira tama ba ba?

"Pakialam mo ba?

"Kakausapin ko si daddy na iurong ang marriage contract niyo ni Stefy. Kapalit noon ang--hindi niya natapos ang sasabihin dahil napatitig siya kay Miguel na mukha namang interesado sa kanya.

"Ang ano?

"Wag na pala masyado pang maaga para malaman mo.

"Eh sira ulo ka pala! akala ko ba gusto mong makipagkasundo sa akin? bakit ngayon naduduwag kana? Napatayo si Miguel dahil mas lalo itong nabadtrip tumalon na lang ito sa tubig. Lumangoy ito papunta sa kabilang area para makalayo kay Yibo.

"Kapalit noon ang aminin ko sa lahat na ako ang witness. Walang ibang nakakaalam sa nangyaring iyon kundi ako lang. Si uncle lang ang pinagsabihan ko tungkol dito. Kaso naduduwag akong sabihin ang totoo dahil natatakot akong husgahan ng maraming tao. At isa pa kapag nalaman ni tito Felix na ako ang witness baka patayin niya rin ako katulad nang isang witness na nakakita rin ng pangyayaring 'yon. Mahinang sabi ni Yibo habang nakatingin ito kay Miguel na nasa kabilang area.

"Hyeongjae! bakit napakalakas yata ng loob mong kausapin si daddy tungkol sa kasal namin ni Stefy? may dapat ba akong malaman? may sekreto kaba? Sigaw ni Miguel na kasalukuyang umaahon sa tubig.

"Alam kong galit ka dahil umalis ako para lang takasan ang marriage contract at ngayon ikaw ang nagsusuffer na dapat ako. Galit ka dahil ako ang mas paborito ni daddy kaysa sa'yo. Galit ka dahil mas marami akong napatunayan dahil di hamak na mas matalino ako sa'yo. Galit ka dahil alam mong gusto ko ang babaeng mahal mo. Ngayon Miguel sabihin mo mismo kung tama ang lahat ng mga sinabi ko!

"Oo tama ka nga! galit ako dahil ikaw ang magaling! dahil ikaw ang lagi nilang nakikita! Pero ayos lang sa akin dahil may mga taong nagmamahal sa akin at hindi ako hinayaang mag-isa. Pinaramdam nila ang tunay na pagmamahal ng isang magulang.

"Sina grandma at grandpa?maswerte ka dahil mahal ka nila. Dahil itinuring ka nilang apo, pero sana matuto kang makinig at buksan mo iyang utak at puso mo hindi puro galit at inggit. Huwag mong isipin na hindi ka mahal nina daddy at mommy dahil ang pagkakaalam ko walang paborito sa atin sina dad and mom kundi pantay ang pagmamahal nila sa'tin Miguel. At sana balang araw maramdaman kong itinuring mo rin akong kuya. Teka, masyado na yatang madrama medyo nakakabawas ng angas sa akin 'yon. Ang isang Sinichi Yibo Fernando ay isang cool guy. By the way the sun is up, no time to waste, sabi niya at umalis na.

Medyo nauntog ang utak ni Miguel sa sinabi ng kanyang kapatid. Pero hindi parin ito nakinig at mas pinili niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama alang-ala sa ikakabuti at kaligtasan ng kanilang pamilya. Para sa kanya si Yibo ay isang mayabang at hambog na kapatid. At kahit kailan hindi siya makikipagkasundo rito at mas nanaisin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa na walang anumang tulong galing sa kanyang kapatid.

Dalawang araw na lang bago ang graduation ni Almira. Nagbihis si Yibo at isinuot niya ang kanyang mask para tunguhin ang hospital na kinaroroonan ni uncle Matteo. Nais niya itong kausapin na sila lang na dalawa kaya naman tinawagan niya muna si secretary Ja bago siya pumunta sa hospital.

Ngayon nasa labas na siya ng kotse habang kaharap niya si secretary Ja.

"This way Sinichi, sabay turo sa isang iskinita papunta sa loob na pasekretong dadaanan nila. Alam kasi nilang nasa silid si Almira habang binabantayan ang kanyang uncle.

"Maya-maya aalis na siya para pumasok. Siya nga pala hindi na bago sa akin na nagkikita kayo ni sir Matteo ng pasekreto at may alam rin ako pero kunti lang.

"Tulad ng?

"Ikaw ang batang tinutukoy niyang gustong maging asawa ni Almira. Dahil kilalang-kilala ka niya simula pa noon. Ang batang pinapaiyak at sinasabing i will marry her, nakakatuwa naman dahil ang paslit na batang iyon ay binata na ngayon. Kaya lang mukhang komplikado yata Sinichi dahil nagbago na ang lahat. Talaga bang isusuko mo na lang siya alang-alang sa kapatid mong si Miguel?

"Dahil iyon ang mas ikakabuti para sa aming magkapatid. Sa pagkakataong ito gusto kong lumigaya si Miguel, alam kong mahal na mahal niya si Almira at ayaw kong maging hadlang sa kanilang dalawa.

"Napakabuti mong kapatid Sinichi pinahanga mo ako. Alam kong hindi madali ang ginawa mo, kapag kailangan mo ng makakausap nandito lang ako.

"Thank you, sagot niya. Maya-maya ay may biglang kumatok.

"Come in! sabi ni secretary Ja at pumasok ang isang body guard.

"Excuse me nakaalis na po si Miss Almira. Wika ng body guard habang nakasilip sa pintuan.

"Ok thank you, at sininyasan niya na si Sinichi na lumabas na ng silid para puntahan si uncle Matteo.

Pagdating nila sa loob nakita nilang gising si uncle Matteo at natuwa ito ng makita si Sinichi Yibo. Lumapit si Sinichi at kinamusta niya ang kalagayan ng matanda. Pakiramdam niya masaya si uncle Matteo dahil sa awra ng mukha nito.

"Yibo salamat naman at napadalaw ka ulit, maupo ka rito sa tabi ko at marami akong sasabihin sa'yo. Kahit na mahina na ang boses at mukhang hirap ng magsalita ay nagawa paring kausapin nito si Yibo.

Naupo naman ang binata.

"Yibo salamat sa lahat-lahat. Salamat dahil hanggang ngayon lagi kang nandyan para kay Almira. Na kahit malayo ka sa kanya nagagawa mo paring alagaan at kamustahin siya. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mong sakripisyo mula pa noon Yibo. Gusto kong ikaw ang maging asawa niya, gusto kong ikaw ang mag-alaga sa kanya pero hindi mo tinanggap kahit alam kong mahal na mahal mo siya. Mas pinili mong si Miguel ang makatuluyan niya dahil alam mong mahal nila ang isat'isa. Ang envelope na binigay ko kay Miguel alam mong ikaw dapat ang magbibigay noon kay Almira pero nakiusap kang mas karapatdapat na magbigay noon ang iyong kapatid. Pinahanga mo ako ng sobra-sobra Yibo. Matapos sabihin iyon ay napansin ng binata na may luhang umagos sa gilid ng mga mata ni uncle Matteo.

"Huwag po kayong magsalita ng masyadao uncle, kailangan niyo pong magpahinga at magpalakas dahil ilang araw na lang graduation na ni Almira.

Naramdaman ni Yibo ang kamay ng matanda kaya hinawakan niya na rin ito.

"Yibo may isa lang akong kahilingan bago matapos ang araw na ito. Gusto kong sabihin mo na sa lahat na ikaw ang witness. Gusto kong matapos na ang lahat Yibo. 'Wag kang matakot dalawa tayong haharap kasama mo ako poprotektahan kita.

Nabigla ang binata sa sinabi ni uncle Matteo. Hindi siya agad nakasagot dahil kapag ginawa niya iyon baka makasama sa kalagayan ng matanda. Napatingin siya sa ibang direksyon at umiwas sa sinabi ni uncle Matteo.



MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now