Part 2

52 3 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 17 [Part 2]

Mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ng binatang si Miguel sa nalalapit nilang kasal ng kanyang pinakamamahal na si Almira Jacinto.

"I get out of bed with a giant smile on my face, hindi ako makapaniwala dahil hanggang ngayon pakiramdam ko panaginip lang ang lahat."

"Excitement iyan ang masasabi ko kung bakit ganyan ang nararamdaman mo. Subukan mo lang tumakbo puputulin ko 'yang mga paa mo hyeongjae!

"Of course not hindi ko magagawa iyon. finally she is my official wife kapag naikasal na kami," Almira Jacinto is the woman of my dreams. Walang dahilan para putulan mo ako ng mga paa hyeongjae. By the way thanks a lot my brother." sabay ngiti at akbay kay Yibo.

Samantala sa kabilang banda naman ay hindi rin mapakali ang dalagang si Almira. Lalo pa't inaasar siya ng kanyang pinsan na si Vanessa sabayan pa ng panggagatong ni Cindy.

"Wear a flirty nightwear on your honeymoon Almira. Para ma-enthralled si Miguel sa iyong hot and naughty sexy body. Gosh! para makarami agad!" Ganurn! sabi ni Cindy na mas excited pa kay Almira.

"Hoy! very very wrong! virgin pa si pinsan at wala pang alam 'yan sa mga kalukuhan mo. Kung sabagay may point ka naman at mas magandang turuan na lang natin si pinsan, yung wild katulad mo Cindy.

"True! haha malakas na tawa ni Cindy.

"Turn Miguel wild with the mesh baby doll nightwear, omg! my dear cousin naiimagine ko kung gaano ka kasexy at kaganda sa honeymoon niyo."

Naningkit ang mga mata ni Almira sa mga kalukuhan ng dalawa.

"Alam niyong dalawa ang galing niyong mag-advice. Mas lalo niyo akong pinapakaba eh."

"Aysus Almira makinig ka sa amin. Kami kaya ang kaibigan mong hindi sumasablay. Tsaka kailangang ayusan ka ng bonggangbongga dahil malamang gwapong lalake ang naghihintay sa'yo sa harap ng altar. Kinurot na lang siya ni Almira sa tagiliran at nagpasalamat ito.

"Salamat sa inyong dalawa ha? simula't sa simula lagi niyo akong pinapasaya at tinutulungan. Pangako kong kahit na may asawa at mga anak na ako kayo pa rin ang mga kaibigan ko.

"Aba, mga anak ibig sabihin gagawa kayo ng maraming anak pinsan?

Nagtawanan ang tatlo at nagyakapan na lang ito.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang wedding day nina Almira at Miguel. Hindi ko na pahahabain pa alam kong pati kayo ay excited na rin.

Kasalukuyang nakatayo si Miguel sa harap ng altar, katabi ang kanyang kapatid na si Yibo. Syempre hindi magpapahuli ang matagal ng excited na maikasal ang kanilang apo at anak kay Almira.

"Apo, sa wakas natupad na rin ang kahilingan namin ng lola mo. Ikakasal kana ngayon, isa lang ang masasabi namin sa'yo. Maging isa kang mabuting asawa kay Almira at maging isang mabuting ama sa magiging anak ninyo. Naiiyak na tugon ni Julio kay Miguel.

"Yes Lo."

Inakbayan naman siya ni Mayro habang nakayakap ang kanyang ina na naiiyak na rin.

"Always remember son, ako at ang mommy mo ay palaging nandyan para sa'yo. Susuportahan ka namin at kasama mo kami sa lahat ng bagay na kakailanganin mo kami. Tinapik siya ng kanyang ama at muling niyakap.

"Hyeongjae, ngayon pa lang binabati na kita. Sabay tapik sa balikat ni Miguel.

Napahangos ng malalim ang binata at kinalma ang sarili. Magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman ngayon. Hinihintay na lang si Almira ng lahat bago magsimula ang ceremony.

Napatuon ang kanyang mga mata sa lalakeng nakatayo sa bandang itaas. Malaki ang pasasalamat niya sa lalakeng iyon dahil pinaunlakan siya sa kahilingan na kung maaari siya ang kumanta sa wedding entrance ng kanyang bride.

Alam ng binata na masusurpresa ang kanyang bride sa regalong ihinanda niya.

Kumaway lamang ang lalake habang nakatingin kay Miguel. Ngumiti naman bilang ganti ang binata kasabay noon ang muli niyang pagbuntong hininga.

Inayos niya na ang kanyang sarili dahil nararamdaman niyang ilang sandali na lang ay mag-uumpisa na ang ceremony.

Napakarami ng bisita, karamihin dito ay mga taga Caron Group, ang iba naman ay galing sa side ni Miguel. Kukunti lang din kasi ang nasa side ni Almira.

Bakas na bakas sa sa kanilang mga mukha ang saya habang hinihintay si Almira Jacinto.

"This is it! Today is my wedding. I am going to enjoy every bit of it! Pero kinakabahan ako."

"Almira natural lang na maramdaman mo 'yan. Napakaganda mo iha, alam kong nagtatalon sa saya ang papa at mama mo. Pati ang uncle mo tiyak na masaya iyon para sa inyo ni Miguel. Sabi ni chang Yumi habang hinahawakan ang magkabilang kamay ng dalaga.

Sila lang kasing dalawa ang nasa silid. Naluluha si Chang hindi dahil sa nalulungkot kundi tears of joy.

"Chang coffee please," Hindi po kasi kompleto ang araw ko without my favorite coffee."

Syempre hindi nakatiis si Chang ay agad niyang pinagtimpla ng kape si Almira. Agad namang hinigop iyon ng dalaga.

"The car is here to take you Almira. Excited na sabi ni Vanessa na kakapasok lang ng silid.

"Sakto nakapag kape na ako kanina lang. Can I drive the car today please?"

"No, no! hindi pwede pinsan baliw kaba?

"The weather is really nice naman eh,"

"Ah basta hindi pwede, ang mabuti pa puntahan na natin ang sasakyan. Don't worry maganda ang taste ni Cindy. The car looks great, Cindy chose the decorations, she got a good taste.

At iyon nga inalalayan nila si Almira papunta sa sasakyan.










__________________________________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now