PART 4

35 1 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 13 [Part 4]

Napaatras si Almira at napalunok na lamang siya sa takot.

"Alam kong natatakot ka sa akin Almira.Alam kong isang kriminal ang tingin mo sa akin dahil anak ako ng taong pumatay sa mga magulang mo.Katulad ni daddy isang masamang anak ako,inaamin ko marami akong naging kasalanan sayo at hindi lang iyon kundi sa mga taong nakapaligid sayo.

"Bakit sinasabi mo yan saken?"

"Alam kong mahirap paniwalaan pero napag-isip-isip ko na dapat lang akong parusahan.Almira,gawin mo ang gusto mong gawin sa akin.Kung hindi ka pa kontento sa pagkamatay ni daddy dahil sumabog ang gusaling kinaroroonan niya,sa akin mo na lang ibuntong ang galit mo.Saktan mo ako!parusahan o kaya patayin!Almira,pakiusap gawin mo ang hinihingi ko para makabayad na kami sa mga kasalanan namin sayo ng daddy ko!"

"Nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.Wala na ang taong pumatay sa kanya.Ligtas na rin si Yibo at walang nasaktan isa man sa kanila.Ngayon maayos na ang Caron Group at dahil doon masaya na sina mama at papa pati si uncle.Marami na rin akong natulungan sapat na iyon para mamuhay ako ng payapa at tahimik,kaya wag mo na akong guguluhin pa Stefy.

"Hindi kita guguluhin kung gagawin mo ang hinihiling ko."

"Hindi kita sinisingil,at wala na akong planong gantihan ka."Ok na ako ngayon sana maging ok kana rin.

"Almira bakit ganyan ka?magalit ka sa akin!bakit napakabait mo parin saken sa kabila ng lahat?bakit ayaw mo akong paghigantihan?

"Katulad ko naging biktima ka rin.Naiintindihan kita kung bakit nagawa mo 'yon saken noon.Ako rin naman sa una halos wala akong maintindihan sa dame ng sekreto ng pamilya ko sa akin.Pero lahat iyon naintindihan ko kung bakit.Parang ikaw,akala mo pagmamay-ari ng daddy mo ang kompanya ng mga magulang ko,nagawa lang magsinungaling ng daddy mo para maging maayos ang buhay mo.Marami silang dahilan kung bakit nagawa nila iyon kaya sana intindihin na lang natin.Inaamin ko nagalit ako pero wala namang magbabago kong magalit ako sayo.

Napayuko si Stefy dahil nahihiya parin ito kay Almira.Hindi niya lubos maisip na ganun kalawak ang pang unawa ni Almira.At hindi niya rin maisip na sa kabila ng mga nagawang kasalan niya at ng kanyang ama ay hindi man lang niya naramdaman ang galit sa kanya ni Almira.

Napaluhod si Stefy sa harapan ng di inaasahan ni Almira.Kasabay ng pagbuhos ng mga luha at paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"Tumayo ka dyan Stefy."hinawakan niya sa magkabilang braso si Stefy at pinatayo niya ito.

Umiling naman si Stefy at lumuhod parin ito sa harapan ni Almira habang umiiyak.

"Kung ayaw mong tumayo dyan tatawag ako ng mga security guard para itayo ka."Hindi ako galit sayo,hindi rin kita sinisisi kaya tumayo kana dyan.

"Almira."banggit niya at tinitigan niya si Almira.

"Bakit?

Napahangos ng malalim si Stefy,mariin niyang tinitigan si Almira pagkatapos ay bigla niya itong niyakap na halos ikinagulat naman ni Almira.

"Sorry,sorry Almira."sana noon ko pa nakita ang kabaitan mo.Salamat dahil pinatawad mo ako,salamat sa lahat."Simula ngayon kahit anong gusto mong ipagawa sa akin gagawin ko,kahit gawin mo pa akong maid mo."

Napangiti si Almira pagkatapos nun ay niyakap niya rin si Stefy.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon Stefy,hindi rin kita pipiliting magbago dahil hindi naman ako diyos.Ang sa akin lang ipangako mo na hindi kana gagawa ng masama sa kapwa.Sana naging aral na sayo ang lahat,simula ngayon kalimutan na natin ang nakaraan.Ok?"

Tumango si Stefy at napangiti na rin ito.Niyakap niyang muli si Almira habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha niya.

Bumalik na sa loob si Almira,maya maya ay may umagaw sa kanya ng atensyon.

"MANAGER JA NEED YOUR APPROVAL".

Agad niya namang pinindot ang button ng remote na malapit sa kanya.

"WELCOME TO THE OFFICE OF THE PRESIDENT".

Pagbukas ng pinto bumungad kay Almira si Manager Ja na may kasamang lalake na nasa dalawampu ang edad.Nag vow si manager Ja bilang paggalang bago ito pumasok.

"Manager Ja akala ko magpapahinga kayo?Maupo muna kayo."sabay turo sa upuan.

Naupo ang matanda at ang kasama nitong batang lalake.

"Siya nga pala Miss Almira siya si Kenjie ang panganay kong anak.

"Hello po".bati ni Kenjie na tumayo pa para mag vow kay Almira.Nakangiti ito habang nakatitig lamang sa dalaga.

"Hi Kenjie,ikaw pala ang panganay na anak ng papa mo,maupo ka.

Naupo si Almira sa harap ng mag-ama habang si Kenjie ay hindi parin maalis kay Almira ang kanyang mga mata.

"Miss Almira naparito kami dahil gusto niyang magpasalamat sayo ng personal.Pinipilit niya talaga ako kaya napilitan na rin akong pumunta kahit alam kong pinayagan mo akong magpahinga muna.

"Naku ikaw talaga Kenjie pinagod mo pa ang papa mo.

"Ahh,Miss Almira totoo pong napakaganda niyo sa personal.Lagi po kayong binabanggit ni papa sa bahay na mabait raw po kayo bukod roon maganda pa kayo.Hindi talaga nagsisinungaling si papa at totoo ang mga sinabi niya.Sorry po pala kung pinilit ko si papa ang totoo niyan gustong-gusto ko pong magpasalamat sa inyo personally."

"Ang papa mo talaga mapagbiro,pero salamat manager Ja.Sabay ngiti at sinulyapan niyang muli si kenjie.

Napansin rin ni manager Ja na napapatitig ang kanyang anak kay Almira kaya inakbayan niya ito at binulungan.

"Kenjie umayos ka,kung hindi uuwi na tayo."

"Ang ganda niya kasi pa,feeling ko tuloy crush ko na agad si Miss Almira."sagot niya sa kanyang ama.

Pinitik naman ni manager Ja ang tainga ni Kenjie at napansin iyon ni Almira.

"Ang sweet niyo namang dalawa.Namiss ko tuloy si uncle.Siya nga pala Kenjie nagustuhan mo ba ang bagong kotse mo?

"Sobrang nagustuhan ko po Miss Almira."Thank you talaga ng marami at dahil doon may magagamit na ako everytime na papasok kami ni Kevin.

"Good,pero bawal gamitin sa pangbabae ha?study first muna dahil bata pa kayo ng kapatid mong si Kevin.Gawin niyong inspiration ang papa ninyo."

"Idol ko si papa,diba pa?sabay tingin sa kanyang ama pagkatapos ay sumulyap ulit kay Almira.Kung magkakaroon lang din naman ako ng girlfriend pipiliin ko yung katulad niyo Miss Almira."

"Haha!bakit naman Kenjie?

"Bukod po kasi sa maganda at sexy matalino pa kayo.Tsaka humahanga po ako sa lakas ng loob niyo Miss Almira.Kaya kung manliligaw ako yung katulad mo.sabay ngiti ng malapad.

"Ikaw talaga,bata kapa makakahanap ka pa ng mas higit sa akin.Tandaan mo bago mo isipin ang mga ganung bagay isipin mo muna ang pag-aaral mo.Gawin mo para sa papa at sa mama mo syempre para kay kevin.

"Gagawin ko iyon dahil ikaw na ang nagsabi.Si papa hindi naman siya nagkulang sa mga pangaral niya sa amin.Kaya bilang ganti magtatapos kami ni Kevin.

Napangiti si Almira at napahanga siya sa mga sinabi ni Kenjie.Natutuwa rin siya na magkasundo ang dalawa at dahil dun mas lalo niyang namiss ang kanyang mga magulang pati ang kanyang uncle.

Kring..Kring...kring...tunog ng telepono mula sa table ni Almira.Kaya naman natahimik silang tatlo,tumayo si Almira at sinagot ang telepono.

________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum