PART 3

63 1 0
                                    

Kasalukuyang nasa tapat na si Almira ng school ngayon, kahit na linggo ay pumasok parin siya dahil marami siyang dapat tapusin lalo na't siya ang class prisedent at gaya ng dati pinagpag niya ang kanyang palda sa paniniwala niyang wag siyang sundan ng malas. Napabuntong hininga siya ng malalim at napapikit.

"Malapit na Almira, makakapagtapos kana rin, bulong niya at kiniskis niya ang magkabila niyang palad at pagkatapos ay hinihipan niya ito. Salamat tinkerbell, sabay ngiti at nagsimula na itong maglakad.

Dahil maaga pa naman napagdisisyonan ni Almira na maglibot muna sa buong building. Tutal naman malapit na siyang grumadweyt kaya naisipan niyang maglakad-lakad muna dahil mamimiss iya ito kapag wala na siya rito.

Hinablot niya ang kanyang camera na laging nakasabit sa kanyang leeg at kinunan niya ang lobby ng larawan. Napangiti siya at kanya itong sinave. Muli siyang naglakad hanggang sa marating niya ang pinakadulo ng room na medyo may kalumaan na.

Nagtaka si Almira dahil may naririnig siyang kaluskos na nanggagaling sa lumang silid. Kinabahan siya at inisip niyang baka may multo. Tatakbo na sana siya ng may nagbato sa kanya ng plastic bottle ng tubig pero wala na itong laman. Natigilan siya at dahan-dahan niyang nilapitan ang lugar kung saan nanggaling ang bote.

"Yibo? banggit niya. Lumapit si Yibo sa kanya at nginitian siya ng malawak.

"Hi Almira, hindi ko inasahang magkikita tayo dito.

"Dito ka rin pala nag-aaral? pero diba sabi ni uncle sa korea ka nag-aaral at noong nagkita tayo sabi mo nagbabakasyon ka lang?

"Wow! naalala mo lahat ng 'yon? nakakatuwa naman.

"Bakit ka nandito?

"Because of her, mabilis nitong sagot.

"Girlfriend mo ba ang tinutukoy mo?

"Hmmmmm, i have no girlfriend, babae marami ako. hahaha! malakas niyang halakhak. Pakiramdam ni Almira nakikita niya si Yibo kay Miguel kaya napatitig ito.

"Could you help me please?

"Ha? bakit? para saan?

"Naisipan ko kasing linisin ang bakanteng room na'to para gawing tambayan kapag nabobored ako. Baka naman pwede mo akong tulungan?

"Ahhh p---pero.

"Don't worry nakapagpaalam na ako kaya walang magagalit.

"Sigurado kaba?

"Dame mong tanong, halikana!sabay hila kay Almira at pumasok na sila sa loob.

"Grabe ang dumi naman dito, wala tayong gamit para linisin ang mga kalat.

"Don't worry kompleto na ang mga gagamitin natin. Humarap ka sa kanan mo, humarap naman si Almira at nagulat ito.

"Wow ang gara! mukhang kompleto naman ang mga gamit.

"Ano pang hinihintay natin?umpisahan na! masayang sabi ni Yibo at kinuha niya ang walis tambo.

Kinuha naman ni Almira ang basahan at pinunasan niya ang mga alikabok. Pagkatapos nilang maalis ang mga alikabok ay kinuha niya ang mga pintura.

"Ano bang favorite color mo Almira?

"Syempre puti para malinis, tsaka light blue para payapang tingnan, bakit mo ba natanong?

"Sigurado kana ba sa color na sinabi mo?

"Oo naman."

"Ok sige dahil 'yon ang favorite color mo maupo ka sa dulo at magpipintura ako.

"Marunong kang magpintura?

"Oo naman.

"Pwede bang tumulong?

"Hindi pwede baka madumihan ka.

"Mag-iingat naman ako para hindi madumihan tsaka ayos lang.

"Panoorin mo na lang ako.

"Basta tutulong ako!

"Sige mukha namang hindi kita mapipigilan eh, ohh itong paint brush, sabay abot nang brush. Nag-umpisa na ang dalawa hanggang sa makalahati ni Yibo ang wall. Samantalang si Almira ay hirap na hirap abutin ang mataas na parte. Napansin siya ni Yibo na aapak sa silya kaya pinigilan niya ito.

"Haynaku, 'wag mong gawin 'yan baka mamaya mahulog kapa, ako na ang magpipintura. Matulog ka kasi at uminom ng pangpatangkad, hahahaha! sabay halakhak ng malakas.

Napangiwi naman si Almira.

"For your information matangkad ako noh hmmm!

"Eh ba't dimo abot? Ayaw mo lang magpatalo, kahit magheels kapa hindi mo maabot ang height ko. Hahahaha!

"Ahh ganun? sabay lublob nang isang daliri ni Almira sa pintura at hindi siya nagdalawang isip na lagyan sa pisngi si Yibo.

"Ahhhhhh! bakit mo ginawa 'yon? naiinis na sabi ni Yibo.

"Hahahaha! bagay naman pala sayo eh! hahaha, gusto mo dagdagan natin?

"Subukan mo baka ipaligo ko ito sayo.

"Kaya mo?

Dahil naasar si Yibo ginaya niya ang ginawa sa kanya ni Almira. Nilagyan niya ng pintura sa dulo ng ilong si Almira at tuwang-tuwa ito sa naging reaksyon ng dalaga.

Bumawi naman si Almira pero hindi niya maabot-abot ang mukha ni Yibo dahil sa katangkaran nito.

Dahil napagod na sila ay huminto na sila sa kalukuhang ginagawa nila. Dahil doon napuno ng pintura ang sahig. Puro ito talsik pero infairness maganda ang kinalabasan at nagmukha lang na design.

"Yibo bakit 08:09:18 ang sinulat mo? anong ibig sabihin niyan?

"Syempre petsa ngayon, para maalala nating dalawa na nilinis natin ang room na'to sa date na 'yan.

"Petsa? sabi ni Almira hanggang sa may naalala siya.

"WILL YOU GO OUT WITH ME?DON'T SAY NO, I WILL MARRY YOU!

08:09:18

After niyang maalala 'yon ay agad siyang nagpaalam kay Yibo. At nagmadali itong tumakbo at lumabas ng school.

"What's wrong of her? mahinang sabi ni Yibo at tinigil niya na ang kanyang ginagawa.


          ____________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now