PART 3[CONTINUATION]

63 2 0
                                    

Nasa bus si Almira habang naiisip parin ang note sa kanya ni Miguel.

"Ang arte niya naman! may pa I WILL MARRY YOU pa siyang nalalaman! bakit kaya niya ba akong pakasalan? edi pakasalan niya ako! bwesit siya! akala niya uurungan ko siya sa hamon niya? kung pinagtiripan niya lang ako edi bahala siya basta ako siya ang first love ko!nakakainis bakit sa kanya pa?pag-aburido niya.

Pagdating niya sa bahay dumiritso na siya sa kanyang kwarto. Tinitigan niya ang kanyang cellphone baka may biglang tumawag. O kaya naman may magdoorbell. Ilang oras niyang hinintay iyon hanggang sa nainip siya kaya nahiga muna siya hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Nagising si Almira ng marinig niya ang malakas na katok mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Uncle naman mamaya mo na ako isturbuhin! antok pa ako!" sigaw niya at muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Miss Almira hindi ako ang uncle mo papasukin mo na ako!personal makeup artist ako ni Sir Fafa Miguel kaya papasukin mo na po ako bago niya pa ako katayin!"

Biglang napabangon si Almira ng marinig niya iyon. Hinimas niya na muna ang kanyang mga mata bago niya binuksan ang pinto.

"Sandali na lang stanby ka muna riyan!

"Matagal pa?

"Ito na ohh bubuksan na! at binuksan niya ang pinto.

"Salamat naman alam mo bang kanina pa ako nangangalay sa mga bitbit ko? reklamo ng bakla.

"Eh kasi naman pwede mo namang ilapag sa sahig o sa sofa pinahirapan mo pa ang sarili mo.

"Ay oo nga ano? syunga din pala ako! hahaha! naalala ko lang kasi ang sinabi ni Fafa Miguel na kakatayin niya ako kapag hindi kita pinuntahan. Siya nga pala maligo kana at aayusan na kita.

"Ano bang ganap? bakit may pamakeup-makeup artist pa siyang nalalaman?

"Secret," oh siya asikaso umaandar ang oras Miss Almira!alam mo pak na pak ang beauty mo day! Kaya pala kung makasigaw kanina si Fafa Miguel naku!

"Hindi ako magpapamake up kapag hindi mo sinabi kong anong ganap, tsaka hello baka mamaya ibenta niyo lang ako.

"Legit 'to Miss Almira malalaman mo rin mamaya ok?

Wala ng nagawa si Almira kaya naman hinayaan niya na lang ang bakla na ayusan siya. Syempre naligo muna siya.

Matagal tagal din bago sila natapos hanggang sa...

"Charan! see the magic Miss Almira!"

Humarap sa salamin si Almira at nagulat siya sa transformation niya. Nagpaikot-ikot ito habang suot ang mataas na takong at ngumiti ito ng pamatay habang tinitignan niya ang kanyang kabuuan sa salamin.

"Napakaganda ko talaga." aniya

Ding-dong! [Dantes] haha joke. Tunog ng doorbell. Kaya nagpanic ang bakla.

"Juice colored nandyan na ang Fafa! halikana Miss Almira.

At 'yon nga lumabas na ang bakla habang nakasunod si Almira. Paglabas ng makeup artist bumungad sa kanya ang napakagwapong si Miguel kaya naman pumuso na naman ang kanyang mga mata.

"Fafa Miguel i'm so excited, goodluck Fafa Miguel see you sa venue.

"Thank you dear.

"Babush! pahabol ni bakla at umalis na ito.

Napasandal si Miguel sa kanyang kotse habang hinihintay si Almira. Mga 5 minutes pa ang lumipas hanggang sa marinig niya ang yabag ng mga takong na alam niyang papalapit sa kanya.

"Miguel, mahinang sabi ni Almira at napalingon naman sa kanya ang binata.

'Yung tipong wala kang masabi kundi ang humanga sa kagandahan niya.


          ________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now