PART 6

49 2 0
                                    

Pagbukas ng pinto ni chang agad itong lumapit kay Almira. Ilalapag niya sana ang supot sa lamesa ng maalimpungatan ang dalaga. Maya-maya ay nagising na siya.

"Chang nandyan na pala kayo, mahinang sabi niya.

"Kumain kana Almira, kunin mo 'yang nasa lamesa ready to eat na ang mga 'yan.

"Sakto gutom na po talaga ako, sabay hablot nang supot at doon bumungad sa kanya ang ilang pirasong naka sliced na prutas. Meron ding rice at may kasama ng ulam na roasted chicken at lemon grass oriental barbeque. Natuwa siya dahil halos lahat paborito niya ang mga ito.

"Chang thank you po dito mukha yatang mapaparami ang kakainin ko ngayon. Naku alam na alam mo na talaga ang mga paborito ko.

"Sa katunayan kay Sini--hindi niya natuloy ang sasabihin ng maalala niya ang sinabi ng binata. Ang ibig kong sabihin oo naman alam na alam ko Almira. Ubusin mo yan ha?

"Sige chang ang mabuti pa saluhan mo ako rito para naman mas masaya, sayang hindi pa gising si uncle gusto ko rin siyang kumaing kasabay tayong dalawa.

"Almira may tanong lang sana ako sayo.

"Ano 'yon chang?

"May naaalala ka bang bata noon na lagi kang pinapaiyak?

"Ha? bakit mo naman po natanong? syempre hindi ko makakalimutan ang batang 'yon chang!" Palibhasa kasi mas matanda at malaki siya sa akin noon. Yung pisngi kong matambok lagi niyang pinipisil kahit na pinapagalitan na siya ng mommy niya. Kaso limot ko na ang mukha niya kung sakaling magkita kami ulit .Diko rin natandaan ang pangalan niya kasi bihira lang din kami noon magkita, tuwing may party lang. Bata pa kasi ako noon kaya wala pa akong pakialam.

"Nakakatuwa naman kung naaalala mo pa 'yon Almira.

Dahil sa sinabi ni Chang mukhang nagtaka na si Almira. Pero hinayaan niya na lang iyon at nagpatuloy na siya sa pagsubo ng pagkain.

After nilang kumain lumabas na muna si Almira. Nasa rooftop siya ngayon para makasagap ng hangin.

"Sinichi? bakit hindi ko maalala ang pangalang 'yon? sino kaya siya? Kung sino man siya sana magpakilala siya sa akin. Bulong niya sabay ngiti.

Mga isang oras din siyang nasa rooftop hanggang sa napagdisisyonan niyang bumalik sa loob. Isang hakbang na lang bago niya marating ang pintuan ng silid ng makarinig siya ng mga yabag ng mga paa mula sa loob. Biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa kanya si Miguel kaya naman nagulat siya dahil hindi niya iyon inaasahan.

"M-Miguel?" mahina niyang sabi. Pero hindi siya pinansin ng binata tumalikod na ito sa kanya.

"Miguel! sigaw niya kaya huminto si Miguel sa paglalakad. Lumapit si Almira at kinausap niya ang binata.

"Dahil ba kay Stefy kaya iniiwasan mo na ako? sige ayos lang naman sa akin kahit baliwalain mo ako. Pero sana Miguel sabihin mo sa akin ng harapan kung ayaw mo talaga sa akin.

Umiwas si Miguel at lumayo ito kay Almira. Bigla naman siyang hinawakan sa kamay ng dalaga pero kinabig ito ng binata.

"Itigil na natin ito Almira! Sabi niyang may galit.

Nagulat naman si Almira at hindi ito makapaniwala na masasabi iyon ni Miguel.

"Ganoon na lang ba 'yon sa'yo kadali? bakit mo pa ako pinakilala sa lola at lolo mo?bakit kailangan mo pa akong pakiligin kung sa isang iglap lang naman maririnig ko mula sa'yong bibig na itigil na natin ito?

"Ginawa ko lang 'yon para makapag move on ako! ginamit lang kita Almira kaya sana tigilan mo na rin ako!

"Hindi totoo yan Miguel! diba sabi mo sa'kin huwag akong susuko? gagawin ko Miguel.

"Ikakasal na ako Almira kaya sana layuan mo na ako!

"Hindi Miguel, kahit ipagtabuyan mo ako bubuntot parin ako sayo! Kahit na masakit at mabigat na ang pinapasan ng puso ko hindi parin ako susuko.

"Kailangan ko ng umalis. Sabi ni Miguel at umalis na ito habang si Almira naman ay tuluyan ng umiyak.

Sa kabilang banda naman tanaw na tanaw ni Sinichi kong paano nasasaktan si Almira. Gusto niya itong lapitan at puntahan para yakapin kaso nagdadalawang isip ito.

"Tuwing uuwi ako ng pilipinas para tingnan ka wala pa ring pagbabago Almira. Wala akong magawa kundi ang tingnan ka sa malayo, kung may magagawa lang sana ako ginawa ko na. Kung alam mo lang sana ang lahat baka sakaling ako ang lalakeng una mong minahal. Kaso duwag ako at kailangan kong magparaya alang-alang sa aking pamilya at sa kapatid ko. Naging gago ako para lang makalimutan ka kaso mahirap!napakahirap Almira. Mahal parin kita, sabi ni Sinichi habang nakatingin kay Almira.

Nang napansin niyang umalis na ang dalaga saka naman niya nilisan ang hospital.

Tinungo niya ang kanyang kotse at mabilis na pinatakbo hanggang sa makarating siya sa bahay. Doon niya nadatnan si Miguel.

Galit na galit ito kaya hindi niya pinalagpas ang pagkakataong iyon. Kwinelyuhan niya si Miguel at isinandal niya ito sa wall.

"Hayop ka! anong klase kang kapatid?! Kung alam ko lang na si Almira ang babaeng gusto mo sana hindi ko hinayaang mapalapit kayo! sana hindi humantong sa ganitong nasasaktan na siya! duwag ka! duwag! gigil na gigil ito habang nakatutok ang kamao kay Miguel.

"Hahaha! Sinichi Yibo Fernando my hyeongjae, bakit hindi mo ituloy? murahin mo ako Yibo!Ikakasal na ako diba? kaya nga iniiwasan ko na siya para hindi na siya masaktan. Tapos sasabihin mong duwag ako?"

"Bawiin mo ang contract!pakakasalan ko na si Stefy!sabihin mong ako na lang ang pakasalan niya! tutal naman ako ang unang lalake na gusto niyang pakasalan diba? gawin mo Miguel! kapag nagawa mo iyon umalis kana at humingi ng tawad kay Almira. Mag sorry ka sa kanya at sabihin ang totong dahilan!

Tinulak siya ni Miguel at pinaibabawan niya ito. Dahil sa galit sinuntok niya si Yibo.

"Baliw ka din pala eh! ngayon pabida kana naman! Akala mo lahat ng gusto mo kaya kong sundin .Akala mo ganun lang 'yon kadali? Isang malakas na suntok ang dumampi sa mukha ni Yibo.

"Tama na Miguel! kuya mo parin ako!" hindi mo ako naiintindihan! gawin mo ang kaya mong gawin habang hindi pa huli ang lahat! sabi nito habang pinipigilan ang kamay ni Miguel.

"Noon paman hindi tayo magkasundo! Huwag mo akong pangunahan!

"Mahal mo ba si Almira?" kung mahal mo gagawin mo ang sinabi ko. Pero kong hindi mo kayang gawin babawiin ko si Almira sayo!" hinila nito si Miguel at tinulak ito. Pinunas ang kanyang labi na kasalukuyang umaagos ang dugo at umalis na ito.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now