PART 7

45 1 0
                                    

"Sinichi! Stop it Sinichi! Don't do that ok?" She's crying anong sasabihin mo?"

"Cute and pretty!" i like her cheeks and I will marry her, mom please."

"But you're still young Sinichi."

"Almira is beautiful and cute i like her very much, sabay pisil sa pisngi ni Almira kaya naman umiyak ito ng malakas.

"Tama na! tama na! ang sakit! sigaw ni Almira kaya napabangon ito mula sa pagkakahiga sa kama. Napalunok siya sabay himas sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa maliit na music box na kanina pang tumutugtog.

Nilapitan niya ito at pinakinggan niya ulit ang tugtog. Bakit nagpakita ka sa panaginip ko Sinichi? sino kaba talaga? sa'yo rin ba galing ang music box na'to? Napabuntong hininga si Almira at tumayo na ito para tunguhin ang cr. Lumabas siyang nakaligo na dahil kailangan niyang pumunta sa hospital.

Nakabihis na siya, at pinasok niya sa kanyang bag ang music box. Pagkatapos nilagay niya sa paper bag ang pagkaing niluto niya. Nagmadali siyang lumabas ng bahay, pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya si Yibo habang nakapamulsahan.

"A-anong ginagawa mo dito?gulat na tanong niya.

"Alam ko kasing pupunta ka ng hospital kaya naisipan kong daanan ka. Akin na 'yang mga dala mo. Sabay hablot sa kamay ni Almira at umalis na ito. Sumunod naman si Almira habang patakbong naglalakad.

"Yibo friends naman tayo diba?may hihilingin sana ako.

"Ano ba 'yon?

"Alamin mo nga kong sino si Sinichi. Pagkasabi noon ni Almira ay bigla namang natigilan sa paglalakad si Yibo kaya naman nasubsob ang mukha ng dalaga sa likod ng binata na kanina pang nakasunod sa kanya. Matangkad kasi si Yibo habang kabalikat niya lang si Almira.

"Aray! sakit! 'yong ilong ko," reklamo niya habang hinihimas ang ilong.

Humarap naman si Yibo at hinawakan niya sa mukha ang dalaga. Medyo nag alala ito nang makita niya ang reaksyon ni Almira habang nasasaktan. Ramdam niya kasi na malakas ang pagkauntog sa kanya ni Almira.

"Sorry Almira, ayos ka lang ba? sabay hawak sa ilong ni Almira, at napatitig ito.

"Ayos lang ako Yibo.

"Napakalaki na ng pinagbago mo, 'yong matambok mong pisngi na kasing cute ni picatchu nawala na, mahinang sabi ni Yibo.

"Pakiulit nga ng sinabi mo!mukha akong picatchu? sabay tulak kay Yibo.

"Hahaha! malakas niyang tawa at pinagbuksan niya na ng pinto si Almira. Agad namang pumasok ang dalaga habang nakabusangot. Nang makapasok na si Yibo napatingin siya kay Almira at inayos niya ang seatbelt ng dalaga. Ngumiti ka nga ang pangit mo kapag nakabusangot ang mukha mo. Yung kilay mo halos magbanggaan na.

Dahil malapit sila sa isat'isa naaamoy ni Almira ang perfume ni Yibo. Hinawakan niya sa magkabilang braso si Yibo at nagmukha siyang drug adik habang sinisingot ang pabango ng binata.

"Teka ano bang ginagawa mo?bakit inaamoy mo ang kwelyo ko? Naku mukha yatang may pagnanasa ka sa akin. Sabay layo ng binata kay Almira.

"Yung pabango mo may kaamoy eh."

"Sigurado kaba? ano bang ibig mong sabihin?

"W-wala, tayo na.

"Ok sabi mo, sagot ng binata at pinaandar na ang kotse. Sino ba si Sinichi? bakit gusto mong alamin kong sino siya?

"Na weweirduhan na kasi ako sa mga nangyayari eh, baka mamaya masamang stalker ko na 'yon.

Biglang nagpreno si Yibo ng marinig niya iyon. Halos masubsob sa salamin si Almira.

"Ano ba! mag-ingat ka nga sa pagmaneho Yibo! paano kong wala akong seatbelt malamang basag na 'tong mukha kong maganda!"

"Hindi masama si Sinichi! masyado ka namang judgemental.

"Teka bakit affected ka? may problema ka ba sa sinabi ko?

"W-wala naman, sagot nito at tumingin sa ibang direksyon.

"Wala naman pala bakit makareact ka dyan akala mo ikaw 'yong tinutukoy ko?

"Hindi ko kilala si Sinichi pero sa palagay ko pangalan niya pa lang mabuting tao na. Tsaka masarap pakinggan ang pangalang Sinichi, sa pangalan pa lang gwapo na siya. Sinichi-Sinichi, gwapo nga talaga.

Napakunot naman ang nuo ni Almira habang nakatingin kay Yibo.

"Kailangan ba talagang ulit-ulitin? Isa ka rin dyan ang weird mo rin.

"Ok sige aalamin ko kung sino 'yang Sinichi mo. Sabay ngiti ng malapad.

"Masaya ka pa niyan? baka mamaya iba pala ang habol sa akin ng Siniching 'yon. Ako 'yong tipong NBSB meaning no boyfriend since birth, wala ring alam sa mga date date na 'yan, tsaka wala pa akong first kiss, sabay ngiti.

"Sigurado kang wala pa?

"Oo sigurado ako!"

"Sure?

"100% sure ako.

"Eh noong hinalikan mo ako hindi ba iyon ang first kiss mo?sabi ni Yibo na may pagkaseryoso ang mukha.

Bigla namang naalala ni Almira ang nangyari noong lasing siya. Tama nga si Yibo hinalikan niya ang binata at ito ang first kiss niya.

"Ah-la-lasing ako noon! hindi counted iyon, hindi iyon ang first kiss ko haha! ano kaba kalimutan mo na 'yon, sabay kagat labi at napayuko.

"Paano ko naman makakalimutan ang araw na 'yon. Babae 'yong unang humalik sa akin. Kung hindi mo naitatanong ikaw din naman ang first kiss ko. Mukha lang akong gago. Baka tayo talaga ang para sa isat'isa dahil pareho nating first kiss iyon.

"What? Sira kaba! tinusok niya ng hintuturo sa tagiliran. Hindi ako naniniwala sa'yo, imposibleng first kiss mo ako. Please kalimutan na natin iyon.

"Ninakaw mo ang first kiss ko Almira, hindi ka man lang nagpaalam sa akin.

"Ah-eh-sorry na! alam ko namang hindi mo ako gusto tsaka wag kang assuming dyan hindi rin naman kita gusto! lasing ako nung time na iyon kaya wala rin ako sa katinuan. First kiss ko rin naman ang nawala eh."

"Hahaha! kung ganun sino ba ang gusto mo?

"Hindi mo siya kilala.

"Talaga? edi ipakilala mo.

"Wag na ikakasal naman na siya sa ibang babae.

"Ohw really? how sad naman, mahal mo siya diba? bakit hindi mo ipaglaban?

"Pinagtabuyan niya na ako pero ipaglalaban ko parin siya.

"Tama lang yan, ipakilala mo sa akin ng mapabugbog natin kay Berna.

"Baliw ka rin ano?

"Seryoso ako dapat kasi hindi sinasaktan ang isang katulad mo. Napakaswerte naman nang lalakeng 'yon. Sana naman gumawa siya ng paraan para ipaglaban ka niya. May choice naman siyang pumili pero napaka duwag niya. Kung mahal ka noon hindi ka hahayaang mawala sa kanya.

"Sa tingin ko mukhang alam na alam mo ang lahat. Stalker ba kita? seryosong tanong ni Almira.

"Hindi noh! hinulaan ko lang, sagot nito kahit alam niya sa sarili niyang nasasaktan din siya.

"Joke lang naman masyado kang afected hahahaha, malakas niyang tawa habang nakatitig lang sa kanya ang binata.

"Ako na lang Almira, mahal kita noon pa. Iyon ang nasa isip ni Yibo habang nakatitig lamang siya sa dalaga.

_______________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum