EPISODE 5 [Part 1]

50 0 0
                                    

Nakatayo ngayon si Almira sa harapan ng kanilang school. Hinawakan niya ng mahigpit ang laylayan ng kanyang blouse.

"Hindi ko na kailangan pang pagpagin ang palda ko kung lagi naman akong minamalas! simula din ngayon hindi ko na kailangan si tinkerbell! naiinis niyang sabi at nagsimula na siyang maglakad.

"Pinsan! napalingon siya sa babaeng sumigaw. Doon niya nakita si Vanessa na naghahabol ng hininga bago magsalita.

"B-bakit pinsan? may problema kaba? b-bakit mukha yatang hindi maipinta 'yang mukha mo?

"Halika sumama ka saken, sabay hila sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?

"Basta sumunod kana lang saken, bilisan mo."

Sumunod naman si Almira hanggang sa narating nila ang rooftop. Pagdating nila maraming studyante ang nakaabang sa kanila.

"A-anong meron? nagtatakang tanong ni Almira.

"Mga kaibigan ko sila pero karamihan mga classmate ko. May pictorial kami next week kailangan ka namin pinsan, sana pumayag ka.

"Ano? marami namang iba dyan bakit ako pa?

"Dahil alam naming magaling ka Miss Almira, kaya sana pagbigyan mo na kami please," sabi ng isang babae na may pagka-chinese ang mukha.

"Please Miss Almira," wika naman ng isang kaibigan na lumapit kay Vanessa habang nakapout kay Almira.

"P-pero marami akong gagawin, punong-puno ang schedule ko."

"Edi kawawa naman pala kami kung tatanggihan mo kami pinsan, sige na nga hindi kana namin pipilitin maghahanap na lang kami ng iba, mahinang sabi ni Vanessa na mukhang nagpapaawa effect pa kay Almira.

"Naku sige na nga, pumapayag na ako basta siguraduhin niyo lang na walang magpapasaway sa inyo, tsaka hindi kita matiis pinsan ehh."

"Ahehe, naman ohhh sabi na nga ba eh hindi mo ako matiis pinsan. Thank you talaga Almira hayaan mo kami na ang bahala sa meryenda syempre malaki na naman ang kikitain mo.

"Baliw ka talaga! Isisingit ko kayo sa schedule ko, kaya wag na kayong mangamba.

Natuwa ang mga kaibigan ni Vanesa pati ang mga classmate nito kaya nagpasalamat ang mga ito kay Almira.

Bumalik na si Almira sa kanyang room hindi paman siya nakakaupo ay agad na siyang tinawag ng kanyang professor.

"Almira dalhin mo ito sa dean office, bago ko makalimutan gusto kang makausap ni dean.

"Ngayon na po ba?

"Oo Almira, sige na baka hinihintay kana ng dean.

"Sige po, sabay vow bilang paggalang at tinungo niya na ang dean office.

Pagdating niya sa office ay agad naman siyang pinaupo at kinausap ng dean.

"Maupo ka Miss Almira, wika ng dean at naupo naman si Almira habang nag-iisip ng kung ano-ano. Kinakabahan siya at hindi mapalagay.

"Mam bakit niyo po ako pinatawag? mahina niyang tanong.

"Bilang isang dean nag po-provide kami ng general assistance sa mga students who have concerns and or questions, hindi ko na iisa-isahin Miss Almira. I didirect to the point na kita. Seryosong sabi ng dean kaya mas lalong kinabahan si Almira.Dahil isa ka sa SGA ng school na ito kaya pinapunta kita rito. SGA is responsible for governing student interests, right?

"Yes po mam.

" Advocating for student concerns, providing support and recognition for recognized student organizations, and serving students by hosting activities and events that enhance student life. Well, ngayon pa lang kino-congratulate na kita Miss Almira. Isa ka sa mga nagustuhan ko, dahil nagawa mo ang responsibilidad mo bilang SGA. Salamat dahil nagawa mo ang dapat.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now