PART 2

46 2 0
                                    

Pagdilat ng mga mata niya ay nasa sofa na ang kanyang uniform kasabay noon ang pagsilip niya sa kanyang katawan na dahilan naman kung bakit siya napasigaw ng malakas.

"Ahhhhhhhhhh! halos gumuho ang buong bahay sa lakas ng boses niya.

Maya-maya ay nakarinig siya nang katok mula sa labas ng pinto.

"Y-Yibo ikaw ba yan?!" tanong niya na hindi alam ang gagawin.

"Oo ako nga ito, papasok na ako Almira! at bumukas na ang pinto. Agad namang napabaluktot ng kumot si Almira para magtago kay Yibo.

"Good morning tinkerbell!" hahaha! sabay halakhak ng malakas. Medyo nabuhayan si Almira ng marinig niya iyon dahil pakiramdam niya si Miguel ang nagsalita.

"Alam kong gising kana Almira kaya bumangon kana para magbreakfast at maglunch. Mukhang napasarap yata ang tulog mo ahh."

"Lunch? anong oras naba? tanong niya at mabilis niyang tinanggal ang kumot at naupo sa ibabaw ng kama.

"Alas dose na ng tanghali kaya bumangon kana dyan.

"Ano kamo? alas dose na?"

"Oo akala mo nagbibiro ako? o hayan tingnan mo ang oras sa relo ko, sabay lapit kay Almira at pinakita ang oras.

"Naku lagot! may pasok pa ako! p-pero paano ako papasok kong...hindi niya natapos ng maalala niya ang uniform niya na nasa ibabaw ng sofa at ang suot niyang damit ngayon. Napatakip siya sa kanyang bibig at napalingon kay Yibo.

"Bakit ang sama mo makatingin? may problema ba?

"A-ano k-kasi, a-ano t-tungkol dito! sabay turo sa kanyang sarili.

"Ha? hindi kita maintindihan.

"I mean, bakit iba na ang suot kong damit? d-diba naka uniform ako kagabi? iyon ang suot ko kagabi diba? at tinuro niya ang kanyang uniform na nasa ibabaw ng sofa.

"Yun nga, oo naka uniform ka nga, anong problema kung iba na ang suot mo ngayon? Pinalitan lang naman kita kagabi dahil nagsuka ka. Naalala mo ba ang ginawa mo kagabi?napakabait mo kapag nalalasing ka.

"H-hindi eh, w-wala akong maalala. Ano bang ginawa ko?mabait naman talaga ako eh! p-pero hindi ko matanggap na ikaw ang nagpalit sa akin! hindi!sigaw ni Almira at kanyang sinapak-sapak ang kanyang sarili. Pagkatapos ay nahiga siya ulit at nagkumot para magtago kay Yibo. Hiyang-hiya siya at ayaw niyang humarap kay Yibo dahil ang totoo naalala niya ang mga kalukuhang ginawa niya kagabi.

"Kumain kana Almira, 'wag ka ng mahiya nakita ko na 'yan hahahaha! 'Wag kang mag-alala hindi ko ipagkakalat. Tsaka nalabhan ko na 'yong jacket ko na sinukahan mo. Siya nga pala kahit 'wag mo ng bayaran 'yong mga gamit na nabasag mo kagabi. Ayos lang sa akin, ang mahalaga walang masamang nangyari sa'yo, pero sa atin meron hahaha! malakas niyang halakhak.

Napabangon naman bigla si Almira at napatingin kay Yibo.

"Ulitin mo ang sinabi mo! m-may nangyari sa atin?! joke lang 'yan diba? Baliw kaba! wag ka ngang tumawa dyan! Yibo!

"Paano kung meron talaga? sabay lapit kay Almira at bigla niya itong pinahiga sa kama at pinaibabawan niya ito. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan at kunti na lang mahahalikan niya na si Almira.

"A-anong ginagawa mo? lumayo ka nga saken! takot na sabi ni Almira. Tsaka 'wag ka ngang magbiro ng ganyan Yibo!isusumbong talaga kita sa uncle ko!

"Gusto mo bang sabihin natin kay uncle na tayo na lang ang ikasal? Tutal naman single ka, single ako. Tsaka payag naman si uncle na tayo ang magkatuluyan.

"W-wag! ayaw ko pang mag asawa! tsaka hindi kita gusto noh! Si uncle talaga walang pinipili kahit kaninong lalake niya ako benebenta!

"Ahh ganun? hindi mo ako gusto?

"Hindi! ang yabang mo kaya tsaka wala akong oras sa baliw na katulad mo!

Lumayo si Yibo kay Almira at naupo ito sa dulo.

"Hahahaha! hahaha! malakas niyang halakhak. Kaya natigilan naman si Almira.

"May nakakatawa?

"Don't worry hindi kita type. Marami akong girlfriend at ayaw ko ng dagdagan pa. Sorry kanina nagbibiro lang ako na may nangyari sa atin. Yung maid ko ang nagbihis sa'yo pero hindi ko makakalimutan 'yong kiss mo. Kumain kana niluto ko 'yan para sa'yo. Tumayo na si Yibo at tinungo niya na ang pintuan, ngumiti at kinindatan niya si Almira bago lumabas.

"Wahhh! nakakadiri namang kindat 'yon mukhang manyakis!ano bang kiss ang sinasabi niya? baka nagbibiro lang siya, oo nagbibiro lang siya! sabi niya at napatingin siya sa tray na may lamang foods. Kinain niya lahat ng nakahanda wala siyang tinira.

"Ang sarap naman niyang magluto, busog na busog na ako, pero 'yong kiss ano ba 'yon? Naku Almira! sige maglasing kapa baka kung saan kana pupulutin. Napapikit siyang bahagya hanggang sa may biglang pumasok sa kanyang isipan.

FLASHBACK...

"A-alam mo, h-hindi ko alam kung anong lasa kapag h-hinahalikan, sabi nila m-matamis daw tsaka m-masarap. Hindi ako naniniwala. Hekkk! [sinok]

"Lasing kana Almira ihahatid na kita s kwarto."

"A-Ayaw ko pa! gusto ko pang uminom! alam mo kung bakit?huhuhu! dahil pinaasa ako ng lalakeng mukhang kilay na 'yon! hekkk! [sinok]

"Sino ba ang tinutukoy mo?

"Kahit sabihin ko pa sa'yo hindi mo talaga kilala! alam mo Yibo?g-gusto ko ikaw na lang ang first kiss ko ayaw ko sa mukhang kilay na 'yon hekkk [sinok]

"Gusto mong maging first kiss mo ako? hahaha! naku lasing ka lang, biruin mo wala ka pang first kiss? hahaha! malakas niyang halakhak hanggang sa bigla siyang kwenelyuhan ni Almira at hinalikan siya sa labi. Nagulat naman si Yibo sa ginawa ni Almira.

Ramdam niya ang malambot at mainit na labi ng dalaga. Naramdaman niya rin ang biglang pagtibok ng malakas ng kanyang puso dahilan naman kung bakit naalala niya noong mga bata pa sila.

Hinintay niyang maglaro ang labi ni Almira habang nakadikit parin ang kanilang mga labi kaso napansin niyang nakatulog na pala kaya dinala niya na lang sa kanyang kwarto at tinawag ang kanyang maid para palitan ng damit.

END OF FLASHBACK...

Nagising sa diwa si Almira at mas lalo itong nahiya ng maalala niya na totoo ngang hinalikan niya si Yibo.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang