PART 3

33 5 1
                                    

"The best feeling is when I look at you and you're already staring."sabay pa cute kay Miguel.Lumapit sa kanya ang binata at hinawakan ang kanyang kamay.

"My greatest joy will be to see you smiling because of me."Wag kang masyadong magpacute mas lalo akong naaatract sayo.

Napangiti si Almira sa sinabi ni Miguel.

"Tutuloy ba tayo sa mansion o dito na lang tayo sa labas?

"Ahh oo nga pala syempre tutuloy tayo dahil naghihintay na sa atin sina lola at lolo.At hindi mawawala sina mommy at daddy.Gusto kong ipakilala ka sa kanila bilang girlfriend ko.Nakangiting sabi sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng dalaga at dumeritso na sa loob.

Pagpasok nila nakita nilang nakaupo ang kanyang lola habang pinagmamasdan ang kanyang asawa na kanina pang pabalikbalik sa paglalakad sa harapan niya.

"Good morning la,good morning lo."sabay yakap sa dalawa at ganun din ang ginawa ni Almira.

"Diyos ko Miguel mabuti na lang at dumating kayo.Akala ko hindi na kayo matutuloy."sabi ni Julio.

"Kanina pang palakadlakad ang lolo mo Miguel dahil ang akala niya hindi kayo pupunta.Napatuon si Margarette kay Almira hanggang sa niyakap niya itong muli.Naku napakaganda mo talaga iha,mabuti naman at sumama ka sa apo ko.

"Nag day off po ako lola,pinaalam din ako ni Miguel sa trabaho ko.Medyo makulit po siya at hindi ako tinantanan kaya sumama na lang po ako."

"Ganun ba?naku ang apo ko talaga kung sabagay balita ko may mahalaga siyang sasabihin sa amin.Ang mabuti pa doon tayo sa harden dahil kanina pang naghihintay si Mayro roon.

"Si daddy?eh nasaan po si mommy?tanong ni Miguel.

"Kasama ng daddy mo,mas excited pa yata ang dalawang 'yon kaysa sa amin."singit ni Julio.Ano pang hinihintay natin tayo na para mapag-usapan na natin ang mahalagang sasabihin mo Miguel.Tumalikod na ito at sumunod naman si Margarette kaya sumunod na rin sina Almira at Miguel.

Pagdating nila roon agad naman silang sinalubong ng dalawa.Nagbeso sila sa isat'isa.Pinaupo nilang magkatabi sina Almira at Miguel at hindi na nila tinantanan pa ng sunodsunod na mga tanong.

"Kung about sa kasal walang problema.Gusto niyo engrandeng kasal wala na kayong aalalahanin pa dahil nakapag plano na kami ng mommy mo.Masayang sabi ni Mayro kaya nagulat ang dalawa.

"K-kasal?ah-eh-h-hindi pa po n-namin pin--hindi na natapos ang sasabihin ni Almira ng dugtungan iyon ni Margarette.

"Almira iha,walang problema sa amin ni Julio dahil ang totoo niyan bumili na kami ng mga pang babyng mga damit at lahat ng mga kakailanganin ay sagot na namin.Nakapagpagawa na rin kami ng magiging silid ni baby.At isa pa pipili na lang kayo sa lugar na paghohoneymonan niyong dalawa."

"W-what?!"sabi ng dalawa at sabay pa ito.Nagkatinginan ito at wala na silang masabi pa dahil nakaplano na.Ayaw nilang masira iyon at kapag umayaw pa sila baka malungkot pa.

"Excuse po muna kakausapin ko lang si Almira sandali.Tumango naman si Mayro at agad na hinila ni Miguel ang dalaga sa di kalayuan.

"Alam kong nagulat ka sa nangyari,maski ako man ay nagulat at hindi ko inasahan iyon.Pwede bang magpanggap na lang tayo na sang-ayon sa kanila?

"P-pero pano na 'yong--hindi niya natapos dahil nahihiya siya kay Miguel.

"Yong ano?"

"W-wala kalimutan mo na.

"Dahil hindi kita niligawan?dahil hindi tayo naging magboyfriend,girlfriend katulad ng mga nakikita mo sa iba?

Tumango si Almira habang nakakagat labi.Mariin siyang tinitigan ni Miguel at kusa niyang inayos ang buhok ni Almira.

"Para sa akin girlfriend na ang turing ko sayo.Naaalala mo ba nung pinakilala kita dati kay lola at lolo?Doon nagsimula 'yon,hindi lang girlfriend kundi asawa pa nga.Malakas lang akong humalakhak pero totoo naman lahat ng mga nangyari sa atin noon.Nasa tamang edad naman na tayo siguro naman para sayo itinuring mo na rin akong boyfriend mo.

"Akala ko kasi hindi ka seryoso noon pero tama ka boyfriend na rin ang turing ko noon sayo.Masaya ako kapag tinatawag mo akong misis ko,kaya pwede ba Miguel dalasan mo ng tawagin ako nun."

"Wow!"hahaha!tila lumundag yata ang puso ko Almira.Gusto kong sumigaw sa tuwa kaso baka maover na at mapunta agad sa kasalan.Ayaw ko namang ikasal tayo na hindi natin pinaghahandaan diba?gusto ko ready kana at handa ng maging kabiyak ko.

Hindi maikaila ni Almira na kinikilig parin siya.Lalo na ngayong gustong-gusto na silang ipakasal ng Family ni Miguel.

"I still fall for you every day.Wala ng magbabago roon Miguel.Medyo napakagat labi si Miguel,namula rin ang kanyang pisngi.

"Please stay,hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng madalas akong pangitiin at pakiligin ng ganito,and if you can't stay,take me Almira.Well,dreams do come true,I know,because i found you.

Mas lalong lumapad ang mga ngiti ng dalaga at halos ayaw niya ng bumitaw mula sa pagkakatitig nila sa isat'isa.

____________________


MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon