PART 3

46 3 1
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 17_Final Episode

[Part 3]

Kakahinto lang ng sasakyan sa tapat mismo ng simbahan. Nasa loob pa si Almira habang hinihintay na buksan ang pinto.

Napahangos ng malalim ang dalaga, napapikit ito at bahagyang nagdasal na sana maging ok ang lahat. Excited at nervous ang kanyang naramdaman simula pa kagabi hanggang ngayon.

Narinig niyang bumukas ang pinto at dumungaw sa kanya ang isa sa wedding organizer at mahinang kinausap ang dalaga.

"Miss Almira, handa na po ba kayo? handa na po ba kayong makita ang lalakeng naghihintay sa inyo sa loob?

Ngumiti ang dalaga at tumango. Inalalayan siyang bumaba ng sasakyan at pagkatapos ay dahan-dahang nilandas ang ilang hakbang ng hagdan papunta sa harap mismo ng pintuan ng simbahan.

Nakatayo na siya sa harapan ng simbahan. Tulad ng dati pinagpag niya ang kanyang wedding dress pagkatapos ay kiniskis niya ang magkabila niyang mga palad at hinihipan niya ito sabay pikit. Thank you tinkerbell. Mahina niyang sabi.

Napangiti si Almira at inumpisahan na niyang ihakbang ang kanyang mga paa. Inalalayan siya ng organizer syempre ibang klase din kasi ang wedding dress na talagang nagpakinang sa kagandahan ng dalaga.

Habang hinihintay niyang bumukas ang pinto ng simbahan ay mas lalong lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib. Ganu'n paman nanatili parin ang mga ngiti sa kanyang labi.

Mga ilang sandali lamang ay dahan-dahang nagbukas ang mataas at malaking pinto ng simbahan. Doon bumungad sa dalaga ang napakaraming bisita na halatang excited na makita siya.

Sinalubong siya ng masigabong palakpakan at napatayo talaga ang lahat. Mas lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi, nakatayo ang dalaga sa gitna ng pintuan pagkatapos niyang ngitian ang lahat ng mga bisitang bumungad sa kanya ay napasulyap siya sa lalakeng gustong-gusto niyang makita sa di kalayuan.

Malayo man sila sa isat'isa pero ramdam nila na lumulundag at nagagalak ang kanilang mga puso.

Paghakbang niya ay siya namang pagtugtog ng piano. Hanggang sa narinig niya ang boses ng isang lalake na pamilyar sa kanya. Nagpatuloy parin siya sa paglalakad habang pinapakinggan niya ang bawat lyrics ng kanta.

Til Death Do Us Part iyan ang entrance wedding song. Pagkarinig niya nu'n ay muling namuo ang mga luha niya sa gilid ng kanyang mga mata. Habang naglalakad siya ay sinalubong siya nina Manager Ja at Chang Yumi na dahilan naman ng pagpatak ng kanyang mga luha.

Beneso siya ni manager Ja at hinalikan naman siya ni chang sa pisngi.

"Napakaganda mo, kamukhang-kamukha ka ng iyong ina Miss Almira.

"Manager Ja, salamat at dumating po kayo." Akala ko po hindi kayo papayag.

"Matatanggihan ba kita? parang isang anak na rin ang turing ko sa'yo. Siya nga pala ngayon pa lang binabati na kita. Alam kong napakasaya ng uncle Matteo mo na ikakasal kana sa lalakeng bumihag dyan sa puso mo. At syempre matutuwa rin ang papa at mama mo Miss Almira.

"Kung nabubuhay pa sana sila siguro mas masaya ako ng sobra Manager Ja. Ganu'n paman masaya parin ako dahil nakilala ko si Miguel at tsaka nandyan parin kayo ni Chang Yumi para sa akin bilang mga magulang ko.

"Oy! tama na yan! singit ni Chang Yumi. Mabilis akong maiyak bahala kayo dyan."

"Chang naman eh," namuo ulit ang luha sa gilid ng mga mata ni Almira na para bang gusto na niyang maiyak.

"Basta masaya ako para sa'yo Almira, nakakalungkot lang dahil magkakaasawa kana, paano na ako nito? debale basta yung mga payo ko 'wag mong kakalimutan ha?"

"Opo chang."

"Salamat." masayang sabi ni chang sabay yakap ng mahigpit kay Almira. Ready kana? dagdag pa niya at tumango lang si Almira.

Ngumiti rin ito hanggang sa senenyasan siya ni chang na magpatuloy na sa paglalakad dahil naghihintay na si Miguel sa kanya.

Nagsimula na silang maglakad habang pinapalakpakan sila ng mga bisita. Yung iba naman ay kinikilig lalong-lalo na ang mga taga Caron Group at yung mga nakakakilala kay Almira.

Bawat hakbang niya ay ramdam na ramdam niya ang bawat bato ng kanta.

I never knew
What love could do
To a heart
That is surrendered
I found out the truth
When I met you
Now my heart
Is yours forever

Napatitig siya kay Miguel habang naglalakad. Napapangiti siya, hindi niya alam pero naiiyak na siya.

[PRE-CHORUS]

You're the one
I wanna dance with
For the rest of my life
You're the one
I wanna hold
And never let go

[CHORUS]

Without you I'd be lonely
Without you I'd be lost I need you by my side For the rest of my life
Without you I'd be lonely
Without you I'd be weak
I need your love
Til death do us part

[VERSE 2]

Can this be true
I've found you
The one my heart
Has been longing for
Someone pinch me
Is this just a dream Oh no, thank God This is reality

[PRE-CHORUS]

You're the one
I wanna dance with
For the rest of my life
You're the one
I wanna hold
And never let go

[CHORUS]

Without you I'd be lonely
Without you I'd be lost I need you by my side For the rest of my life
Without you I'd be lonely
Without you I'd be weak
I need your love
Till death do us part

[BRIIDGE]

I'm not afraid to admit that
You've become my everything I'm not afraid to tell you
I fear a future without you

[CHORUS]

Without you I'd be lonely
Without you
I'd be lost
I need you by my side For the rest of my life
Without you I'd be lonely
Without you I'd be weak
I need your love
Till death do us part

Sakto pagkatapos ng kanta ay nasa harapan na siya ni Miguel.

Nagkatitigan ang dalawa..

"Napakagwapo mo talaga Mister ko." iyon ang nasa isip ni Almira.

"Siya na talaga ang pinakamagandang babaeng nakita ko, ang misis ko. Iyon din ang nasa isip ni Miguel habang nakatitig kay Almira. Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinalikan niya ito.

Bago sila humarap sa altar ay nagbeso muna sina Miguel at chang. Tinapik naman ang binata sa braso ni Manager Ja.

Hindi na nagpahuli sina Julio at Margarette syempre hindi rin magpapatalo sina Mayro at ang mommy ni Miguel.

Magpapaiwan paba si Yibo at Greg na talagang binati si Miguel at pinalakas ang loob. Ginatungan pa ng dalawa na sina Vanessa at Cindy. Matapos ang kaguluhang iyon na hindi pa nga nagsisimulang magsalita ang pari ay nag iyakan na sila.

At iyon nga humarap na ang dalawa sa altar.




___________________





Authors Note:

Wag pong bibitaw magsisimula pa lang si Father...hehe

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now