PART 3

33 2 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 12 [Part 3]

"Detective Wan wala pa bang balita?hindi paba nalolocate kung saan ang kapatid ko?seryosong tanong ni Miguel na kasalukuyang hinihigop ang mainit na kape.Magdamag na kasi nilang pinag-aralan ang mga lugar na pwedeng pagtaguan ni Felix kay Yibo.

"Ang mabuti pa Miguel umuwi ka na lang para makapagpahinga.Anong oras na kanina kapang nandito,isama mo na si Miss Almira alam kong pagod na rin 'yon.Sabay sulyap sa dalaga na nakaupo sa di kalayuan.

Si detective Wan ay halos kasing edaran lang nila.Bukod sa magaling itong lumutas ng kaso ay habulin din naman ito ng mga babae dahil sa taglay na kakisigan at kagwapuhan.

"Sige uuwi na kami baka kasi kung saan pa mapunta yang mga titig mo sa asawa ko!wika ni Miguel,bahagyang napahalakhak si detective Wan.

"Gawin mo akong ninong sa kasal niyo,kung hindi lang sana ikaw ang future husband niya hindi ako magdadalawang isip na ligawan siya.Well,nagpapatawa lang naman ako.Ingat kayo,ako ng bahala tatawagan ko na lang kayo kapag may balita na.

"Salamat."sagot ni Miguel at pinuntahan niya na si Almira para umuwi.

Ngayon nasa loob na sila ng sasakyan.Walang gustong magsalita sa dalawa.Lumapit ang binata sa dalaga kaya nagulat ito dahil sa pag-aakalang hahalikan siya nito.

"Aayusin ko lang ang seatbelt mo,wika niya sa dalaga.

"Ok,thank you.tipid naman niyang sagot sa binata.Napalunok siya dahil bigla niyang naalala nung gabing lasing na lasing si Miguel.Napapikit na lang siya habang napapailing.

"Buti na lang at hindi niya natuloy,buti na lang nakatulog na siya nung muntikan niya na akong halikan."Pero sayang parin talaga!sabi ng dalaga sa isip.

"Almira,ayos kalang ba?tanong ni Miguel pero hindi siya pinansin.Bigla niyang hininto ang sasakyan kaya nagising naman ang diwa ni Almira.

"Bakit mo hininto?

"Galit kaba sa akin?galit kaba dahil pumunta ako ng lasing sa bahay mo?masama bang mamiss ko ang misis ko?

"Ha?biglang tanong ni Almira.

"Ha lang ang sagot mo?tsk!bahala kana nga!padabog niyang sabi at pinaandar na ang sasakyan.

"A-ano kasi!sabay kagat sa kanyang labi at napatitig sa labi ni Miguel.

"Sabihin mo!

"Wala!magmaneho kana lang."

"Wala ako sa katinuan kagabi,kaya sorry na."

"Ah ok lang wag mo ng isipin 'yon.

"Talaga ba?ayos lang sayo?

"Oo naman."

"Kahit muntikan na kitang halaikan?

Halos mabulunan si Almira.Speaking of halikan,kanina lang ay iniisip niya pa lang 'yon.

"Tawagan mo ako kapag may balita na si detective Wan.Pag-iba niya ng usapan.

"Ok sige,pero yung kiss pwede bang ipagpatuloy natin ngayon?hindi na ako lasing eh.

"Kis-kissin mong mukha mo!pakipot niyang sabi pero ang totoo ay gusto niya rin.

"Damot mo talaga kahit kailan.Kapag kasal na tayo hindi kana makakatanggi sa'kin.Diba misis ko?"hahahaha.malakas niyang halakhak.

"Ewan ko sayo!napansin ni Almira na malapit na sila kaya inayos niya na ang kanyang bag.Pagka hinto ng kotse ay bumaba na ito agad.Hinintay  niyang makaalis si Miguel kaso hindi parin ito umaalis kaya nagtaka siya at kinatok ang bintana ng sasakyan.Binuksan naman iyon at sumilip siya sa loob.Doon niya nakitang walang imik at halos tulala si Miguel.

"Anong problema?Miguel bakit ganyan ang mukha mo?may nangyari bang hindi maganda?"napatuon ang mga mata ni Almira sa inupuan niya at doon niya nakita ang remote na naiwan niya.Napalunok siya ng makita niyang pakupas na ang kulay green na ang ibig sabihin lamang ay malapit na sa kamatayan si Yibo.

Dahil sa pag-alala ay halos mawalan ng lakas ang dalaga.Naging blangko ang mukha nito,naramdaman niyang may gumagalaw sa loob ng kanyang bag at naalala niyang nakavibrate ang kanyang cellphone.

Dahandahan niyang binuksan ang kanyang bag at doon niya nakitang tumatawag si detective Wan.

"Nasaan si Miguel?hindi ko siya macontact.Bungad sa kanya mula sa kabilang linya.Hindi siya sinagot ni Almira pero nakikinig lang ito.

"Good news!nalocate na namin ang kinaroroonan ni Yibo.Mabuti na lamang at may nakita ako sa remote nung hiniram ko ito.May connection na tayo sa kanya,to save his life.

Nabuhayan bigla si Almira kaya naman minabuti niyang puntahan si detective Wan.

"Pupunta ako ngayon dyan,nanganganib ngayon ang buhay ni Yibo.Please detective Wan kumilos na kayo!sabi niya at binaba niya na ang linya.

Agad nilang pinuntahan si detective Wan.Nakahinga ng maluwang si Almira at ganun din si Miguel.

"Sasama ako,hindi ako papayag na wala akong magawa para maligtas ang buhay ng kapatid ko.This is the perfect time para makabawi man lang sa kanya.Kung buhay ang nakataya gagawin ko masave lang siya!

"Dumito kana lang Miguel,hindi natin alam kung gaano kadilikado ang lugar na 'yon.

"No!sasama ako sa ayaw at sa gusto niyo!dahil mapilit si Miguel kaya hinayaan na lang siya ni detective Wan.

"Sasama rin ako,para kay Yibo gagawin ko ito.

"Miss Almira hindi pwede,"baka kung ano pa ang mangyari sayo run.

"Tama si detective Almira,dumito kana lang ha?"kami na ang bahala.

"Pero hindi ako matatahimik kapag nakatunganga lang ako!please payagan niyo na ako."Miguel,secretary Ja?sabi niya habang nagmamakaawa.Napasulyap din siya kay detective Wan.

"Wala ng oras,kailangan na nating kumilos.Mahinang sabi ni detective.

Napatitig si Almira sa remote,habang pinagmamasdan niya ang ilaw na pakupas na ay mas lalo siyang nag-aalala.

Nasa kalagit'naan na sila ng byahe ng biglang umilaw ng kulay pula ang remote.

"Hindi!biglang sigaw ni Almira kaya napatingin sa kanya si Miguel at ang iba pang nasa loob ng sasakyan.

"Bakit Almira?tanong ni Migiuel.

"Nagkulay pula ang remote,imposible!hindi totoo 'to!malakas si Yibo diba?"naluluhang sabi ni Almira.Niyakap naman siya ni Miguel.

"Huminahon ka Miss Almira,malliligtas natin siya.Sabi ni secretary Ja na pinapalakas lamang ang loob ng dalaga.

Hindi maalis ni Almira ang kanyang mga mata sa remote.Tinititigan niya ito,hindi niya rin kayang pigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"Malayo paba tayo?kailangang mailigtas natin ang kapatid ko!sigaw ni Miguel.

"Malayo pa tayo,huminahon lang kayo pwede ba?!"pagalit na wika ni detective Wan.

"Sir,nawawala ang connection natin sa kanya.Hindi ko na malocate ang kinaroroonan niya."sabi nung isang kasama ni detective habang nakaharap sa laptop.

"Ano?!hindi pwedeng mawala!yan na lang ang paraan natin para mapuntahan natin siya!bullshit!

"Teka sir,gagawan ko ng paraan."

Halos mabigo sila dahil biglang naputol ang connection nila kay Yibo.Kasalukuyan paring ginagawan ng paraan ni detective Wan para malocate nila ulit ang kinaroroonan ng binata.

Samantala hindi na nagbago ang kulay ng remote.Pula parin ito na ang ibig sabihin ay wala na si Yibo,halos mawalan ng pag-asa ang dalaga at sinisisi niya ang kanyang sarili.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now