EPISODE 8

46 0 0
                                    

Pauwi na ng bahay si Almira galing school. Abala siya sa paghalungkat sa kanyang bag dahil hindi niya mahanap ang kanyang cellphone. Dahil sa pagmamadali nakalimutan niyang nilapag niya pala ang kanyang cellphone sa table noong nasa dean office siya.

Hindi siya nagdalawang isip na balikan iyon. Habang naglalakad siya may napansin siyang lalake na parang sinusundan siya. Huminto siya sandali at lumingon pero nagkamali siya dahil baka guni-guni niya lang iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad at doon niya nakasalubong si Miguel kasama si Stefy.

Nakaholding hands ang dalawa kaya naman biglang kumirot ang kanyang puso.

"Ohh hi poor girl! nakuha ko 'tong cellphone mo sa table ng tita ko kaya naisipan kong isauli sa'yo. Sakto nakita kita, pasalamat ka mabait ako, sabay abot nang cellphone.

Kinuha naman iyon ni Almira.

"S-salamat Stefy, mahinang sabi ni Almira.

"By the way tutal kaibigan ka ng fiancee ko siguro naman mas magandang hindi ka mawawala sa kasal namin ni Miguel next week. Wait lang ha may ibibigay ako sayo, sabi ni Stefy at may kinuha ito sa kanyang bag. After a few seconds may inabot ito kay Almira.

"Ano 'to?

"Invited ka sa wedding namin ni Miguel. For sure naman suportado ka sa kaibigan mo diba? Sana makapunta ka Almira sayang naman kung hindi, sabay ngiti ng malapad.

Napatingin si Almira kay Miguel. Ang mga matang malapit na namang bumagsak ang mga luha. Nagkatitigan sila na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Tumingin si Miguel kay Stefy at bigla niya itong hinila papalapit sa kanya at inakbayan niya ito.

"Invited ka sa kasal namin ni Stefy sana 'wag kang mawawala Almira.

Mas lalong nasaktan si Almira nang sabihin iyon ni Miguel.

"Miguel," mahinang sambit ni Almira na halatang babagsak na ang mga luha anumang oras.

"Im sorry Almira, sana mapatawad mo ako sa mga kasinungalingan ko. Ang totoo niyan mahal ko talaga si Stefy ang buong akala ko ikaw ang mahal ko pero nagkamali pala ako. Sorry pero kailangan na nating tapusin ang lahat ng mayroon tayo. Malapit na akong ikasal gaya ng sinabi ng girlfriend ko invited ka sa kasal namin. Aasahan kita Almira.

Tumagos sa puso ni Almira ang sakit. Halos madurog ang kanyang puso dahil sa pagkakataong iyon ay alam niyang seryoso na si Miguel. Ni hindi man lang ito nagdalawang isip na sabihin ang mga katagang iyon, sa harapan niya mismo pinapakitang sweet sila sa isat'isa. Na kahit sinong studyante ang makakita ay wala silang pakialam. Gumuho ang mundo niya noong mga oras na iyon kaya naman hindi na niya napigilang tumakbo ng mabilis at humanap siya ng lugar na walang tao.

Nasa likod siya ng school kung saan hindi masyadong napupuntahan ng mga studyante. Doon may nakita siyang storage room at doon siya sumiksik para ibuhos ang sakit na kanyang nararamdaman. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa maramdaman niyang halos wala ng mailuwas na luha ang kanyang mga mata.

Pasingot-singot na lang siya ngayon habang ang kanyang ilong naman ay halos mamula na na kahit hindi naman lumuluha ay kanya ring pinipisil. Ganoon siya umiyak pati ilong nadadamay at doon nagsimulang sipunin siya dahil sa kakaiyak.

"Are you ok? isang boses ng lalake ang kanyang narinig mula sa loob ng storage room. Halos mapalundag siya sa gulat dahil akala niya may kung anong halimaw o multo ang nasa loob.

"S-sino ka?" tanong ni Almira.

"None of your business, bakit ka pumunta sa lungga ko?

Naningkit ang mga mata ni Almira dahil gusto niyang kilalanin ang lalake kaso nakamask ito habang nakapikit. Lalapit na sana siya sa lalake ng pigilan siya nito.

"Hanggang dyan ka lang! kapag lumapit kapa sa akin baka hindi ako makapag-pigil, mahina nitong sabi.

"Te-teka parang kilala kita, i-ikaw 'yong ungas na lalakeng hinulog ako sa pool! tama ikaw nga 'yon!

"Marami kaming nakamask at kahit sino pwedeng magsuot nito. Baka nagkakamali ka lang miss.

"Kilala ko rin ang boses mo, ikaw nga 'yon! dahil makulit si Almira bigla niyang hinatak ang mask ng lalake. Mabilis namang nakailag ang lalake kaya naman nakabig niya ang kamay ni Almira na dahilan naman kung bakit muntikan na itong masubsob sa sahig pero nasalo parin siya ng lalake.

Bumagsak silang pareho sa sahig pero napaibabawan siya ni Almira. Napapikit si Almira habang nakapatong siya sa lalake. Pagdilat niya nakita niyang nakatitig sa kanya ang lalakeng nakamask. Habang nakatitig sila sa isat'isa biglang pumasok sa isip ng dalaga si Yibo. Pakiramdam niya kasama niya si Yibo dahil sa mga mata ng lalakeng tinititigan niya.

"Yibo? wika ni Almira. Bigla naman siyang tinulak ng lalake.

"Hindi ko kilala ang tinutukoy mo, dyan kana!" sabay tayo at pagkatapos ay tumakbo na ito palabas ng storage room. Napabuntong hininga naman si Almira at nagulat ito ng may nakita siyang isang maliit na box at kanya itong binuksan.

Isang singsing, 'yon ang laman nang box kaya hinanap niya ang lalakeng nakamask.

Nalibot niya na ang buong area pero nabigo parin siya. Napasandal siya sa gilid ng poste ng pasilyo habang nag-aagaw ito ng hininga dahil napagod siya sa kakahanap sa lalakeng nakamask. Nang alam niya ng ok na siya nagsimula na siyang maglakad. Ihahakbang niya na sana ang kanyang mga paa ng biglang may bumato sa kanya ng bottled water na wala ng laman. Hindi naman siya tinamaan kundi lumagpas ito sa kanya. Napatuon ang kanyang mga mata sa plastic bottle at pagkatapos ay nilingon niya kung sino ang nagbato.

"Lumabas ka! bastos ka ahh!" bakit mo ako binato? pasalamat ka hindi ako tinamaan! galit na sigaw ni Almira.

"Sorry na, 'wag ka ng magalit, sabay labas sa kanyang pinagtataguan.

"Yibo? a-anong ginagawa mo rito?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan?studyante ako dito diba?

"Eh bakit ka nga nandito sinusundan mo ba ako? tsaka bakit ka ba nangbabato ng plastic bottle masama iyon eh! paano kong tinamaan ako?

"Hindi naman kita tatamaan ayaw ko kayang masaktan ka.

Naningkit ang mata ni Almira sa sinabi ni Yibo.

"Bahala kana nga dyan! tulungan mo akong hanapin ang lalakeng nakamask, gusto kong isauli sa kanya ang singsing na 'to. Sabay pakita ng singsing kay Yibo. Tsaka sigurado akong siya si Sinichi o kaya...bigla niyang sinulyapan si Yibo.

"Ikaw 'yon ano? ikaw ang may ari ng singsing na ito!

Hinablot ng binata ang singsing mula sa kamay ni Almira.

"Aba't ganda nito ahh, baka naman para talaga sayo 'to?

"Ha? baliw kaba? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Tsaka mukha namang mamahalin ang singsing na 'yan kaya ibalik mo na sa akin dahil isasauli ko sa may-ari.

"Malay mo sa'yo talaga 'yan ibibigay, tsaka hayaan mo na 'wag mo ng isauli. Siya nga pala hindi ako 'yon baka nagkakamali ka lang.

"Hindi ako ganoon noh! kaya akin na yan! sabay abot nang singsing sa kamay ni Yibo pero pilit parin itong nilalayo sa dalaga.

"Palibhasa matangkad ka! akin na sabi eh!" sigaw ni Almira sabay talon hanggang sa masubsob siya sa dibdib ni Yibo. Nagulat naman ang binata kaya cheneck niya si Almira at hinawakan niya ito sa baba.

"Ayos ka lang ba Almira? tanong nito at tumango naman ang dalaga, napatingin siya kay Yibo at gaoon din ang binata.

"Ahh sorry! sa'yo na 'yang singsing bahala ka kung isasauli mo sa may-ari. Mahinang sabi ni Yibo at nilapag nito sa palad ni Almira ang singsing at pagkatapos ay umalis na ito para makaiwas. Pakiramdam ng binata hindi nito kayang pigilan ang kanyang nararamdaman kapag napapalapit siya kay Almira kaya siya na lang ang umiwas.

"Ang weird niya, bulong ni Almira kaya napakagat labi na lang ito.

Pinagmasdan niya si Yibo habang papalayo sa kanya. Hinabol niya naman ito at sumabay siya sa paglalakad.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon