PART 5

41 3 0
                                    

"Ang ganda ng babaeng ipinalit mo sa akin! mula ulo, mukhang paa! sa taas ng boses ni Stefy natigilan sina Miguel at Almira.

Humiwalay si Almira mula sa pagkakayakap ni Miguel. Lumapit ito kay Stefy at hinarap niya ito.

"Ako? Mukhang paa? sorry you wouldn't know nga pala na ako ang mahal ni Miguel. Hindi ko na siya hahayaang mapunta sa'yo. Tsaka huwag mong pipilitin ang isang tao para mahalin at pakasalan ka! sabi ni Almira na talagang tinamaan kaya mas lalo itong nagalit.

Lumapit si Stefy kay Almira at pinakawalan nito ang isang malakas na sampal, halos bumaliktad ang panga sa lakas ng kamay na lumapat sa mukha ni Almira.

"Ipinanganak ako para guluhin ang buhay mo poor girl! Hayop ka! Wala kang karapatang manira ng kasal ng iba! Epal kang babae ka!

"Tama na! Stefy tama na! singit ni Miguel na kanina pang nakikinig at nagtitimpi.

Tumingin si Stefy kay Miguel at sinampal rin ito ng malakas.

"Mabilis bang mabuntis ang mga bobo? Magaling ba siya sa kama ha Miguel? kaya pala nahawaan ka na ng malanding babaeng 'yan!

"Tumigil kana Stefy! tapos na ang lahat sa atin! wala ka ng maaasahan sa akin! mahal ko si Almira!

Maluha-luha si Stefy sa sinabi ni Miguel. Hindi niya ito matanggap kaya ibinalin niya ang kanyang inis kay Almira.

"Giniginaw ako! giniginaw ang kamay kong manampal at manabunot ng isang tao! Akmang sasampalin na sana si Almira ng biglang may pumigil sa kanya.

"Stop it Stefy! napatingin ang lahat sa babaeng nagsalita.

"Cindy 'wag mong sabihing gusto mong makialam? o isa ka rin sa kanila?!

Bago nito sinagot ang tanong ni Stefy tumingin muna ito kay Almira at Miguel.

"Ako na ang bahala rito, Miguel bahala kana kong saan mo dadalhin si Miss Almira. 'Wag niyo ng alalahanin ang problemang ito. Sabay ngiti at napatingin ulit kay Stefy.

"At ikaw? kailangan nating mag-usap!

Nag-iba bigla ang mood ni Stefy lalo na nung makita niyang kinalabit ni Miguel si Almira at tumakbo ito palabas ng simbahan.

"Tayo na kailangan na nating lumayo sa kanila! sabi ni Miguel kay Almira kaya mas hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ng dalaga.

Susunod sana si Stefy ng bigla siyang pigilan ni Cindy.

"Hep! saan ka pupunta?

"None of your business!kailangan ko silang sundan! akin lang si Miguel! hindi maaring mabaliwala ang kasal namin!

"Kawawang Stefy, Ohh, kailangan mo na ng awa ng maraming tao, kasi mawawala na ang lahat sayo.

"Shot up! ex girlfriend ka lang ni Miguel! kaya wala kang karapatang kaawaan ako! ang mabuti pa makipagtulungan kana lang sa akin!

"Hindi ako katulad mo Stefy, pakiusap hayaan mo na sila.

"Tatay ko ang may ari ng mayamang company kaya marami akong pwedeng gawin! Kung ayaw mong makipagtulungan wala akong pakialam!

"And then?

"Susunugin ko yang bunganga mo! impakta ka! galit na sigaw ni Stefy kaya naman nawalan na ng gana ang mga dumalo sa kasal at isa-isa itong nagsialisan.

Samantala nakalabas na ng simbahan sina Miguel at Almira. Wala parin silang mahanap na sasakyan mabuti naman at saktong dumating si secretary Ja.

"Pasok! sigaw ni secretary Ja mula sa bintana at sumakay naman ang dalawa.

"Saan tayo pupunta? tanong ni secretry Ja.

"Sa lugar kung saan tahimik at hindi masusundan ng mga ipis at daga.

Mabilis na pinaandar ni secretary Ja ang kotse habang napapatitig naman si Almira kay Miguel.

"Salamat Miguel, sambit na wika ng dalaga.

Napatitig naman sa kanya si Miguel. Inayos niya ang buhok ng dalaga at kanyang niyapos ang kilay ng dalaga at pagkatapos ay pinunas niya ang isang butil na luha na kasalukuyang umaagos mula sa gilid ng mata ni Almira.

"Hindi kaba masaya? b-bakit tila ba naiiyak ka?

"Masayang-masaya ako dahil nagawa kong ipaglaban ka kay Stefy. Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin kaya natakot ako.

Niyakap siya ni Miguel at hinalikan sa noo.

"Shhhh, 'wag ka ng matakot dahil palagi na akong nasa tabi mo. Hinding-hindi na ako mawawala sa'yo Misis ko.

"Ahem! mukhang dudumugin tayo ngayon ng mga langgam sa sobrang kasweetan niyong dalawa. Bigla ko tuloy namiss ang asawa ko, singit naman ni secretary Ja habang nagmamaneho.

"Secretary Ja salamat ng marami, ikaw na ang bahala kung saan mo kami dadalhin.

"Walang anuman Miguel basta masaya si Miss Almira masaya na rin ako.

Halos isa't kalahating oras din ang byahe bago sila nakarating sa lugar kung saan sila pansamantalang magtatago.

Nasa tapat na sila ngayon ng malaking gate na kulay puti. Hininto ni secretary Ja ang kotse at may inabot itong susi kay Miguel.

"Ito ang bahay na pinupuntahan ko kapag gusto kong magrelax. Ito ay isa sa mga naipundar ko. Gamitin niyo muna alam kong ligtas kayo rito. 'Wag kayong mag-alala hindi kayo magugutom dito. Tsaka safe ang lugar na ito. Tawagan niyo ako kapag may kailangan kayo.

"Salamat secretary Ja, sagot ni Miguel at bumaba na sila ng kotse.

"Sir mag-iingat po kayo.

"Makakaasa ka Miss Almira, paano tutuloy na ako.

Nagpaalam na sila kay secretary Ja pagkatapos ay pumasok na sila sa loob. Si secretary Ja naman ay tuluyan ng nakaalis.

Napabuntong hininga naman si Miguel at humarap kay Almira.

"Almira, banggit nito kaya napatingin sa kanya ang dalaga. Can we start again? 'yong wala na talagang sisingit sa ating dalawa. Gusto ko wala ng kontrabida para naman masulo na talaga kita.

"Oo naman Miguel, pwede mo na akong masulo basta ipangako mo na hindi kana magtatangkang magpakasal sa iba.

"Hinding-hindi na mangyayari 'yon. Sobrang namiss kita misis ko, pwede bang pa hug ulit?

Tumango si Almira habang nakangiti kasabay noon ang pagyakap niya sa binata.

Pumasok na sila sa loob ng bahay. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay isa lang din ang kwarto. Maganda ito, maaliwalas at malinis tingnan.

"Siguro kailangan muna nating magpahinga alam kong pagod kana, mahinang sabi ni Miguel kaya naman bigla niyang hinablot ang kamay ni Almira at hinila niya ito sa sofa.

Naupo si Miguel at pinahiga niya si Almira habang ginagawang unan ang kanyang hita. Masaya niyang pinagmasdan ang dalaga.

"Ipikit mo muna ang mga mata mo, babantayan kita Almira.

"Ayaw ko baka mamaya paggising ko wala kana sa tabi ko.

"Haha! Iniisip mo parin bang iiwan kita? sa tingin mo magagawa ko 'yon? Siguro naging duwag ako noong una dahil hindi kita ipinaglaban pero nagkamali ako dapat pala ginawa ko na 'yon una pa lang. Makinig ka, hindi mo alam kong gaano ako nangulila sa'yo, halos madurog ang puso ko at hindi makatulog sa gabi dahil ikaw ang laman ng isipan ko. Wala na akong rason para iwanan ka kaya sana manatili ka sa tabi ko at ipinapangako ko na maging mabuti akong asawa sa'yo dahil gusto kong magpakasal na tayo misis ko.

Mas lalong naging malapad ang mga ngiti ng dalaga matapos niyang marinig iyon. Napatitig siya habang ang puso niya ay nag-uumapaw sa saya.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now