PART 4

37 1 0
                                    

END OF UNCLE MATTEO FUNERAL ON BEAUTIFUL [violin cover played by Sinichi Yibo]

Please play Ost Beautiful cover yung sa goblin po ung violin cover...

Maraming tao, pero mas pinili ni Matteo na maging simple lamang ang kanyang burol hanggang sa maihatid siya sa kanyang hantungan.

Lumapit si secretary Ja kay Almira na sobrang lungkot ng mukha na hanggang ngayon ay hindi niya parin kayang tanggapin na wala na ang kanyang uncle.

Nag vow ito sa harapan ni Almira bilang isang paggalang.

"Miss Almira kayanin niyo po, pakiusap maging matatag ka dahil hindi magugustuhan ni sir Matteo na makita kang ganyan."

Tumango lang si Almira hanggang sa may umagaw sa kanya ng atensyon at ganun din sa lahat ng nasa church.

"The voice of our uncle Matteo, "THOUGH I HAVE A TOUGH LIFE, BUT I KNOW LIFE HAS ALWAYS BEEN BEAUTIFUL." bago siya nag paalam may hiniling siya sa akin. Sabi niya sa akin tugtugan ko siya ng isa sa pinakapaborito nilang kanta ni auntie. At pinapasabi niya na sana 'wag kang magiging malungkot Miss Almira.

After magsalita nang lalakeng nakamask kinuha niya na ang violin at nag start ng tumugtog.

BEAUTIFUL VIOLIN PLAYING....

Sa bawat hapit ng bow violin sa bridge. Naging emosyonal ang lahat at mas lalong umiyak si Almira.

Pakiramdam niya dinudurog ang kanyang puso sa tuwing pinapakinggan niya ang tugtog.

Bago matapos ang tugtog ay binuhat na ang coffin palabas ng church at para maisakay na ito sa hearse funeral car.

Sa pagkakataong iyon gustong pigilan ni Almira ang pagbuhat sa coffin ng kanyang uncle.

Nandoon rin sina Miguel at Stefy pero hindi na iyon pinansin ni Almira. Ang lola at lolo ni Miguel na laging nasa likuran lang ng dalaga nakaabang at handang damayan siya. Para sa kanya wala siyang ibang inisip kundi ang kanyang uncle maliban doon wala na siyang pakialam sa iba.

After mailibing si uncle Matteo hindi na muna umuwi si Almira. Nagpaiwan ito sa sementeryo habang pinipilit niyang ikalma ang kanyang sarili.

Nakauwi na ang lahat tanging si chang Yumi at Almira na lang ang natitira sa puntod ni uncle Matteo at ang iba pang mga body guards ni secretary Ja.

"Almira hindi paba tayo uuwi? malungkot na tanong ni chang.

Umiling naman si Almira na wala naman talagang balak umuwi.

"Kailangan mo na ring magpahinga Almira.

"Chang hindi ko kaya," sabay iyak ulit kaya niyakap siya ni chang.

"Kayanin mo Almira, kailangan mong tanggapin ang katotohanang wala na ang uncle mo."

"Napakasakit," hindi ko alam kong mabubuhay paba ako ng masaya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko kayang wala si uncle sa tabi ko, chang pakiusap ibalik mo siya."

"Shhh! Almira 'wag ka namang ganyan pati ako naiiyak na naman," ano kaba hindi ganyan ang Almirang nakilala ko. Halikana umuwi na tayo, sabay haplos sa balikat ng dalaga.

"Dito muna ako, gusto ko pang makasama kahit ngayon lang si uncle. Hayaan mo chang susunod ako pangako."

"Sigurado ka? hindi kita pwedeng iwanan dito.

"Pangako chang, umuwi na po kayo kailangan niyo na ring magpahinga.

"Ok sige may dalawang body guard na magbabantay sa'yo. Tawagan mo ako ha kapag pauwi kana.

Tumango si Almira at pagkatapos ay muli niyang itinuon sa puntod ng kanyang uncle ang kanyang mga matang magang-maga na sa kakaiyak.

"Paano na ako uncle? paano na ako?" mag-isa na lang ako, paano na 'yong bonding nating dalawa?Hindi ko talaga kakayanin ng wala ka, mahina niyang sabi.

"Almira, isang boses ng lalake ang kumuha ng kanyang atensyon. Napalingon siya sa lalakeng tumawag at doon niya nakita si Miguel.

"Hindi ka pa ba uuwi?" kanina pa kita tinitingnan sa malayo. Malapit ng dumilim ang paligid.

Hindi sumagot si Almira bagkos napatingin siya sa lalakeng papalapit sa kanila.

"Tayo na Almira naghihintay na si chang sa bahay. Sabi ni Yibo at inalalayan niya ang dalaga na walang paligoy-ligoy na sumama kay Yibo. Naiwang mag-isa si Miguel at wala itong nagawa para pigilan ang dalawa.

Napatingin siya sa puntod ni uncle Matteo.

"Tito sorry kung hindi ko man lang kayang protektahan at damayan si Almira. Hindi ako ang taong karapatdapat sa kanya kundi ang aking kapatid. Isa akong duwag dahil hindi ko man lang siya kayang ipaglaban, patawarin niyo po ako, pero iisa lang ang gusto kong sabihin sa inyo mahal na mahal ko po si Almira, nasasaktan po ako ng sobra sa tuwing nakikita siyang umiiyak at nalulungkot pero wala man lang akong magawa," patawad tito!" patawad," sabay luhod ni Miguel.

Para sa kanya isa siyang duwag at mahinang lalake. Gusto niyang yakapin ng mahigpit si Almira subalit hindi niya pwedeng gawin. Gusto niyang punasan ang bawat luhang pumapatak mula sa mga mata ng dalaga subalit hindi niya rin pwedeng gawin. Kung malaya lang sana siyang gawin ang mga bagay na iyon gagawin niya ang lahat 'wag lang maging malungkot ang babaeng mahal niya.

Tumayo na ito at gaya ng dati nakatingin parin ito sa puntod. Hawak nito ang envelope na pinapabigay sa kanya kay Almira pagkatapos ng graduation. Napatitig ito sa envelope hanggang sa napansin niyang may butil na luha ang pumatak sa envelope.

Mga ilang segundo rin ang lumipas nagpasya na siyang lisanin ang puntod.

Kasalukuyang nasa loob na siya ng kotse ngayon. Dumidilim na pero hindi niya parin inuumpisahang paandarin ang makina ng kotse.

Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa cellphone na kanina pa ring ng ring. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at doon niya lang napansin na may 25 missed call mula kay Stefy. Binaliwala niya iyon hanggang sa nagring ito ulit nang makita niya ang pangalan ni Yibo, sinagot niya naman ito agad.

"Hello!" magkita tayo, hihintayin kita sa rest house.

Call ended...

After niyang marinig ang boses na mula sa kabilang linya ay mabilis niyang pinaandar ang makina ng kotse.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now