PART 3

32 3 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 11 [Part 3]

Habang napapaurong ang binata papunta sa kanyang kotse ay siya namang pagsulpot ng isang lalakeng may hawak na kutsilyo. Makikita mula sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga dugo. Mariin nitong tinitigan si Yibo at seryosong nagsalita.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Sinichi Yibo, tama?

"Sino ka? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ikaw ba ang pumatay sa lalakeng 'yan? Sabay sulyap sa bangkay.

"Oo! Diretsong sagot ng lalake.

"Ikaw ba ang tumawag sa akin?

"Ako ang pumatay sa lalakeng ito, marahil ako rin ang papatay sa'yo. Para malaman mo hindi ako ang nakausap mo kundi isa rin sa mga taohan ng boss ko. Ngayon kung ayaw mong matulad sa kanya sumunod ka sa akin. At tumalikod na ito.

Napalunok ang binata, bago siya sumunod nilibot niya muna ang buong paligid ng kanyang mga paningin at bahagya niyang pinigilan ang lalake.

"Sandali! Huminto ang lalake at sinulyapan niya ang binata.

"Bakit? Dahan-dahan itong humarap sa kanya.

"Paano ako makakasiguro na hindi niyo pakikialaman si Almira? Kailangan ko munang tiyakin kong nasaan siya ngayon. Hindi ako basta-basta nagtitiwala dahil hindi ako tanga!

"Tinakot ka lang ng kausap mo kanina para pumayag kang makipagkita sa akin. Ang totoo niyan ang mga larawang pinasa sa'yo ay matagal na 'yon. Nakuha lang 'yon sa bag ni Stefy dahil ang pagkakaalam ko may private investigator siya at matagal niya ng pinapasubaybayan si Almira. Pero huwag kang mag-alala kaya kong patayin si Almira ng mas mabilis pa sa tilaok ng manok tuwing madaling araw.

"Sabihin mo, si Felix ba ang nag utos sa'yo? At anong sinasabi mong may private investigator?anong kinalaman ni Almira sa buhay ni Stefy? Bakit pinapasubaybayan niya si Almira?

"Hahaha! Anong klase kang kapatid kung wala kang alam sa mga nangyayari? Si Miguel ang dahilan kaya pinapasubaybayan silang dalawa. Nagseselos lang naman si Stefy. Kung gusto mong masagot ang tungkol dyan bakit hindi mo siya kausapin? Wala na akong panahon para dyan kaya halika na at naghihintay na ang boss ko sa loob. Nagpatuloy na ang lalake sa paglalakad habang nakasunod naman si Yibo.

Pakiramdam niya may hindi siya magugustuhang mangyari sa kanya kaya mas pinili niyang ihanda ang kanyang sarili.

Pumasok sila sa isang silid, isang silid na walang ibang makikita kundi ang isang laptop na nasa ibabaw ng silya. Biglang nangunot ang nuo ng binata at kanyang tinitigan ang lalake.

"Hintayin mo rito ang boss ko dito ka lang at 'wag kang magtangkang tumakas. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa'yong panganib. Binabalaan na kita.Umalis ang lalake at bigla niyang sinara ang pinto at nilock ito.

"Sandali! Sigaw ni Yibo kaya agad niyang hinawakan ang pasilyo para buksan ang pinto ngunit hindi niya mabuksan dahil nakalock ito.

"Bullshit! naisahan ako! Aniya habang hinahampas ang pinto. Ilang sandali ay biglang may nagsalita sa laptop kaya napalingon siya ng makilala niya ang taong nasa screen.

"How are you my dear Sinichi? Long time no see young boy. Sabay halakhak yung tipong inaasar pa ang binata.

"Hayop ka Felix! Sa oras na makalabas ako rito magdasal kana! Masusunog ka with your friend Satan sa impyerno! Kill me now because when I escaped here you might repent!

"Hahaha! Are you scaring me? Kahit ilan pang santo ang dasalan ko wala talagang mangyayari dahil wala namang diyos!

"Ano bang gusto mong mangyari? Kayaman ba ni uncle Matteo? Hindi kapa ba nakontento sa Caron Group na ninakaw mo sa pamilya ni Almira?!"

"Exactly right! Napakatalino mo talaga Sinichi. Kung hindi lang tanga ang ama mong si Mayro sana noon pa naikasal na kayo ni Stefy. Kaso tanga eh! Ang hina ng kukute ng daddy mo!

"Walang ibang tanga dito kundi ikaw lang Felix!Pinaikot mo si dad sa mga kamay mo pati si mommy dinamay mo! Wala kang puso! Tinakot mo sila para lang sumunod sa mga kasamaan mo! Hindi kita mapapatawad, malapit ka ng mabukya Felix kaya sulitin mo na ang mga natitira mong araw!"

"Hahaha! Kinabahan ako sa sinabi mo young boy. But then, gusto kong malaman mo ang totoong hangarin ko kung bakit gusto kong makipagkita sa'yo. Alam mo madali akong kausap, makakalabas ka sa silid na 'yan kapag binigay mo sa akin ang hawak mong ebidensya. Tumutupad ako sa usapan, makakauwi kang walang labis walang kulang. Pero kapag hindi mo binigay sa akin ang hinihingi ko ipapadala kitang bangkay na sa pamilya mo. At isa pa, hindi ako magdadalawang isip na kunin si Almira at sabay ko kayong pahihirapan at unti-unting papatayin gamit ang matutulis kong kotsilyo! Baka gusto mo ng ganu'n ang magkasama kayo ni Almira habang pinapahirapan.

"Masyado naman yatang matindi ang pananakot mo Mr.Felix.. Wala na bang nakaka excite dyan?gusto ko 'yung sinusurpresa ako. Worthless!

"Maghintay ka lang bata, it's not time yet. I want to play with you first. Bibigyan kita ng isang oras para pag-isipan mo ang lahat, hihintayin ko ang sagot mo.

"Wala kang mapapala sa akin! Sigaw ni Yibo hanggang sa nawala na sa screen si Felix.

Halos manggigil sa galit ang binata dahil sa totoo lang hindi niya inaasahan ito. Napaupo siya sa gilid hanggang sa naisipan niyang kunin ang kanyang cellphone sa bulsa ngunit nabigo siya dahil hindi niya inaasahang mawawala ito sa kanyang bulsa.

"Kapag minamalas nga naman! hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Almira at hindi ako papayag na makuha niya ang ebidensya dahil ako mismo ang magpapakulong sa kasamaang ginawa niya! Gagawin ko ang lahat para kay Almira, at para na rin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ito na ang tamang panahon para malaman ng lahat kung gaano kasama si Felix. Gaya ng pinag-usapan namin ni uncle Matteo gagawin ko ang lahat kahit ang magiging kapalit nito ay ang buhay ko.

Nagulat ang binata nang bumukas ang pinto. Ang lalakeng kausap niya kanina ay ngayon ay muli niyang kaharap habang bitbit ang kutsilyo. Nanlikisik itong nakatingin sa kanya. Napaatras ang binata nang makita niyang papalapit na ito sa kanya.

Nakatirik ang mga mata ng lalake habang pinupunasan ang kutsilyong may bahid pa ng dugo pagkatapos ay hinalikan ito at inamoy-amoy.

Mas lalong kinabahan si Yibo, nilibot niya ulit ang kanyang mga mata para maghanap ng anumang bagay na pwede niyang gamitin kaso nabigo siya dahil silya at laptop lang ang tanging nasa loob ng silid.

Nagsimula ng manginig ang kanyang mga tuhod. Napatikom na lamang ang kanyang mga kamao at kanyang tinitigan ang lalakeng papalapit na sa kanya.

"I can do it for Almira at para matapos na rin ang kasamaan ni Felix!





                __________________________________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now