PART 5

46 2 0
                                    

Dahil nakatulog si Almira sa byahe hindi niya alam na nasa tapat na sila ng hotel na pagmamay-ari ni Miguel. Tulog na tulog ang dalaga kaya naman hinayaan muna siya ng binata. Inayos nito ang ulo ni Almira at pinasandal sa kanyang balikat.

Tahimik na pinagmasdan ang dalaga habang napapangiti ang binata.

"Para kang anghel Almira, napakaganda mo parin kahit nakapikit ang iyong mga mata. Hindi malabong ma in love ako sa'yo ng ganito. Napakasaya kong makasama ka ulit. Bulong nito at bahagyang ipinikit ang kanyang mga mata habang nakapatong ang kanyang ulo sa ulo ng dalaga.

Nagising na lamang ang dalawa nang may narinig silang kumakatok sa salamin ng kotse.

Hinimas ni Miguel ang kanyang mga mata dahil hindi nito sukat akalain na makakatulog ito. Napasulyap ang binata kay Almira na kasalukuyang gising na rin sa ingay ng isang security guard. Binuksan ni Miguel ang bintana at pinakinggan ang sinasabi ng security guard.

"Ah good evening sir Miguel pasensya na po kung naabala ko kayo. Nag-alala kasi ako dahil kanina pa pong nakapark ang kotse mo rito. Akala ko po kasi lasing na naman kayo at nakatulog sa loob kaya hindi po ako nagdalawang isip na katukin kayo. Pag-alalang tugon ng security guard.

"Ang ganda na sana ng tulog ko, naku naudlot tuloy, sige-sige papasok na kami pakisabi sa receptionist na nandito na ako. Alam niya na ang kanyang gagawin.

"Yes sir, sagot naman ng security at umalis na ito.

"Miguel a-akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay? b-bakit nandito tayo? tanong ni Almira na hindi mapakali.

"Masyadong malayo ang bahay mo kaya mas magandang dito kana muna magpalipas. Alam kong pagod kana rin kaya 'wag ka ng kumontra, ok?

"Ah-eh-h-hindi ako sanay matulog sa ibang bahay, tsaka b-baka m-may--nauutal na sabi ng dalaga.

"May gawin akong masama sa'yo? hahaha! ano kaba naman Almira ako paba? sabay tingin ng malagkit sa dalaga.

"Fyi! mali iyang iniisip mo!"

"Bakit ano ba ang naiisip mong iniisip ko?

"Hindi kasi ako nakakatulog sa ibang bahay. Tsaka gusto ko 'yong amoy ng kama ko. Baka kasi hindi ako makatulog."

"Makakatulog ka niyan kasi maaamoy mo ang amoy ko, dahil matutulog ka sa kama ko. Ngumiti ng nakakaloko si Miguel kaya napacross arm na lang si Almira.

"Hey! baka iba na naman 'yang iniisip mo! what i mean sa kwarto ko ikaw matutulog tapos ako naman sa sala. 'Wag kang mag-alala malaki ang sofa at hindi ako lalamigin. Kung gusto mong matulog sa iisang kama edi masaya, halos maningkit ang mga mata ni Miguel sa lapad ng ngiti.

"Siniswerte ka? haha! manigas ka! sabay taas ng kilay.

Pinisil naman ng binata ang pisngi ng dalaga pagkatapos lumabas na ito ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Almira. Inabot naman ng dalaga ang kamay ni Miguel at nag-umpisa na silang maglakad papasok ng hotel.

Doon mapapansin agad ang mainit na pagbati ng mga empleyado kay Miguel at pati na rin kay Almira.

"Hi sir good evening, bati sa kanya ng isang sexyng babae ng makasalubong sila.

"Nasaan si Greg? pakitawagan siya at papuntahin agad sa room ko may mahalaga lang akong sasabihin sa kanya. Seryosong sabi ni Miguel habang naglalakad sila.

"Yes sir." sagot naman ng babae.

"Ok thank you.

Dumiretso ang dalawa sa isang silid pagdating nila roon bumungad sa kanila ang isang napaka romantikong hindi inaasahan ni Almira.

"I normally eat in the kitchen, kaya sana magustuhan mo Almira sabay ngiti ng matamis.

Nilibot ng dalaga ang kanyang mga mata hanggang sa nakita niya ang isang bottle of red wine. Dependi kasi on what you're eating. Fyi, red wines tend to go best with steak and meats. Also nag prepare din ng some water with lemon para sigurado.

Pumili din si Miguel ng simple appetizer, though cheese and crackers are traditionally eaten at the end of a meal, since favorite ng binata ang brie and fontina dahil alam nitong ito pinakamainam at masarap para sa great cheeses for crackers.

Pizza, sauteed chicken and vegetables ang gustong romantic dinner nila ni Almira.

For dessert naman ang naisip ni Miguel ay cupcakes na mula pa sa favorite local bakery nila. Syempre hindi na mawawala ang ice cream with raspberries and blueberries.

Ofcourse ang romantic decoration na umagaw talaga ng pansin kay Almira ay ang rose petals, and unscented candles na nakalagay near the table. Sabayan pa ng romantic music na nagsilbing background nila.

As in napa wow talaga si Almira. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita. First time niyang mangyari ito sa buhay niya. Napaharap siya kay Miguel at maluha-luha niyang tinitigan ang binata.

"Nagustuhan mo ba? well, don't say no kundi hahalikan kita."

"Sobrang ganda at napakaromantic ng gabing ito para sa akin Miguel. Hindi ko enexpect 'to."

Hinawakan ni Miguel ang magkabilang kamay ni Almira. Doon pinahid nito ang kaunting luhang umaagos sa gilid ng mata ng dalaga.

"Let's go, sabay hila at inalalayan niyang makaupo si Almira.

Kumain sila, tapos inom ng kunti after noon niyaya siya ni Miguel na sumayaw.

With hawak sa baywang ni Almira at titig ng napakalagkit na akala mo matutunaw na. Kahit napakasimple ng dalaga maganda parin rin talaga.

Nag start ng tumugtog ng isa sa nirequest ni Miguel at iyon ang perfect violin cover. Habang pinapakinggan iyon ni Almira ay napapaiyak na lang siya.

"Are you ok? hindi mo ba nagustuhan ang music?

"i don't know what to say, sinok dahil paiyak na naman siya. It's really make me feel happy at mas lalo akong na iinlove sa'yo Mister ko. I'm sorry if my tears will flow continuously. You killed me now Miguel, i love you and thank you, sabay yakap ng sobrang higpit.

"I just imagined in our wedding na baka umiyak ka ha misis ko, hindi ko na mahihintay na dumating ang araw na iyon. Aayusin muna natin ang lahat, at pangako kaunting tiis na lang. Sabay kiss sa nuo at bahagya itong napapikit.

"I love you so much my Almira Jacinto," bulong ni Miguel at ngumiti naman ang dalaga.













__________________________________________________


MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now