PART 4

87 3 0
                                    

Gabi na nang makauwi ng bahay si Almira dahil marami pa siyang tinapos sa school.

Nagtaka siya dahil sarado at mukhang walang tao sa bahay. Kinuha niya ang kanyang susi sa bag at tahimik niyang binuksan ang pinto.

"Uncle! nandito na ako!" may dala akong pandesal! kahit gabi na at pasarado na ang bakery kinulit ko sila para makabili ako ng paborito mo! charan! ito ohh bitbit ko na ang supot! sigaw niya at pinindot niya ang switch ng ilaw pero nagtaka siya dahil hindi ito sumindi.

"Hala brown-out ba? pagtataka niyang sabi at tinawag niya ulit ang kanyang uncle pero walang sumasagot.

Kinabahan na siya at nagsimulang mag-alala. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa kwarto ng kanyang uncle ng biglang sumindi ang ilaw at unti-unting nagshower ng glitters at balloons.

Nagsimula na ring tumugtog ng birthday song na  nirecord pa habang kinakantahan siya ng kanyang mama noong 10 years old pa lang siya.

Nagulat siya at biglang tumulo ang kanyang mga luha nang marinig niya ulit ang boses ng kanyang ina. Nilibot niya ang kanyang mga mata at doon niya nakita si Vannesa at ang kanyang uncle.

"Happy 23th birthday pinsan! gurang kana wala ka paring boyfriend! stay maganda tulad ko!" paalala lang bawal ang umiyak Almira! sabay pisil sa magkabilang pisngi ng kanyang pinsan.

"Salamat Vanessa, nakakaasar kayo ni uncle napakaarte ninyo naman para i-celebrate ang birthday ko! ikaw pa ang may ganang sabihan ako na bawal umiyak! nakakapikon kana!

"Sus! pigilan mo 'yan baka madala ako, basta happy birthday ulit Almira, mahigpit niyang niyakap si Almira habang nagiging emosyonal ang dalawa.

"Oh siya tama na ang drama, kayo talagang magpinsan mahilig sa mga drama kaya hayan nagdadrama na naman kayo, singit naman ng kanilang uncle na kanina pang pinipigilan na huwag maiyak.

"Uncle diba may sasabihin ka kay Almira? kaya go na uncle.

"Inunahan mo kasi Vanessa heto naiiyak na tuloy ako. Siya nga pala Almira bago ko makalimutan happy birthday," tama ang pinsan mo maghanap kana ng boyfriend na makakasama mo at mag-aalaga sa'yo.

"Uncle naman hindi naman kayo excited ano? pareho kayo ni Vanessa pinagtutulakan talaga akong magkaroon ng boyfriend.

"Almira malapit na ang camping niyo diba? bilang regalo ko buksan mo ang nasa ibabaw ng mesa na katabi ng cake. Ani ng kanyang uncle. Agad namang lumapit si Almira at binuksan ang regalo.

Pagkatanggal niya ng gift rapper nagulat siya ng makita niya ang camerang gustong-gusto niyang bilhin noon.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita habang nakatitig sa camera. Hanggang sa may naalala siya.

"Ano-kasi mam p---p--pasensya kana po pero may b--bumili na ng camera!" sorry mam."

"Sino ba ang bumili? baka pwede kong bawiin?

"Matanda siya na sa tingin ko nasa 60 na ang edad. Sabi niya may pagreregaluhan daw siya wala naman akong nagawa dahil pinipilit niya ako.

"Alam ko kasing pinag-iipunan mo ang camerang 'yan kaya naisipan kong bilhin para iregalo sa'yo Almira. Pinasundan kita sa chang Yumi mo kaya nagpasama ako sa kanya sa store na pinuntahan mo kaya nalaman kong 'yan ang gustong-gusto mong bilhin.

"Uncle naman, ginawa mo 'yon para sa akin? sobrang saya ko po talaga, thank you uncle," alam mo bang kinulit ko pa talaga 'yong lalake roon para sa camerang 'to? ikaw pala ang tinutukoy niya, uncle naman nakakainis ka talaga pa-hug nga sa uncle kong mukha nang pandesal at kape pero love na love ko parin."

Mahigpit niyang niyakap ang matanda. Masaya siya dahil sa surpresa sa kanya ng kanyang uncle.

"Sali naman ako," singit ni Vanessa at nagyakapan silang tatlo.

"Pinsan may nakalimutan pa pala akong ibigay sa'yo, eh kasi habang nagluluto kami ni uncle kanina may nagdeliver nito.

"Sa'yo nakapangalan kaya hindi na namin pinakialaman. Mukhang may secret admirer ka at alam niyang birthday mo ngayon, sabay abot nang isang maliit na box.

"Ano naman ito? at sino naman ang magbibigay nito sa akin? tanong ni Almira na may halong pagtataka.

"Mamaya mo na buksan 'yan kumain muna tayo, wika ni Vanessa at hinila niya si Almira para kumain.

Kahit tatlo lang sila naging masaya naman para kay Almira ang kanyang birthday.

Nakauwi na si Vanessa, nakapaglinis na rin ng mga kalat at nakatulog na rin ang kanyang uncle.

Nasa kwarto siya ngayon habang nakahiga na sa kanyang kama. Naalala niya ang box na maliit kaya napabangon siya at kinuha niya iyon para alamin kung ano ang laman at kung kanino galing.

Dahan-dahan niya itong binuksan hanggang sa bumungad sa kanya ang isang music box.

May drawing na fairy sa ibabaw kaya napangiti siya. Binuksan niya ito hanggang sa tumugtog ito.

Habang pinapakinggan niya ang tugtog pakiramdam niya bumabalik siya sa pagkabata. Naalala niya ang mga old memories nila ng kanyang ina at ama.

At noong inaalagaan pa siya ng kanyang untie. Ang masasayang araw nila ng kanyang uncle na kahit dalawa na lang sila ay masaya parin sila.

At ang huli ang lalakeng gumising sa kanyang diwa na si Miguel Fernando.

Napansin niyang may maliit na papel na nakatiklop, binasa niya ang nakasulat.

"Hi tinkerbell! Happy happy birthday sana magustuhan mo ang gift ko. Sorry ha? 'yan lang kasi ang naisip ko na pwedeng iregalo sa'yo at dahil lagi kitang nakikitang kinikiskis ang dalawa mong palad habang hinihipan ito at pagkatapos babanggitin mo si tinkerbell, kaya fairy ang design na pinili ko."

Hindi mawala-wala ang ngiti ni Almira ng mabasa niya ang sulat.

Pakiramdam niya mas sumaya siya lalo sa mga oras na iyon. Ngunit iisa lamang ang kanyang gustong malaman iyon ay kung sino ang nagpadala sa kanya ng regalo.










__________________________________________________








A/N: May idea kaba king sino ang nagpadala ng music box? Hehe..sige nga sabihin mo kung sino...

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now