PART 5

33 3 0
                                    

Tahimik, walang mga studyante ng dinala ni Vanessa si Almira sa rooftop. Wala itong idea kung bakit bigla na lang siyang hinila ng kanyang pinsan sa lugar na 'yon.

"Ano na naman bang pakana ito Vanessa? kung may kailangan ka sana tinawagan mo na lang ako!, sabi ni Almira na nakabusangot ang mukha.

"Dito ka lang may kukunin ako, wag kang aalis dito pinsan, hintayin mo ako babalik ako after mag five minutes.

"Ok sige bilisan mo ahh!

"Oo pinsan! sagot nitoat umalis na.

Lumapit si Almira sa rehas na nakaharang sa rooftop. Kitang-kita niya ang mga studyanteng pumapasok sa main intrance ng malaking gate. Pinakiramdaman niya ang hangin na humahampas sa kanyang balat.

Napatingin siya sa kanyang relo at doon siya nagtaka kung bakit wala pa ang kanyang pinsan. Napasimangot siya kaya nagpasya na lang siyang umalis sa rooftop. Pagharap niya biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil hindi niya inaasahang magkikita sila ulit ni Miguel. Muling nagtama ang kanilang mga mata na para bang nangungusap.

Matagal din silang nagkatitigan hanggang sa lumapit si Miguel kay Almira at bigla na lang niyang niyakap ang dalaga.

"I'm sorry, bulong ng binata habang nakayakap kay Almira. Umagos ang butil ng luha mula sa mga mata ni Miguel ngunit hindi siya nagpahalata sa dalaga.

"Bakit ngayon ka lang? hindi kaba nag-aalala sa akin kung ano ang mararamdaman ko noong iniwan mo ako? Pinaasa mo ako!ang masakit pa doon ni hindi ka man lang nagpakita at nagparamdam sa akin! kung pagtitripan mo lang naman ako sana sinulit mo na! Tapos ngayon babalik ka para sabihin ang sorry? sa tingin mo madali lang mawala ang sakit na ginawa mo sa akin?! humahagulhol na si Almira sa pag-iyak.

Sa dami ng kanyang sinabi wala man lang sinagot si Miguel. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap kay Almira.

"Pero anong magagawa ko nagugustuhan na kita eh! paano na ako Miguel? Ikaw ang first love ko,alam mo bang nagustuhan na kita noong sinabihan mo akong pangit ang drawing ko dahil kulang ng kilay,

"Sorry."

"Ikaw ang bukambibig ko! ikaw ang laman ng isipan ko! gusto kitang nakikita at namimiss kita kahit saglit ka lang mawala sa paningin ko! tapos ngayon magsosorry ka lang?

"Sorry, pwede bang wag kana lang magsalita? pwede bang ganito na lang tayo hanggang mamaya? pakiusap Almira, kailangan ko ang mga yakap mo, mahinang sabi ni Miguel na patuloy parin sa pag agos ang kanyang mga luha.

"Gusto na kita Miguel, pwede bang wag ka ng umalis? eh ano naman kung pagtawanan mo ako dahil sinabi ko na gusto kita? na umamin ako ng nararamdaman ko? Pwede bang tumawa ka ng malakas diba iyon naman lagi ang ginagawa mo? kaya sige pagtawanan mo ako! Lumayo si Almira kay Miguel pero tumalikod naman ang binata para punasan ang kanyang mga luha.

Humarap ito pagkatapos niyang punasan ang mga luha at gaya ng sinabi ng dalaga tumawa ito ng malakas.

"Hahahahaha! ang cute cute mo talaga misis ko, halika nga dito!" sabay hila kay Almira kaya halos masubsob sa dibdib ni Miguel ang mukha ng dalaga. Pakisabi kay tinkerbell 'wag ka niyang hahayaang maging malungkot, ingatan ka at 'wag kang paiiyakin.

"Mukha ba akong nagbibiro Miguel? ano bang pinagsasabi mo?

Humiwalay si Miguel mula sa pagkakayakap at may kinuha itong marking pen at lumapit sa wall. Nagtaka naman si Almira kung ano ang gagawin ng binata.

"Bilog ang ulo, may dalawang mata, ilong at bibig. Diba parang may kulang? sabay turo sa kanyang iginuhit. Nilagyan niya ito ng kilay at humarap siya kay Almira. Pangit parin eh, haha!pero alam mo ba kung sino ang pinakapangit?

Umiling si Almira habang natatawa sa kabuuang iginuhit ni Miguel.

"Ikaw ang pinakapangit Almira. hahahaha! sabay tawa ng malakas kaya napasimangot si Almira.

"Maganda ako, wala nga lang akong pera.

"Ibig kong sabihin maganda ka Almira. Tandaan mo kung sino ang magbura ng drawing kong ito siya ang pinakapangit. Kapag nalulungkot ka lagi mong titingnan ito.

"Iiwan mo na naman ba ako?malungkot na tanong ni Almira. Hindi naman sumagot si Miguel.

"Lagi mo ba akong namimiss?

"Hindi ahh!!

"Okey hindi naman pala edi mabuti, sabay ngiti ng malapad.

"Oo na! lagi kitang namimiss kaya kahit na galit parin ako sa'yo nawala bigla ng makita na kita.

"Pakipot talaga ang baby ko, hahaha!

"Inaasar mo na naman ako!

"Gwapo ba ako?

"Ano bang klaseng tanong yan?

"Gwapo ako diba misis ko?habang inaasar niya si Almira mas lalo siyang nasasaktan dahil alam niyang ito na ang huli nilang pagkikita. Bawat minuto wala siyang pinalalagpas na hindi titigan si Almira. Totoo nga na kapag nakikita niya ang dalaga biglang mawawala ang mga problema, kalungkutan at nakakaya niyang ngumiti at tumawa.

Sa huling sandali hindi niya pinalagpas ang araw na mayakap niya ng sobrang higpit ang dalaga bago sila naghiwalay.

After niya mahatid ng bahay si Almira umuwi na rin si Miguel. Nagkulong siya sa kanyang kwarto at hindi na rin kumain.

Agad nitong sinisid ang kanyang kama pero hindi parin ito mapakali. Naupo siya sa couch at kinuha ang isang bote ng alak at tinungga ito hanggang sa makalahati niya ang laman nito. Maya-maya ay naalala niya ang sinabi ni Almira.

"Gusto na kita Miguel, pwede bang wag ka ng umalis?

After niyang maalala iyon mas lalo siyang nagalit kaya ihinampas niya sa wall ang hawak niyang bote. Napapikit siya hanggang sa umagos ang kanyang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Nasasaktan siya, ngunit kailangan nitong magpakasal kay Stefy.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now