PART 5

31 4 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 14 [Part 5]

"Hyeongjae,"mahinang sabi ni Miguel habang papalapit sa kinaroroonan ng kanyang kapatid.Napalingon naman si Yibo habang nilalagok ang isang bote ng alak.

"Oh para sayo,saluhan mo ako.Sabay abot nung isang bote.Alam ko naman kasing pupuntahan mo ako kaya nagdala na akong para sayo.

"Salamat,ahh Yibo,h-hindi ko alam kong saan ako magsisimula at paano ko ito sasabihin sayo.Mahina niyang sabi na nahihiya pa sa kanyang kapatid.

Bahagyang napahalakhak si Yibo bago niya tinitigan ng mariin ang kapatid.

"You and me make a wonderful and ridiculous story,alam mo ba kung bakit? hindi lang tayo naging magkaribal sa isang babae pati kay dad at mom hindi rin tayo nagkaintindihan.Akala natin noon may paborito sila sa atin pero nagkamali tayo.Madalas din tayong nagtatalo kung sino ang matalino sa ating dalawa.At higit sa lahat madalas din tayong magtalo kong sino ang mas gwapo sa ating dalawa.Ngayon sasabihin ko na,syempre pareho tayong gwapo at walang nakakalamang,tama?

"Haha!malakas na halakhak ni Miguel.Just the two of us,you and me forever na ba talagang hindi magkakasundo?iyon ang laging nasa isip ko at kahit kailan magtatalo at magtatalo tuwing magkikita tayo.Biglang nagseryoso ang mukha ni Miguel.Walang halong biro totoo at seryoso ako sa mga sasabihin ko kaya makinig ka.

"Ok sige makikinig ako.Sabay lagok nung bote ng alak.

"Sorry,"sorry sa lahat lahat Yibo.Alam kong naging masama akong kapatid pero lahat ng iyon ay pinagsisihan ko na.Siraulo at gago ako pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi tayo magkasundo.Alam mo bang kahit na hindi tayo magkasundo itinuring parin kitang kapatid.Oo inaamin kong nag-aalala rin ako sayo,kapatid kita at mahal kita hindi ko man pinakita iyon pero 'yon ang totoo.

Napangiti si Yibo.Inakbayan niya si Miguel pagkatapos ay tinapik niya ito sa braso.

"Hyeongjae alam mo ba kong gaano mo ako napasaya ngayon?magdidiwang si tinkerbell dahil sa wakas ay natauhan ka rin.

"Tinkerbell?

"Oo,madalas sabihin ni Almira.Ewan ko ba pero hanggang ngayon binabanggit niya parin si tinkerbell.Kaya ikaw Miguel magpasalamat ka dahil mahal ka parin ni Almira.Going back to our topic salamat dahil tinanggap mo ako bilang kapatid mo.Wag kang mag-alala dahil tinatanggap din kita bilang bunso kong kapatid.Sorry din Miguel kong ano man ang naging kasalanan ko sayo sana mapatawad mo ako.

"Oo na pinapatawad na kita gago kong kapatid.Kung hindi lang kita mahal naku magmamatigas parin ako.Para sa akin hindi ako magsasawang magpasalamat sayo at sa Diyos.

"Bakit?

"Dahil binigyan niya ako ng isang kapatid na mahaba at malawak ang pasensya.Higit sa lahat mabait at mapagmahal,wag kang mag-alala pareho tayong gwapo.

"Hahaha!!malakas na tawa ni Yibo at humalakhak na rin si Miguel.Tanaw na tanaw sila ng kanilang lolo at lola na kasalukuyang natutuwa dahil magkasundo na rin sa wakas ang dalawa.Napapangiti rin sina Mayro at ang kanyang asawa,bakas sa kanilang mukha ang saya para sa kanilang mga anak.

"Siya nga pala Miguel may nabasa akong sulat galing sayo.Pinapabigay mo daw sa akin kapag nagising ako.Kinapa niya ang kanyang bulsa at dinukot ang maliit na envelope at inabot kay Miguel.

Inabot naman iyon ni Miguel at nabasa niya ang nakasulat.

Buong-buo kong inalay ang puso ko,sayo lang ako nakaramdam ng ganito.Sa tuwing nakikita kitang ngumingiti pakiramdam ko lahat ng problema ko ay biglang napapawi.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now