PART 2

54 1 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 11 [Part 2]

Isang oras na lang ang hinihintay ni Yibo bago niya tuluyang lisanin ang pilipinas. Nakapag disisyon na itong manatili na lang sa korea kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kasalukuyan siyang nakaupo habang hinihintay ang huling sandaling makita niyang dumating si Almira. Umaasa parin ang binata na baka paglingon niya makita niya ang babaeng gustong-gusto niya.

Umagaw sa kanyang pansin nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Hinablot niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Naningkit ang mgs mata ng binata nang makita niyang number lang ang tumatawag. Bahagya niya itong tinitigan bago niya sinagot.

"Hello! Sino 'to? Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Hyeongjae! Gago kaba! Aalis ka lang ng walang paalam sa akin?! Nilayo ni Yibo sa kanyang tainga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Miguel.

"Haha! Mas gago ka hyeongjae! Nagbibiro kaba?bakit naman ako magpapaalam sa kapatid kong siraulo?

"Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!

"Nasa airport na ako maya-maya aalis na ang ereplanong sasakyan ko kaya 'wag ka ng mag abala pang pumunta.

"Bakit kailangan mo pang umalis? Sa totoo lang may gusto akong sabihin sa'yo at alam kong hindi ko pa nasasabi simula noong mga bata pa lang tayo.

"Kung ano man 'yan sabihin mo na. Ako lang naman 'to si Siniching mas pogi sa'yo. 'Wag kang magdrama hindi bagay sa'yo gago ka!

"Hahahaha! malakas na halakhak ni Miguel. Pero sa totoo lang nahihirapan itong simulan kung paano sabihin ang mga salitang gusto niyang sabihin kay Yibo.

"Mahirap bang sabihin 'yan? Tanong ni Yibo na tila nagmamadali na. Nilagay niya muna sandali sa bulsa ang cellphone dahil kinuha niya ang kanyang mga gamit pero hindi niya pa pinatay ang linya.

"Salamat Yibo. Salamat dahil ngayon ko lang naisip na mas gago pala ako sa'yo. Sinakripisyo mo ang lahat alang-alang sa akin. Kaya salamat aking kapatid. Napangiti si Miguel habang sinasabi iyon. Sa buong buhay niya ngayon niya lang nasabi ang salitang salamat. Nagtaka siya dahil walang sumagot mula sa kabilang linya.

"Hoy! Nakikinig kaba? Masyado ba akong madrama? Ok fine joke lang 'yon!

"Hello! hello Miguel! Nandyan kapa ba? Sorry inayos ko lang ang mga gamit ko. Ano nga ulit ang sasabihin mo? Tanong ni Yibo na kakahablot lang ng cellphone mula sa kanyang bulsa.

"Bwesit! Akala ko pa naman nakikinig ka. Wala akong sinabi sige na bye na! Wala akong pakialam kong aalis ka mas mabuti nga iyon! Aburidong wika ni Miguel at pinutol na ang linya.

Call ended...

"Nangyari sa kanya? Biglang uminit ang ulo ng kupal! tsk! tsk! Mahinang sabi ni Yibo at nilagay niya na ulit ang kanyang cellphone sa bulsa.

Hahakbang na sana siya ng biglang mag-vibrate ulit ang kanyang cellphone. Muli niyang hinablot ito sa kanyang bulsa.

Unknown number calling..

He immediately answered it.

"You're crazy! After mong ibaba kanina tapos tatawag ka ulit! Yibo said.

"Sinichi Yibo Fernando. Iyon ang kanyang narinig mula sa kabilang linya. Nagtaka siya dahil iba ng boses ang kanyang narinig. Malaki ito at malayo sa boses ng kanyang kapatid.

"Who are you? mahina niyang tanong while still calming himself.

"Let's meet! Give me the evidence, do not hide it! Huwag ka ring magtatago sa akin dahil kapag hindi mo binigay ngayon din mismo ay papatayin kita!

"Uulitin ko sino ka?

"Hindi mo na kailangan pang malaman kong sino ako. Makipagkita ka sa akin ngayon at ibigay ang hawak mong ebidensya.

"Hahaha! Eh baliw ka pala! Bakit ko naman gagawin iyon? Kung sino kaman hindi ako natatakot sa'yo!

"Tanaw na tanaw ko ngayon ang babaeng pinakamamahal mo. She walks to the car by secretary Ja. Ngayon kapag hindi ka nakipagkita sa akin hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo ng aking baril.

"Are you scaring me?"

"Hindi kita tinatakot. Dahil hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Ngayon para maniwala ka nakatutok na sakanya ang hawak kong baril. Any time her skull will burst!

"Wag mong pakikialaman si Almira. When something bad happened to her I could not forgive you!

"Iyon naman pala eh! Kaya makipagkita kana sa akin at ibigay ang ebidensya. Madali akong kausap.

Kinabahan ang binata dahil sa totoo lang ayaw niyang may masamang mangyari sa dalaga. Sigurado din siyang si Felix ang may plano ng lahat.

"Hindi! Hindi ako makikipagkita sa'yo! Wala sa akin ang hinahanap mo at wala akong alam sa sinasabi mo!

"Ok tingnan na lang natin kung may magagawa ka pa. Sabay putol ng linya.

"Hello! hello! Sigaw ng binata.

Mga ilang sandali lamang ay may narecieve siyang isang text. Pag-open niya nakita niya ang larawan ni Almira na kasalukuyang naglalakad papunta sa sasakyan ni secretary Ja. Dalawa pang sunod ang kanyang narecieve na mga larawan. Mas lalong kinabahan ang binata, subalit mas pinili niyang pakalmahin ang kanyang sarili para makapag-isip ng tama.

Unknown Number calling...

Agad niyang sinagot ang nasa kabilang linya.

"Beast! Wag mo siyang pakikialaman! Sabihin mo ang exact location pupuntahan kita!

"Isesend ko sa'yo ang address kung saan tayo magkikita.Wala kang isasama kundi ikaw lang!Kapag sumama ka ng mga tauhan ng ama mo o di kaya ng mga police pasensyahan na lang tayo! Sundin mo ang sinabi ko dahil kung hindi babalikan ko si Almira! Maliwanag!?"

Call ended..

"Hahaha! hahaha! Malakas na halakhak ng lalake habang nakatingin parin sa screen ng kanyang cellphone. Maya-maya ay may tinawagan ito.

"Ok na, ikaw na ang bahala sa kanya naisend ko na ang address. Tawagan mo ako sa susunod na hakbang.

"Good. Wag kang mag-alala nasa account mo na ang perang hinihingi mo.

"Siguraduhin mo lang Felix dahil kapag akong niluko mo ikaw ang uunahin ko."

"Relax! Wala ka bang tiwala sa akin?

Napangiti ang lalake at pinutol na ang linya.

Samantala narating ni Yibo ang address na binigay sa kanya. Lumabas siya sa kanyang kotse at tiningnan ang buong paligid. Medyo nagtaka siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Bumalik siya sa kanyang kotse at may kinuha itong isang bagay. Inopen niya ito at kanyang nilagay sa bulsa ng pantalon niya.

"Ang weird naman ng lugar na ito. Mukhang may hindi magandang mangayayari. Mahina niyang sabi habang nakatingin parin sa paligid.

Luma na ang gusali, tinutubuan narin ng mga lumot ang mataas na pader. Kinakalawang narin ang bakal na nakakabit sa mataas na gate. Narinig niya ang isang malakas na kaluskos na nagmula sa loob kaya napadako ang kanyang mga mata sa malaking tarangkahan.

Mga ilang sigundo lamang ay unti-unting may kumakabig sa malaking gate. Kaya mas lalong kinabahan ang binata at hinanda ang kanyang sarili.

Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng biglang bumukas ang gate at bumungad sa kanya ang katawan ng isang lalakeng duguan. Patay na ito kaya labis siyang natakot at napaurong ang kanyang mga paa.



            __________________________________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now