PART 4

41 4 1
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 14 [Part 4]

One week din bago nakapagdisisyong bumalik ng pilipinas si Miguel.Kasalukuyan siya ngayong nasa eroplano pabalik ng bansa,para sa kanya ito ay isang malaking surpresa para sa kanyang pinakamamahal na lola at lolo.

Walang nakakaalam na pauwi siya ng pilipinas kundi ang kanyang ama na si Mayro at ang kanyang mommy.Balak din niyang surpresahin si Yibo dahil una matagal niya ng gustong magpasalamat sa kanyang kapatid.

"Honey,saan kapa ba pupunta?

"Sa kotse may kukunin lang ako.Sagot sa kanya ni Mayro.

"Bilisan mo dahil papunta na ang anak natin."

"Mabilis lang ako honey,alam mo namang isa ako sa mga taong excited makita ang pinakagwapo nating anak."

"Ok sige ikaw talaga honey,umalis kana para makabalik ka agad.

Umalis si Mayro para puntahan ang kotse.Pagbalik niya sa pwesto ng kanyang asawa ay may bitbit na itong karton na may naka print na Welcome back Miguel.Napangiti naman ang kanyang asawa sa effort na ginawa nito.

Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga pasahero.Halos 30 minutes din silang naghintay bago nila nakita si Miguel.

"Miguel!anak nandito kami ng mommy mo!sabi ni Mayro na walang patid sa kakasigaw.

"Miguel!Miguel!sabay kaway ng kanyang mommy at inagaw ang karton na hawak ni Mayro.Napalingon sa kanila ang binata,tinanggal ang suot na shade at pinakawalan ang malapad na ngiti.Lumapit ang binata sa kinaroroonan ng kanyang ama at ina pagkatapos ay mahigpit siyang niyakap ng kanyang mommy.Inakbayan naman siya ni Mayro at bahagya siyang niyakap sabay tapik sa braso.

"Hindi ko inasahan na may pa welcome back pa kayo ni mommy dad,thank you."

"No problem Miguel.Isang taon kang hindi nagpakita sa amin ng mommy mo,sino ba naman ang hindi makakamiss sayo.Balita ko maganda ang takbo ng company.

"Syempre dad,mana kaya ako sa inyo."Kung magaling kang big boss syempre susunod ako sa yapak niyo ni mommy.

"Mamaya na kayo mag-usap,sumakay muna tayo sa sasakyan.Mukhang pagod ang napakagwapo kong anak."Yumakap ang kanyang mommy kay Miguel na halatang namiss ang kanyang anak,inakbayan naman siya ng binata at tumungo na sa kotse.

"Where is Sinichi Yibo dad?mom?Gusto ko siyang makausap.Pero bago iyon gusto ko munang puntahan sina lolo at lola.Marami akong pasalubong para sa kanila.

"Gusto mo dun na lang tayo dumiretso."mahinang wika ni Mayro habang nagmamaneho.

"Ok lang ba sayo dad?medyo malayo pa ang mansion.

"Syempre ok lang,dun na lang tayo magcelebrate tiyak matutuwa ang lola mo.Tatawagan ko na lang si Yibo para alam niyang nakabalik kana.

"Ako na lang ang tatawag sa kanya.Anyway,i have something for you dad.Inabot niya ang small box sa kanyang ama na nakangiti.Nalungkot naman ang kanyang mommy dahil akala niya nakalimutan siya ng binata.

Dahil abala sa pagmamaneho si Mayro ay itinabi niya na muna ang maliit na kahon at saka niya na lamang ito bubuksan pagdating nila sa mansion.

Napalingon si Miguel sa kanyang ina na nakasimangot habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"Are you ok mom?mahina niyang tanong sabay abot ng isang malaking paper bag.Syempre hindi ko makakalimutan ang maganda kong mommy,for you mom.Sabay ngiti.Kinuha naman iyon ng kanyang ina at halatang nagulat ito sa inabot ng kanyang anak.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now