PART 5

37 1 0
                                    

Narating ni Miguel ang kanilang rest house. Bihira lang din nila itong puntahan at ngayon lang siya ulit nakabisita sa lugar na ito.

Pinark niya sa garahe ang kanyang kotse at agad na nilibot ang buong paligid. Napadpad siya sa pool at doon niya nakita ang isang lalakeng nakatayo habang nakatanaw sa malawak na tubig.

"Mabuti naman at nakipagkita ka sa akin ngayon hyeongjae, mahinang sabi ni Yibo at nilapitan niya ang kanyang kapatid.

"Akala ko hindi ka darating pauwi na sana ako kaso dumating ka. Siya nga pala para sa'yo, sabay abot nang isang boteng beer. Kinuha naman iyon ni Miguel.

"Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin? sakto may sasabihin din ako sa'yo.

"Mauna kana.

"Ako ang pinapunta mo dito tapos ako ang pauunahin mong magsalita? nakakagago ka rin hyeongjae!

"Relax, hindi kita pinapunta dito para makipag-away. Gusto kitang makausap tungkol kay Almira.

Medyo natahimik si Miguel at napabuntong hininga ito.

"Umpisahan mo na makikinig ako.

"Miguel pakiusap umalis na kayo! Isama mo si Almira. May gusto akong sabihin sa'yo sana sa pagkakataong ito makinig ka sa akin.

"Bakit mo ito sinasabi?

"Ako ang witness! ako ang nakakaalam ng lahat kung paano pinatay ang mga magulang ni Almira. Haharapin ko ang lahat kaya sana wag mo ng ituloy ang kasal.

"P-panong ikaw ang witness? diba patay na ang totoong witness?" gulat na tanong ni Miguel.

"Sa ngayon mahirap ipaliwanag kaya please layuan mo na si Stefy ipaubaya mo na ang lahat sa akin!" kunin mo ito, sabay abot nang dalawang ticket kay Miguel.

"Ano 'to?

"Bukas na gabi pumunta kayo sa korea ni Almira. Dalhin mo siya roon, may bahay ako na alam kong ligtas at hindi kayo masusundan ni Stefy.

"B-bakit mo ginagawa sa akin 'to ha Yibo? alam kong gusto mo rin ang babaeng mahal ko pero bakit mo ginagawa ito ngayon?

"Sige na Miguel.

"Hindi! kapag ginawa mo iyon papatayin ka ni felix. Gago kaba?! kapatid kita kahit hindi tayo magkasundo may dahilan ako para mag-alala sa isang katulad mong ungas ka!"

Natawa bigla si Yibo sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Handa akong mamatay, hindi ako natatakot.

"Pakakasalan ko si Stefy hindi ako papayag na masira ang pamilya natin. Binantaan ako ni Felix kaya kahit anong mangyari walang masasaktan sa atin naririnig mo ba ako Yibo?!

"Paano naman si Almira? Mahal ka niya at umaasa parin siya sa pagbabalik mo. Nasasaktan na siya at kailangan ka niya Miguel. Intindihin mo rin ang nararamdaman niya."

Napabuntong hininga si Miguel hanggang sa may binunot itong envelope sa kanyang bulsa at inabot niya ito kay Yibo.

"Ikaw ang magbigay nito kay Almira. Hindi ako nararapat para sa kanya, marami akong kasalanan sa kanya at labis ko na siyang nasaktan. Noong kailangan niya ako wala ako sa tabi niya, at ni minsan hindi ko man lang nagawang protektahan siya. Yibo, ikaw ang karapatdapat para sa kanya kaya ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya. Alagaan mo ang babaeng mahal na mahal ko.

Kitang-kita sa mga mata ni Miguel ang kalungkutan. Halos mabiyak at madurog ang puso nito bago bitawan ang mga salitang iyon.

"To be honest para sa akin ang envelope na 'iyan. Ako dapat ang may karapatang magbigay niyan kay Almira dahil umpisa palang ako ang gusto ni uncle na mapangasawa ng kanyang pamangkin. Pero, hindi ako pumayag dahil alam kong may iba ng mahal si Almira. Kinausap ko siya tungkol diyan at sinabi kong ikaw ang nararapat na magbigay niyan dahil nagmamahalan kayo at ayaw kong masira iyon.

Napatikom ang mga kamao ni Miguel. Ngunit inabot niya parin ang envelope sa kapatid.

"Miguel, banggit ni Yibo pero hindi na siya pinansin at umalis na ito. Pagdating niya sa kotse napahawak siya sa kanyang dibdib. Inuntog niya ang kanyang ulo sa manibela kasabay noon pinakawalan niya ang kanyang mga luha.

"Mahal na mahal kita Almira!!sigaw niya at ginulo niya ang kanyang buhok sa sobrang galit.

Halos isang oras siyang nanatili sa loob ng sasakyan bago ito umalis sa lugar.

Samantala mag-isang inubos ni Yibo ang isang case ng beer. Lasing na lasing ito hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa gilid ng pool.

"Sir Sinichi! hala ano ba namang amo kong 'to naglasing hayon tumba buti na lang hindi ka nahulog sa pool. Naku! pasaway ka po talaga sayang na sayang ang pagkagwapo mo sir, sabi nang caretaker at inalalayan niya na ito para dalhin sa kanyang silid.

Samantala sa kabilang dako naman tulala parin si Almira habang nakaupo sa sofa. Tahimik itong nilapitan ni chang para aluking kumain.

"Almira kahit kunti kumain ka naman, masyado mo ng napapabayaan ang sarili mo. Nag-aalala na ako sa kalusugan mo.

"Chang huwag niyo pong gagalawin ang mga gamit ni uncle, kung ano ang ayos ng mga gamit niya ganun parin. Ayaw ko pong makita na wala na ang kanyang mga gamit. Ang kanyang mga damit gusto ko maayos parin.

"Pero Almira."

"Please, gawin niyo po para sa akin."

"Sige kung iyan ang gusto mo Almira. Pero sana tanggapin mong wala na ang uncle mo. Nandito pa naman kami para sa'yo kaya tuloy parin ang buhay.

Tumango lang si Almira, bahagya  siyang tumayo habang nakatitig lamang sa sofa kong saan lagi niyang naabutan ang kanyang uncle na nakaupo habang nanunuod ng tv. Naalala niya na minsan naaabutan niyang tulog habang hawak-hawak ang remote. Napakagat labi siya para pigilan na huwag ng umiyak.

"Chang sa kwarto muna ako, kayo na po muna ang bahala.

"Dadalhan kita ng pagkain hindi ako papayag na walang laman ang tiyan mo.

Tumango ulit si Almira at tinungo niya na ang kanyang kwarto.

Naupo siya sa kanyang kama at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kahit iwasan niyang wag umiyak ganoon parin kusang lumalabas ang kanyang mga luha. Hanggang sa may naalala na naman siya.

"Charan! may pasalubong ako! sabay pakita nung isang supot ng pandesal.

Kitang-kita niya ang mga ngiti ng kanyang uncle kapag may pasalubong siyang pandesal.

"Uncle, last na po ito hindi na ako iiyak, mamimiss kita ng sobra-sobra, mahina niyang sabi habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha.

Napatuon sa kanyang camera ang kanyang mga mata. Iyon ang huling regalo na kanyang natanggap noong birthday niya. Halos mabaliw-baliw siya sa lalake kong paano magmakaawa para mabili lang ang camerang 'yon. Pero hindi niya inaasahang ireregalo ng kanyang uncle ang camerang gustong-gusto niya.

Sa pagkakataong iyon mas lalo siyang napaiyak. Pero ipinangako niya rin na iyon na ang huli niyang pag-iyak dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang uncle kapag naging malungkot siya.

Nahiga siya sa kama at niyakap niya ang kanyang unan at isinubsob niya ang kanyang mukha. Bandang huli hindi niya namalayang nakatulog na siya.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now