PART 4

51 6 2
                                    

The Wedding..

David the priest by Vernard makes a wonderful entrance piece for wedding. Dahil maarte at sosyal si Stefy gusto niyang maging katulad sa kasal nina Princess Mary and Prince Frederick of Denmark in Copenhagen.

Marami ang dumalo karamihan ay mayayaman. At ngayon hinihintay na lang nila ang bride.

Biglang nagbukas ang ilaw sa entrance ibig sabihin noon ay naglalakad na ang bride papunta sa altar. Pagbungad na pagbungad ng bride ay biglang nagplay ang music na nerequest ni Stefy pero iba ang naiplay kaya naman nangunot ang nuo nito. Maganda at bagay naman kaya hindi na siya nagwala at nag inarte pa dahil mas importante sa kanya ang maikasal sila ni Miguel.

Nagtayuan ang mga nasa loob ng simbahan habang sinasalubong nila ng palakpak ang bride na kasalukuyang naglalakad papunta sa altar.

Samantala hindi mawala sa mukha ni Miguel ang kalungkutan. Halos madurog ang puso nito habang nakatingin kay Stefy na papalapit sa kanya. Nakatayo lang ito sa harap ng altar habang hinihintay si Stefy.

"Nasaan kana? pakinggan mo ang sinasabi ng puso ko mahal ko. Kung mahal mo talaga ako pakiusap ipaglaban mo ako at bawiin sa babaeng ito. Almira mahal na mahal kita Misis ko. Iyon ang tanging binubulong ni Miguel habang malayo pa si Stefy. Naalala niya ang ginagawa ni Almira kaya naman kiniskis niya ang magkabilang palad niya at pagkatapos ay hinihipan niya ito.

"Ikaw na ang bahala tinkerbell, kung talagang mahal na mahal niya ako handa siyang gawin ang lahat para pigilan ang kasal na ito. Umaasa ako na sa araw na ito gagawin niya iyon dahil iyon lang ang tanging paraan para hindi matuloy ang kasal namin ni Stefy, sabi niyang nakangiti.

Napapikit na lamang ang binata at kusang tumulo ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Tinapik naman siya ng kanyang ama na si Mayro.

Ngayon nasa harapan na niya ang kanyang bride. Nakangiti ito sa kanya kaya napilitan na rin siyang ngumiti. Napatingin si Miguel sa paligid ng simbahan na para bang may hinahanap at napansin naman iyon ni Stefy.

"Miguel ok ka lang ba?

Tumango si Miguel at tumingin ulit sa paligid.

Nag umpisa na ang ceremony.

Samantala nasa harapan parin ng salamin si Almira habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.

"Noon, maganda ako pero walang pera, sabay ngiti. Pero ngayon maganda ako, may pera pero hindi masaya, mahina niyang sabi. Napatingin siya sa kanyang relo sa palagay niya nag-uumpisa na ang wedding. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napapikit ito.

"Kahit anong mangyari mahal parin kita! kahit ilan pang babae ang pakasalan mo ipaglalaban parin kita!" ngayon Miguel sinong tangang babae ang gagawa noon sa'yo? kundi ako lang!"

"Simula ngayong gabi ikaw na ang misis ko. Gusto ko ako na rin ang Mister mo kaya 'wag mong kakalimutang itawag iyon sa akin. Mahal kita Almira Jacinto, sorry na ha? sorry kong nasaktan kita, sorry kong pinaiyak kita. I love you misis ko."

Bigla siyang napadilat matapos niyang maalala iyon. Hinablot niya ang kanyang cellphone at mabilis na lumabas ng dressing room. Tinawagan niya si secretary Ja at nagpahatid siya sa simbahan.

Kinakabahan na siya dahil baka tuluyan ng mapunta kay Stefy ang lalakeng sa kanya lang dapat.

"Miss Almira mukhang traffic pa yata."

"Sir pakiusap gumawa ka ng paraan para mapigilan ko ang kasal nila, wala ng oras."

Napangiti si secretary Ja kaya naman nag-isip ito ng paraan.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now