Part 4

43 7 0
                                    

Nasa harapan na ngayon sina Almira at Miguel. Habang hinihintay na lamang na mag-umpisa ang pari.

Ilang sandali lamang ay nagsalita na ito.

"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, the joining of two hearts and to give recognition to the worth and beauty of love, and to add our best wishes to the words which shall unite this couple in marriage.

Should there be anyone who has cause why this couple should not be united in marriage, Shush!!

Who Gives this Woman/Man today to be married..

Today we have come together to witness the joining of these two lives. For them, out of the routine of ordinary life, the extraordinary has happened. They met each other, fell in love and are finalizing it with their wedding. A good marriage must be created. It is never being too old to hold hands. It's remembering to say I love you every day and it is not just marrying the right person its being the right partner.

Maya maya ay nagpalitan na sila ng Vows after magsalita ni Father ay inumpisahan na ni Miguel. Habang tinititigan niya si Almira ay halos maluha ito. Hindi dahil sa nalulungkot siya kundi hindi parin siya makapaniwala na sa lahat ng mga pagsubok na dumaan sa kanila ay hindi parin sila nagpatinag at sa pamamagitan ng kanilang tunay na pag ibig ay magkasama parin silang nalagpasan iyon.

At ngayon malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil kaharap niya na ngayon sa harapan ng altar ang babaeng pinapangarap niya noon.

"I, Miguel Fernando take you to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow, and forever.

Binigyan niya ng matamis na ngiti si Almira. At ginantihan naman siya nito.

"I, Almira Jacinto take you to be my husband, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow, and forever.

Muli silang nagngitian, at muling ibinaling ang tingin sa pari.

"Almira Jacinto, do you take Miguel Fernando to be your husband? tanong ni Father habang nakangiti.

Napatitig si Almira kay Miguel. Pinunasan niya ang mga luhang nasa gilid ng mga mata ng dalaga at mariin niya itong tinitigan.

"Do you promise to love, honor, cherish and protect him, forsaking all others and holding only unto him? dagdag pa ni father. Hindi na nagdalawang isip si Almira para sagutin iyon. Pero bago iyon ay nagpakawala siya ng napakatamis na mga ngiti

"I do father," sagot ng dalaga at napangiti si Miguel.

Sumulyap naman si father kay Miguel at ang binata naman ang kanyang tinanong.

"Miguel Fernando, do you take Almira Jacinto to be your wife?

Kumislap ang mga mata ng binata habang nakatitig kay Almira. Mariin niya itong pinagmasdan.

Naghihintay ang dalaga sa sagot ni Miguel. Malakas ang kabog sa dibdib nito at umagos na naman ang kanyang mga luha.

"Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking all others and holding only unto her? tanong ulit ni father.

At heto na ang hinihintay ng lahat. Sobrang tahimik ng buong simbahan dahil inaabangan nila ang sagot ni Miguel.

Napakagat labi si Miguel, hindi niya maitatago na pati siya ay naiiyak na rin, pinunas niya ang luha sa pisngi ng dalaga at nginitian niya ito.

"I do father,"sagot niya.

Halos magtalunan sa tuwa ang mga nasa loob ng simbahan. Nagpalakpakan ang mga ito, nagkasulyapan naman sina Vanessa at Yibo na kinikilig din naman.

Nagsalita ulit si father.

"Wedding rings are an unbroken circle of love, signifying to all the union of this couple in marriage."

"Almira Jacinto, this ring is my sacred gift, with my promise that I will always love you, cherish you and honor you all the days of my life. And with this ring, I thee wed.

Sabay suot nung singsing sa daliri ni Almira. Mas lalong naiyak ang dalaga dahil ito ang pangarap niya ang maisuot sa kanya ang singsing na alam niyang kapag nasa daliri na niya na ang singsing ay hindi na siya makakawala pa sa taong pinakamamahal niya.

"Miguel Fernando, this ring is my sacred gift, with my promise that I will always love you, cherish you and honor you all the days of my life. And with this ring, I thee wed.

At iyon sinuot na rin ni Almira kay Miguel ang singsing. Nag ngitian silang dalawa at muling humarap kay father.

"By the power vested in me I now pronounce you ............

Pa slow motion na sabi ni father at talagang pinapabitin niya pa ang lahat. Maya maya pa ay sinabi niya na ang pinakahihintay ng lahat.

"You may now kiss your bride." I present to you our happy couple..

Nagsigawan ang lahat. Hindi na sila makapaghintay pa. Hindi na nagpaligoyligoy pa ay agad na hinalikan ni Miguel si Almira sa labi.

Walang tigil sa paghiyawan ang mga bisita. Hindi rin sila nagpapigil sa kilig at tuwa na kanilang nararamdaman dahil sa dalawa.

After noon nagpicture taking na sila. Medyo matagal din bago sila lumabas ng simbahan.

Nang nasa labas na sila ng simbahan ay marami ang bumati sa dalawa.

"Omg Miguel, that was so lovely," congratulation." Sabi sa kanya ng isang kakilala niyang babae na kasing edaran niya.

"Thank you," sagot ng dalawa.

"Congratulation brother, she's beautiful take care of her for the rest of your life, make children. Sabay tapik sa balikat ni Miguel. Isa ito sa mga katrabaho niya at naging kaibigan niya na rin.

"Thank you Jerald". Masayang sagot ni Miguel.

"May everyone find a perfect match! well done aport!" sana ikasal din ako, singit ni Greg.

"Naku torpe ka kasi Greg.

"Ay sus aport naman, hindi tayo nagkakalayo eh. Haha! nagtawanan ang dalawa. Mayamaya pa ay kinausap na sila nina Cindy at Vanessa. At hindi na nila tinantanan ang dalawa.

Sa gitna ng kanilang tawanan biglang nagseryoso ang lahat ng may isiningit si Miguel na may surpresa ito sa kanyang asawa.

"Mrs Almira Jacinto Fernando, banggit ni Miguel at kinilig naman ang lahat syempre kinilig din naman si Almira. Hinawakan ang kamay ni Almira at may sinabi ito.

"May special gift ako sa'yo, alam ko naman kasing pangarap mo ito diba? Sana magustuhan mo ang surpresa ko.

Napalingon si Miguel sa parte kung saan naroroon ang idol ni Almira. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila.

"Omg!! si Brian Nhira!" sigaw ni Almira na halos lumundag na sa sobrang tuwa. Napatakip ito sa kanyang bibig na tila ba hindi makapaniwala.

Lumapit ang singer na si Brian Nhira kay Almira. At niyakap naman siya ni Almira pero humiwalay din sila agad.

"Love is what makes us strong, God bless you and your beautiful lady in your life. Sabay tingin kay Almira at ngumiti ito. Congratulations and many more blessings in your life. Iyon ang huling sinabi ng singer na kahit sobrang busy niya ay pumayag siyang kumanta sa kasal ng dalawa. Syempre kagagawan iyon ni Cindy at Yibo, gumawa sila ng paraan para matulungan nila si Miguel na ang idol ni Almira ang special guest nila sa kasal.

At syempre kumanta pa ng Til Death Do Us Part.

_______________

Authors Note:

Ipagpaumanhin niyo po kung ginamit ko ang pangalan ni Brian Nhira. Pero salamat parin dahil naging parte siya ng story ko. Brian Nhira is a good singer.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon