PART 2

46 4 0
                                    

"Before anything else I am Justine Louie Ferrer Tan in short call me Louie. I am your good lawyer, sabay ngiti kay Almira.

Si Louie ay isa sa pinaka nagustuhang abogado ni uncle Matteo. Si Louie rin ang pangalawang lawyer na pinagkatiwalaan ng matanda. Handsome, smart, tall and young, siya ang lawyer na dapat makilala ni Almira. May pagka childish si Louie, at may pagkamakuli. Makikilala mo ang tunay niyang ugali kapag nakasama mo ito. Pero pagdating sa trabaho siya ay seryoso.

"Practice makes perfect! 'yan ang una mong tatandaan Miss Almira. Bago ang lahat gusto ko munang magsalita si secretary Ja. Gusto kong makilala mo siya at syempre kung sino ba talaga si Matteo Jacinto.

Napatuon ang mga mata ni secretary Ja kay Almira. At nagsimula na itong magsalita.

"Miss Almira totoong dito ako nagtatrabaho bilang assistant secretary ng uncle mo. Sorry kung itinago namin sa'yo ang tungkol dito. Ang mama at papa mo ang totoong nag-mamay-ari ng Caron Group Company na iniwan nila sa uncle Matteo mo. Bago yumaon ang mga magulang mo hiniling nila kay sir Matteo na alagaan ka nila at hiniling din nila na itago ang tungkol sa pagkatao mo. Bata ka pa nang mga panahong iyon at ayaw ka nilang madamay o masangkot sa gulo kaya mas minabuting iminulat ka sa simpleng buhay lamang.

"Sir totoo po ba ang lahat ng mga sinasabi niyo? h-hindi ako makapaniwala,naiiyak na sabi ni Almira.

"Totoo ang lahat ng mga naririnig mo Miss Almira. Hindi nagsisinungaling si secretary Ja at dahil ako ang lawyer mo alam ko rin ang tungkol sa'yo. Ngayong natupad na ang pangarap ng uncle Matteo mo at ng mga magulang mo na makapagtapos ka ng college at syempre nasa tamang edad kana panahon na rin upang malaman mo, na ikaw ang taga pagmana ng lahat ng mga ari-arian na iniwan ng parents mo at ng uncle Matteo mo.

"Miss Almira hindi lang iyon ikaw na rin ang magiging president ng Caron Group Company. Ikaw ang papalit sa trono ng uncle Matteo mo. 'Wag kang mag-alala pag-mamay-ari rin ito ng mga magulang mo, masayang wika ni secretary Ja.

Sobrang na shock si Almira, halos hindi ito makapaniwala. Sa buong buhay niya hindi niya ito enexpect.

"H-hindi! diba joke lang ang lahat sir? ang isang Almira Jacinto na lumaki sa pandesal habang sinasawsaw sa mainit na kape ay magiging tagapag mana?Kasinungalingan lang ang lahat!Tsaka ni minsan hindi binanggit ng mga magulang ko ang tungkol sa Caron Group! mas lalo na si uncle, ni minsan hindi niya sinabi ang tungkol dito! sigaw ni Almira na unti-unting umaagos ang kanyang mga luha.

"Patawad Miss Almira masyado ka naming binigla. Pero iyon po ang totoo, mahinang sabi ni secretary Ja.

"Buksan mo ang pinto! pakiusap gusto ko munang mapag-isa! At ito po ang tatandaan ninyo! hindi ako naniniwala, at isa bakit kailangan niyo pang magsinungaling nang napakahabang panahon? Bakit kailangan niyo pang itago sa akin ang lahat?!

Nagkatinginan ang dalawa at tumango naman si Louie. Binuksan ni secretary Ja ang pinto at hinayaan muna nila si Almira.

"Hayaan muna natin siya secretary Ja, kahit sino magugulat sa nangyari. Bigyan natin siya ng panahon para makapag-isip, sa ngayon may kailangan pa akong gawin. Ok na ang lahat ng mga papeles, all we need to do is intindihin muna siya ok?"

"Maraming salamat Mr.Tan. Ako na ang bahala sa kanya ang mahalaga ay nasabi na natin sa kanya ang tungkol sa mana at sa kanyang mga magulang.

"What if malaman niya na pinatay ang kanyang mga magulang? ang pagkakaalam niya ay na car accident lamang.

"Complicated, bulong ni secretary Ja.

"Oh well, don't worry ako na ang bahala riyan. Ano bang halaga ng pagiging lawyer ko diba? I have good communication skills, judgement ibig sabihin the ability to draw reasonable, logical conclusions or assumptions from limited information is essential as a lawyer. Marami pa akong gustong sabihin idagdag ko pa ang analytical skills..

"Tsk! tama na wala na si Miss Almira saka kana magpaliwanag kapag nandito na siya.

"Hindi ka parin nagbabago secretary Ja ayaw mo parin sa mga taong madaldal.

"Hee tumigil kana! tawagan na lang kita kapag ok na siya, may mga gagawin pa pala ako.

"Ok goodluck sa journey mo secretary Ja. Siya nga pala maganda pala talaga si Miss Almira, sabi ni Louie na nagiging childish na naman.

"Wag siya iba na lang, mahinang sabi ni secretary Ja.

Lumabas na ng opisina si Louie hanggang sa nagkatagpo ang landas nila ni Felix.

"Anong ginagawa mo dito?tanong sa kanya ni Felix na halatang may ibang iniisip na naman.

"Let's see the magic Mr.Prsesident," goodluck po and see you soon at the court, at tinalikuran niya na si Felix.

"Mukhang may naamoy akong kakaiba, masyado yatang mahina na ang pang-amoy ko, kung inaakala ninyong may magagawa pa kayo pwes hindi kayo magtatagumpay!" lalo pa't wala na ang pinakamamahal kong si Matteo. Wika nito sa sarili.

Samantala bumalik ng bahay si Almira. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang hinahaplos siya sa balikat ni chang Yumi.

"Patawarin mo kami Almira kung nagsinungaling kami sa'yo, ginawa namin iyon para ilayo ka sa gulo. Ngayon na alam mo na ang katotohanan gusto kong maging katulad ka ng iyong uncle. Gawin mo ang dapat Almira, gawin mo ang tama at 'wag na 'wag kang susuko.

"Pero chang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko, para bang isa lang itong panaginip. Ewan ko ba kung matutuwa ako o magagalit."

"Alam mo masaya ako para sa'yo Almira basta lagi akong nasa tabi mo. Ngayon magsisimula na ang panibagong mundo mo. Ikaw na ang kikilalanin nilang president ng Caron Group.

"Sa ngayon gusto ko munang pag isipan ang lahat. Kailangan ko muna sigurong tanggapin ang lahat na totoo nga ang mga nangyayari, kung ako nga ang pinamanahan ni uncle at totoong anak ako ng may ari ng Caron Group siguro hindi muna ako magpapakilala na ako ang taga pagmana chang. Gusto kong maging handa, gusto kong humarap sa kanila na ok na ako, na kaya ko ng harapin ang lahat ng anumang pagsubok. Sisimulan ko ng panibagong Almira Jacinto 'yong hindi na iyakin tulad ng sinabi ni uncle dapat maging malakas at matatag po ako.

Napangiti si chang sa sinabi ni Almira.

Dalawang araw ang lumipas bago nagpakita si Almira kay secretary Ja at kay Louie.Natuwa ang dalawa sa muling pagharap sa kanila ng dalaga.

Ngayon nasa opisina sila habang pinapaliwanag kay Almira kong ano ba talaga ang naging trabaho at papel ng kanyang uncle sa loob ng Caron Group Company.

"Chief executive officers work alongside other top executives para magtatag ng corporation's policies and vision. Ang CEOs ay itinuturing na head of a corporation and are responsible for providing direction para sa kompanya and making certain that goals are met.

Ang CEOs ay kayang magtrabaho ng ibat'ibang klase ng businesses, from small startups to corporations with thousands of employees. This can lead to a lot of stress, particularly since many CEOs must put in overtime on a regular na batayan. Travel may also be needed para sa trabaho.

In addition to all this, CEO's must be effective, kailangang mabisa sa communication, possess leadership and management skills and have the ability to work under pressure and handle the aforementioned stress para sa trabaho. Tandaan mo lahat Miss Almira dahil ganyan ang mama at papa mo syempre ang uncle mo.

"Napakahirap maging isang CEO sir, hindi ko alam na ganoon pala ang trabaho ni uncle kaya pala napansin ko noon na lagi siyang nakaupo sa sofa at malalim ang iniisip. Siguro ganoon din kagaling ang mga magulang ko, hindi ko yata kayang patakbuhin ang company. Tsaka hindi pa naman ako kilala ng mga empleyado dito pwede pa akong magback out, pag-aalangang sabi ni Almira.

"Kaya mo Miss Almira, magtiwala ka lang.

Napakagat labi na lang si Almira dahil ang totoo talagang hindi pa siya handa.

Pero kakayanin niya para sa mga taong umaasa sa kanya. Para sa mga magulang niya at para sa kanyang uncle.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now