PART 6 [Last Part]

99 2 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 17_Final EPISODE

[Part 6]

After several years....

"How many times ko bang sasabihin na ayaw kong makita ang pamumukha ng lalakeng 'yan!"
Go away! She grabbed the pillow and smashed it with Yibo.

"Sige na hyeongjae lumabas ka muna bago kapa mapatay ng asawa ko. Let's talk later. Sabad ni Miguel na kakalabas lang ng kusina at itinaboy niya ang kapatid. Lumabas naman si Yibo dahil naiintindihan nito ang kalagayan ni Almira.

"Naku, ang asawa ko talaga walang ibang nakikita kundi ang kapatid ko. Mamaya niyan magiging kamukha ni baby si Yibo. Sabay himas sa balikat ni Almira at hinalikan sa batok.

"Nasaan ba si Vanessa? Kanina ko pa hinihintay ang pinapahiwa ko sa kanya. Naiinis na naman ako!"

"Mahal papanget ka niyan. Relax lang ok?

"Isa kapa! Ayaw kitang makita doon ka nga sa kusina!"

"Na naman?" Sabay kamot sa batok.

"Tawagin mo si Vanessa dalhin niya agad sa akin ang pinapahiwa ko. Ok? Galit na sabi ni Almira at muling ibinalik ang tingin sa tv. Bumalik na rin ito sa sofa at dahan-dahang naupo. Sinungitan niyang muli si Miguel at senenyasan na umalis na at pumasok sa kusina.

"Yes mam!" Pagdadabog na sabi ni Miguel at pumasok na ito sa kusina.

Naabutan niyang naghihiwa parin ng hilaw na mangga si Vanessa. Nakasimangot ang dalaga habang abala sa paghihiwa.

"Ok ka lang ba? Napasulyap si Vanessa pero hindi niya inintindi si Miguel. Tutulungan na kita. Dagdag niya pa.

"Ayos lang kaya ko pa. Bakit ba kasi kailangan ko pang hiwain ang lahat ng manggang ito? Mauubos kaya ng asawa mo ito?"

"Haha! Aba'y oo naman."

"Siya nga pala. Where is Yibo?

"Namiss mo agad ang kapatid ko. Bakit ayaw niyo pang aminin sa isat'isa na in love kayong pareho. Dyos ko naman kailangan pabang patagalin?

"Hello! Ano bang pinagsasabi mo ha Miguel? Hindi ako in love sa kapatid mong kupal! Makapal ang mukha!"

"Aysus, maniniwala na lang ako sa kwento ng matshing. Haha! Pang-aasar niya. Maiwan muna kita baka naiinip na sa labas ang kapatid ko kausapin ko lang. Tumango lang si Vanessa sinundan niya ng tingin ang binata habang papalayo sa kanya si Miguel. Naabutan naman ni Miguel na nakaupo si Yibo habang may kausap sa cellphone. Nang mapansin siya ng kapatid ay pinatay agad ang nasa linya.

"Who are you talking to?

"Si dad nangangamusta lang.

"Oh i see. Maiba ako ikaw at si Vanessa ba ay may namamagitan na? What i mean 'wag niyo ng patagalin pa.

Napahalakhak si Yibo sabay sulyap kay Miguel.

"What?"

"Nothing.

Natahimik ang magkapatid habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Tanging ang mga alon lamang ang bumabasag sa kanilang katahimikan.

"Vanessa 'yung mangga ko matagal paba?! Halos mapalundag sa gulat ang magkapatid nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Almira. Kala mo naman naka microphone.

"Prepare yourself. Banta ni Miguel. Tumayo na ang dalawa at agad na pumasok sa kusina. Hindi na nila naabutan si Vanessa kaya dumeritso na sila sa sala.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now