PART 3

43 4 0
                                    

With longsleeve pink v-nick na pang taas habang ang pangbaba naman ay maong na palda na 2 inches above the knee ang haba. Kahit anong suotin ni Almira ay bumabagay parin sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakapatong o nakaupo sa bakal na nakaharang malapit sa parking lot habang hinihintay na bumalik si secretary Ja.

Napatuon sa kaliwang bahagi ng malaking building ang kanyang mga mata. Kasabay noon pinagmasdan niya ang kabuuan ng Caron Group Company.

"Almira Jacinto hindi mo inakala na ikaw ang tagapag mana ng malaking gusaling nasa harapan mo ngayon noh? tanong niya sa kanyang sarili. Hindi mo inasahan na anak ka ng isa sa mga sikat na tao noon. Napasmile siya pero nasasaktan parin dahil pakiramdam niya may kulang parin.

Umagaw sa kanyang pansin ang kotseng huminto sa kanyang harapan. Nagulat ang dalaga ng makita niya si Miguel na bumaba ng kotse habang pinagbuksan ang kanyang fiancee na si Stefy.

Kumirot ang kanyang puso kaya tumingin na lang siya sa ibang direksyon.

"Almira Jacinto! why are you here poor girl? sigaw ni Stefy na kasalukuyang papalapit sa kanya.

Hindi na sumagot si Almira dahil ayaw niyang patulan pa ito. Ngumiti na lang siya at nagkunwaring masaya.

"Excuse me aalis na ako, mahina niyang sabi na hindi man lang tiningnan ang mukha ni Miguel na nasa likuran lamang ni Stefy.

"Almira," banggit ng binata kaya naman napahinto agad ang dalaga.

Lumakas ang tibok ng puso niya ng banggitin ni Miguel ang kanyang pangalan. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya sasabog na ang kanyang puso at pagkatapos ay humarap siya na parang wala lang. Pinakawalan niya ang matamis na ngiti bago niya tiningnan sa mga mata si Miguel.

"Bakit?"

"Kamusta kana? tanong ni Miguel pero ang totoo gusto niyang sabihin sa harapan ni Almira na kamusta kana misis ko? sobrang miss na kita".

"Heto medyo maayos naman, ikaw? tanong naman ni Almira na sa loob loob niya gusto niyang yakapin si Miguel dahil ang totoo miss na miss niya na ito.

"Ahem! tapos na kayo? singit ni Stefy na sumira sa pag-uusap ng dalawa. Almira bukas na ang kasal namin ni Miguel kung maaari 'wag mo na siyang landiin. Siya nga pala 'wag kang mawawala sa kasal namin, sabay smile at pinulupot sa braso ni Miguel ang kamay nito.

Hindi sumagot si Almira bagkos ngumiti lang ito.

"Let's go babe, sabay hila kay Miguel at talagang nilakasan pa ang salitang babe para marinig ni Almira.

Nakaalis na ang dalawa at naiwang mag-isa si Almira. Nasasaktan parin siya dahil mahal na mahal parin niya si Miguel kahit na marami na ang nagbago at nangyari. Ngayon sinusubukan niyang huwag umiyak dahil ayaw niyang makita siya ni secretary Ja. Kinalma niya ang kanyang sarili hanggang sa may babaeng lumapit sa kanya.

"Hi!" nice to see you again Miss Magna Cum Laude. I would like to introduce myself, sabay tanggal nang shade. Nanlaki ang mga mata ni Almira ng makita niya ang mukha ng babaeng nasa harapan niya.

"My name is Cindy Smith, katulad mo isa rin akong photographer. Miss Jacinto i know you more, sabay ngiti.

"Teka namumukhaan kita, i-ikaw 'yong tumabi sa akin noon sa bus noong photography camp. Kung hindi rin ako nagkakamali ikaw din 'yong nakishare sa table ko noong nasa canteen ako.

"Yes, ako nga iyon, natutuwa ako dahil naaalala mo parin ako.

"Hmmm..bakit pala kilala mo ako? tsaka ang napakagandang katulad mo kilala ang isang katulad ko?

"Why not? noong school days natin lagi na kitang sinusubaybayan. Since nalaman ko about sa inyo ni Miguel. Pagkasabi noon ay napangiti ito at napakagat labi.

"P-pero bakit?" tsaka kilala mo si Miguel?

"His my ex-boyfriend.

Nagulat si Almira sa sinabi ni Cindy. Kung sabagay hindi naman nakakapagtaka na magustuhan siya ni Miguel. Bukod sa maganda at sexy, napaka pormal pang magsalita at ang sosyal.

"But don't worry Miss Jacinto matagal na kaming wala ni Miguel. My boyfriend na ako and next month na ang wedding namin. This conversation will end for a better way pero bago iyon pwede ba kitang makausap?

Tumango naman si Almira at pumunta sila sa isang coffee shop at doon sila nag-usap.

"Ikakasal na si Miguel kay Stefy, wala kaman lang bang gagawin?

Mariin niyang tinitigan si Cindy pero hindi siya sumagot.

"Kilala ko si Miguel siya 'yong lalakeng handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Ako lang naman ang may kasalanan noon kaya kami naghiwalay. Akala ko kasi hahayaan niya na lang na mawala ako sa kanya pero ang hindi ko alam gumagawa pala siya ng paraan para maayos ang relasyon namin. Go back to our topic, mahal na mahal ka ni Miguel alam kong ikakasal na siya pero kahit kailan ang puso niya ay hindi maaangkin ni Stefy.

"Kung mahal niya ako bakit kailangan niya akong pahirapan ng ganito? Paulit-ulit niyang sinasaktan ang puso ko.

"Lumalaban si Miguel, lumalaban siya para sa'yo Almira. Kung nasasaktan ka mas doble pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Actually ako ang tutugtog sa entrance wedding nila bukas, kilala ako bilang isang violin artist hindi lang dito kundi pang international pa. You know Yibo right? his my bestfriend partner. Almira hihintayin kita bukas sa wedding nila, ipaglaban mo siya, kunin mo ang para sa'yo.Yung pusong nahati noon kaya pang ibalik ngayon dahil ang totoong nagmamahalan ay kailanman ay hindi masisira ninuman. Mahal na mahal niyo ang isat'isa at iyon ang daan para muling mabuo ang pusong winasak. Hinihintay ka rin ni Miguel kaya kunin mo siya at ipaglaban Almira. Do it Miss Jacinto para sa kanya.

Tumayo na si Cindy at nag vow ito sa harap ni Almira bilang paggalang. After noon lumabas na siya ng shop habang napapaiyak naman si Almira.

Napatiklop ang kamao ng dalaga at nilakasan niya ang kanyang loob. Maya-maya ay nagring ang kanyang cellphone. Si secretary Ja tumatawag sinagot niya ito at pagkatapos ay lumabas na rin ito ng coffee shop.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now