PART 3

34 1 0
                                    

"Almira hindi ka pa ba papasok?tanong ng kanyang uncle. Mahina ang boses nito
na halatang nahihirapan na sa pagsasalita.

"Hindi na muna uncle, mas kailangan mo ako ngayon kaya hindi ako aalis sa tabi mo.

"Almira hindi ba sinabi sa'yo ni secretary Ja na maayos na ako? 'wag kang masyadong mag-alala sa'kin dahil ayaw kong maapektuhan ka Almira. Diba sabi ko sayo malakas ako?

"Malakas? uncle naman kung malakas ka edi sana hindi ka nakahiga riyan. Pwede po bang magpagaling kana gusto kong bago ang graduation namin nakalabas kana rito.

"Ako paba? syempre gusto kitang ipagmalaki sa lahat ng mga magulang na naroroon sa graduation. Sa lahat ng mga taong naroroon.

"Ano naman ang sasabihin mo uncle?

"Sasabihin ko sa kanila, Anak ko yan! anak ko si Almira Jacinto!matalino, mabait at maganda!Pandesal at kape masaya na!haha! Malakas na halakhak ng kanyang uncle.

"Uncle naman eh, basta gagaling ka tsaka boring na kaya sa bahay bahala ka riyan kapag hindi tayo umuwi baka may tumira ng aswang doon.

"Siya nga pala kamusta kayo ni Miguel?

Natigilan si Almira at umiba ang awra ng mukha ng dalaga.

"Ok naman po kami uncle.

"Sigurado ka? sabihin mo lang sa'kin baka makatulong ako. Mamaya niyan sinasaktan ka lang niya ng hindi ko alam.

"Magkaibigan lang kami ni Miguel, kung ano man ang mayroon sa kanya ngayon labas na po ako uncle, ani ni Almira na pinipigilang wag maiyak. Napansin naman iyon ng kanyang uncle kaya hinawakan siya sa kamay.

"Kilala kita Almira, sinaktan kaba niya?

Dahil hindi napigilan ni Almira ang sakit na kanyang nararamdaman ay napayuko ito at hinayaan niyang umagos ang kanyang mga luha.

"Anong gagawin ko uncle? gusto ko siya eh," sabay hikbi. P-pero ikakasal na siya, sana nagkamali lang ako ng dinig! Mahal ko siya uncle, siya ang first love ko, ano na ang gagawin ko?

Bahagyang napapikit si uncle Matteo. Tila nalungkot ito sa kalagayan ni Almira.

"Kakayanin mo Almira diba? mahal mo si Miguel? ipaglaban mo 'wag kang susuko kahit anong mangyari.

"Ang sakit na eh, sana sinabi niya na lang sa akin ng maaga nang hindi na ako umasa at nasaktan nang ganito.

"Tandaan mo ang pag-ibig ay handang magsakripisyo Almira. Kahit gaano kasakit titiisin mo, kahit gaano kabigat ang nararamdman ng puso mo, kakayanin mo, ipaglaban mo kung alam mo naman sa sarili mo na mahal mo siya. Kung mahal ka rin ni Miguel hindi ka niya bibitawan.

"Tama ka po kahit anong mangyari hindi ko hahayaang maikasal siya sa babaeng 'yon. Ipaglalaban ko siya hanggang kaya ko pa. Pero paano ko naman gagawin iyon dahil hindi ko alam kong anong meron kami. Hindi ko alam kung ano ba talaga kami.

"Almira, sigurado akong hindi lang si Miguel ang lalake. Buksan mo ang puso mo, alam kong may naghihintay sa'yo.

"Si Miguel lang ang gusto ko uncle."

Mga isang oras na ang nakalipas nagpaalam na si Almira na uuwi muna ito para magluto. Pumayag naman ang kanyang uncle.

"Yumi papuntahin mo rito si secretary Ja ngayon mismo.

"Sige po, agad namang tinawagan ni chang Yumi si secretary Ja. Wala pang 30 minutes ay nakarating agad si secretary Ja.

"Kamusta na ho ang lagay mo Sir? magalang na tanong ni secretary Ja.

"Hindi na sapat ang ilang araw para magtagal pa ako. Sa tingin ko hindi ko na kaya pang umabot sa graduation ni Almira.

"Sir wag niyo hong sasabihin 'yan."

"Maupo ka dahil may sasabihin ako sayo.

Naupo si secretary Ja habang nakatingin kay uncle Matteo.

"Naayos mo na ba ang lahat?nakausap mo na ang lawyer ko?

"Ok na sir ang lahat gaya ng sinabi mo. Lahat ng mamanahin ni Almira ay nakapangalan na sa kanya. Isa na lang ang kailangan kong gawin ang ipakilala siya bilang isang----hindi na naituloy ni secretary Ja ang sasabihin ng biglang nagbukas ang pinto.

Bumungad sa kanilang dalawa ang mag-asawang Julio at Margareta. Ang kaibigan ni uncle Matteo, matanda lang ito sa kanya ng anim na taon.

"Pasensya na kung pumasok na kami agad Matteo. Sabi ni Julio habang nakangiti.

"Hahaha! walang problema Julio. Masaya akong nakarating kayo dito. Siya nga pala maupo kayo.

"Matteo bakit itinago mo sa amin ni Julio ang tungkol sa sakit mo?tuloy hindi ka namin napapasyalan, nagtatampong sabi ni Margareta.

"Excuse me, lalabas na ho muna ako para makapag-usap kayo, magalang na sabi ni secretary Ja.

Tumango naman si uncle Matteo. Pagkatapos ay bumalik na sila sa usapan.

"Narinig kong ipapakasal si Miguel sa anak ni Felix, totoo ba 'yon?

"Kailan lang namin nalaman Matteo. Hindi namin lubos maisip na itutuloy pa pala iyon makalipas ang maraming taon, wika ni Julio.

"Kung ganoon wala man lang ba kayong gagawin para sa apo niyo?

"Kinausap na namin si Miguel tungkol dyan pero nakapagdisisyon na siya. Magpapakasal parin siya kay Stefy, at isa pa pumirma na siya sa kontrata, singit naman na sabi ni Margareta.

"Alam ko ang totoong dahilan kung bakit napipilitan si Mayro na ipakasal niya si Miguel sa anak ni Felix. Akala ko ba naayos na iyon? bakit naging issue parin?

"Dahil kapag hindi pumayag si Mayro sa gusto ni Felix ay ilalabas niya sa media ang kasinungalingang nangyari tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Almira. Matteo kailan mo ba ipapakilala si Almira? ito na ang tamang panahon para magbago ang lahat. Kung sa ganon mapipigilan  pa ang kasamaan ni Felix. Bakit mo pa hinayaang manatili ang lalakeng iyon sa kompanya mo! Naiipit na rin ang mga apo natin.

"Malapit na Julio, malapit ng matapos ang lahat. Kung sino man ang dapat magbayad at makulong si Felix iyon. Hinihintay ko na lang na matapos ang graduation ni Almira. Ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral niya kaya hintayin muna natin siyang makapagtapos. Kung sakali man na mawala na ako maasahan ko ba kayo?

"Wag mong sasabihin iyan Matteo, tatagal kapa. Makikita pa natin na magiging masaya ang ating mga apo.

Tumango si Matteo at napangiti ito.

"Sana kayanin ko pa, pero hindi ko naman pwedeng dektahan ang diyos kung kailan niya ako pwedeng kunin.

Nanggilid ang mga luha ni Matteo.

Kahit papano ay may karamay siya sa kanyang pinagdadaanan. Ganunpaman, kahit mawala man siya ay may mga taong tutulong sa paglutas ng kaso tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Almira.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now