PART 5

97 2 0
                                    

Itinabi muna ni Almira ang pag iisip tungkol sa music box. Gustuhin niya mang malaman kung sino ang nagpadala ngunit wala siyang magagawa.

Mas minabuti niya na lang na ayusin ang mga dapat niyang dalhin sa photography camp.

Naka prepare na ang mga dadalhin niya sa camping. Syempre napalitan na ng bagong camera ang nakasabit sa kanyang leeg kaya doble excitement ang hatid nito sa kanya.

Masaya ito dahil malaking tulong sa kanya ang sumama sa photography camp.

Nasa bus na siya habang hinihintay pa ang iba niyang mga kaklase at ang ibang block na kasama sa camp.

Nakaupo si Almira ngayon sa ikalimang row ng upuan. Ilang minuto na lang ay aalis na sila. Nagising na lamang siya ng may tumabi sa kanya.

"Hi patabi ako, ok lang ba? tanong sa kanya ng isang babae. Maganda ito, mahaba ang buhok, maputi at makinis ang balat.

"Sige," sagot naman niya at muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Guys makinig kayo! aalis na tayo maya-maya lamang, siguraduhin ninyong wala kayong nakalimutan baka mamaya kapag nasa area na tayo saka ninyo maaalala na may naiwan kayo! Tatlong oras ang byahe kaya pwede muna kayong matulog at magrelax!" tugon sa kanila ng kanilang professor.

Nakikinig lang si Almira habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Hello! nasaan kana ba? aniya ng babaeng katabi niya.

Napadilat si Almira ng marinig niya ang katabi niyang babae habang may kausap sa cellphone. Kinuha niya ang headset at isinaksak niya sa kanyang tainga para hindi siya maisturbo sa pagtulog.

"Miguel naman! ano ba?" akala ko ba sasama ka? what if malaman ng parents mo na hindi ka sasama?" sabi ng babae, pinutol na ang linya at naupo na ito ng maayos. Nairita ito sa kanyang nakausap mula sa kabilang linya kaya nakabusangot ang mukha nito.

Pagdating nila sa lugar na pagkakampingan nila ay agad namang nagbigay ng paalala ang isa sa mga incharge sa camping.

After noon ay inayos na nila ang mga tent na tutulugan nila pansamantala. Magkahiwalay rin ang tent ng mga lalake sa babae.

One week din sila roon.

Kinabukasan maaga silang nagising at kasalukuyang nakikinig sa kanilang professor.

"Ito na ang chance niyo para makakuha ng magagandang views. Tandaan niyo lahat ng mga activities na ibibigay namin sa inyo ay kailangang makilahok ang bawat isa.

"Mas maganda rin isulat ninyo lahat ng mga naging experience niyo rito hanggang matapos ang camp na ito para pag uwi niyo sa bahay may maipakita kayo sa family niyo kahit isang porfollio man lang na magbibigay ng memories sa inyo! maliwanag? dagdag pa nito.

"Yes sir! sagot naman ng mga studyante bilang response.

Tatlong araw na silang nasa camping dalawang araw na lang matatapos na rin sila.

At dahil namimiss na ni Almira ang kanyang uncle ay tinawagan niya ito nu'ng free time nila.

Naupo siya sa putol na sanga ng kahoy at pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang uncle.

"Hello uncle!" kamusta po kayo riyan? nakangiting tanong ni Almira.

"Maayos naman ang lagay ko Almira, ikaw kamusta ka ba diyan? hindi kaba nahihirapan?

"Hindi po uncle, sa katunayan masaya po rito." matanong ko lang uncle, iniinom niyo po ba ang mga gamot mo? baka mamaya hindi."

"Naku ako paba Almira? syempre iniinom ko, ayaw kong maging pabigat sa'yo at katulad ng sinabi mo aalagaan ko ang kalusugan ko.

"Very good uncle, makakatulog ako ng maayos dahil sa sinabi mo, tsaka excited na akong umuwi riyan. Syempre bago iyon gagalingan ko rito sa  camping namin. Kasama ko naman si tinkerbell eh."

"Tinkerbell ka ng tinkerbell dyan 'yong pandesal ko namimiss ko na."

"Ay uncle naman magpabili muna kayo kay chang Yumi.

"Hindi ako kakain kapag wala kapa rito Almira, gusto kong kasama kita habang kumakain ng pandesal at isasawsaw sa mainit na kape.

"Natatakam na tuloy ako uncle, sabi ni Almira habang napapakagat labi. Uncle mamaya naman ako tatawag, mukha kasing may tao eh. Bye uncle! at binaba niya na ang linya.

Dahil may naramdaman siyang kakaiba ay nilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid, hanggang sa napansin niya ang kulay puting aso at tinahol siya nito.

"Sho! sho! alis! alis! sigaw niya, bakas sa kanyang mukha ang takot habang tinataboy niya ito.

Lumapit naman sa kanya ang aso kaya napatakbo siya ng mabilis hanggang sa hinabol siya nito kaya no choice napalambitin siya sa puno.

Nagmukha siyang unggoy habang nakalambitin sa sanga ng puno.

"Waahhhhh! tulong! tulong! sigaw niya ng malakas.

Pilit namang inaabot ng aso ang laylayan ng kanyang damit kaya mas nilakasan niya pa ang pagsigaw at paghingi ng tulong.

Napapaiyak na siya sa takot na kahit anong lakas ng sigaw niya ay wala paring nakakarinig.

"Pakiusap lubayan mo na akong aso ka! wala naman akong kasalanan eh!" Oh tinkerbell tulungan mo naman ako!"

"Aw! aw! malakas na tahol ng aso kaya napasigaw lalo si Almira.

"Tulong! tulungan ninyo ako!"

"Ogong! halika!"

Umalis ang aso at lumapit sa nagsalita. Habang si Almira ay nakalambitin parin.

"Miss ok na 'wag ka ng matakot sa alaga ko, pasensya kana kung natakot ka. Sabi nang lalake at lumapit ito kay Almira.

"Ayaw ko! paalisin mo muna iyang aso mo! sabi niya pero hindi parin niya nilingon ang lalakeng kausap niya.

Binaba siya ng lalake pero pumapalag parin siya dahil iniisip niyang nandyan parin sa baba ang asong humahabol sa kanya.

"Hahahaha! wala na si ogong kaya bumaba kana dyan, halakhak ng lalake at hinila niya si Almira para alalayang makababa.

Napatingin si Almira sa lalake. Nagulat ito sa kanyang nakita.

"Mi---Mi---Mig---hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil inunahan na naman siya ng kaba.

"Miguel Fernando nga pala, sabay ngiti ng malapad. Kanina pa kita tinitingnan at natatawa ako sa reaksyon mo habang tinatahol ng alaga ko. Ayos ka lang ba?

"Sa tingin mo ayos lang ako? nagtanong kapa ha!" malalagutan na ako ng hininga tapos tinitingnan at pinagtatawanan mo lang pala ako!"

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkainis pero hindi niya parin maiwasan ang mahiya sa binata lalo pa't kilala niya ang lalakeng kaharap niya.

"Patingin ako ng palad mo, sabay hawak sa kamay ni Almira.

"Ayaw ko nga! kinabig niya naman ito.

Napanguso si Almira at tinago niya ang kanyang mga kamay. Napatitig na lang siya sa binata na kasalukuyan paring tumatawa.

Para sa kanya masaya na siya dahil kahit papano ay muli niyang nakita si Miguel.

"Salamat tinkerbell dahil nakita ko na naman sa wakas ang first love ko," bulong niya sa kanyang sarili at unti-unti na niyang pinapakawalan ang mga ngiti sa kanyang labi.

Isang matamis na ngiti, na biglang pumawi na kanina lang ay halos mamatay siya sa takot.








 _________________________________________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant