PART 2

49 1 0
                                    

Bago matapos ang araw hindi pinalagpas ni Miguel ang pagkakataong makausap nito si Almira.

Nasa rooftop sila ngayon ng library habang magkaharap at walang gustong magsalita.

Tanging ang kanilang mga pagbuntong hininga lang ang kanilang naririnig.

Napahawak si Almira sa rehas na bakal at pinagmasdan niya ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste at gusali na katabi ng library.

Alas sais na ng gabi nang magkita sila ni Miguel para mag-usap. At ngayon walang sinong gustong magsalita sa kanilang dalawa.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" mahinang sabi ng dalaga habang kinakalma ang sarili dahil anumang oras ay may maririnig na naman siyang mga salita na mas lalong magpapabigat ng kanyang damdamin.

Tulad ni Almira pinagmasdan rin ng binata ang mga ilaw. Napahangos ito ng malalim bago niya sinagot ang dalaga.

"Maghiwalay na tayo, mahinang nitong sabi.

Parang ginilyetan ang puso ng dalaga ng marinig iyon.

"Napakaliit ng mundo noh?hehe..ang malas ko talaga simula pa noong una. Sabi ko kay tinkerbell siya na ang bahala sa akin. Alam mong pinapagpag ko lagi ang palda ko sa pag-aakalang mawawala ang malas pero nagkamali pala ako. Wala naman akong dahilan para sabihing pumapayag na akong maghiwalay tayo dahil ang totoo hindi naman talaga naging tayo, sabay ngiti kahit alam niya sa sariling nasasaktan na siya.

"I'm sorry, bulong ni Miguel.

"Alam mo hinanda ko na talaga ang aking sarili. Huwag kang mag-aalala kaya ko ang lahat ng 'to. Makakalimutan din kita pagdating ng panahon. Pero Miguel hindi mo ba talaga ako kayang ipaglaban? ahh esti ganoon ka pala kahina at kaduwag hehe. Masakit Miguel, naninikip ang dibdib ko alam mo kung bakit? dahil mahal na mahal kita, hindi ko kayang makita kang may kasamang iba. Lalong-lalo na kapag masaya ka habang kasama mo siya. Siguro kailangan ko ng lumayo para sa ikakatahimik niyong dalawa.

"Salamat Almira, sorry kung duwag at mahina ako. Ito na ang huli nating pagkikita siya nga pala hihintayin kita sa kasal namin ni Stefy, sabi ni Miguel na kanina pang gustong magwala, katulad ni Almira mas malalim ang tinik na bumaon sa kanyang puso.

Tumango ang dalaga kasabay noon ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

"Sana maging maligaya ka Miguel.

Humarap sa kanya ang binata at mariin niyang tinitigan sa mga mata si Almira.

"Salamat, sagot ni Miguel at tumalikod na ito sa dalaga. Kasunod noon ay ang lisanin ang lugar kong saan nanatiling nakatayo lang si Almira.

Mahigpit na humawak sa rehas ang dalaga. Pakiramdam niya sasabog na ang kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang dibdib at umiyak ng umiyak.

"Miguel, sabi niya habang umiiyak..singot doon**singot dito**

Yun ang mga sandaling pumukaw sa diwa niya ang banggitin ang pangalan ng lalakeng minahal niya na kahit kailan ay hindi magiging sila ng kanyang First love.

Gaya ng dati kiniskis niya ang dalawa niyang palad at pagkatapos ay hinihipan niya ito.

"Kasama ko naman si tinkerbell hindi niya ako pababayaan, bulong niya.

Para kay Almira inisip niya na lang na walang nangyari sa kanya. Nilisan niya na ang school. Sumakay ng bus pero bago siya umuwi ng bahay dumaan muna siya sa bakery para bumili ng pandesal dahil after niyang magbihis sa bahay didiretso na siya sa hospital.

Nagbihis na si Almira at agad niyang tinungo ang hospital. Bago siya pumasok sa silid ng kanyang uncle pumunta muna ito sa chapel.

Samantala kasalukuyan namang naghahanda si secretary Ja para sa gagamitin ni uncle Matteo.

"Mukhang mas gagwapo ako sa damit na yan secretary Ja, haha!masayang wika ng matanda.

"Sir Matteo alam ko po kasi na babagay ito sa'yo kaya 'yan ang pinili kong damit na susuotin mo bukas.

"Salamat secretary Ja, bukas na ang graduation ni Almira. Ngayon pa lang excited na ako.

"Halata naman po sir, sana kahit ngayon magpalakas parin po kayo, para bukas malakas na malakas na kayo sa araw ng graduation ni Miss Almira.

"Ahh basta 'wag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa'yo. Lahat iyon gusto kong matupad kong hindi mumultuhin kita secretary Ja.

"Sir 'wag naman po kayong magbibiro ng ganyan, sabi ni secretary Ja na hindi sinasadyang mapaluha.

"Hahaha! buhay pa ako 'wag kang umiyak, ano kaba! sabay punas sa gilid ng kanyang mga mata na kahit hindi niya itago ay umaagos din ang mga butil ng kanyang luha.

Maya-maya ay biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa kanilang dalawa si Almira na may bitbit na supot na may lamang pandesal.

"Charan! may pasalubong ako!masayang sabi ni Almira habang nakangiti.

"Almira mabuti naman at nandito kana, kanina ko pa hinihintay ang pandesal na paborito ko, masayang sabi ng kanyang uncle.

"Lalabas na po muna ako, singit na wika ni secretary Ja.

"Saluhan mo na kami secretary Ja, ngayon lang tayo magkakasabay kumain kaya bakit hindi mo subukang kumain ng pandesal habang sinasawsaw sa mainit na kape?

"Oo nga po sir, tutal marami naman ang binili ko kaya saluhan mo na kami. Dyan lang po kayo magtitimpla ako ng kape.

At umalis na si Almira.

"Nakakatuwa naman kayo sir,
sigurado po akong malulungkot si Miss Almira nito.

Nagsign si uncle Matteo na 'wag maingay dahil nakita niya ng papalapit na sa kanila si Almira.

"Wow! sa'yo ba ang damit na 'yon uncle? sabay turo sa damit.

"Syempre naman 'yan kaya ang gagamitin ko bukas, masayang sagot ng matanda.

"Naku uncle mas excited pa po pala kayo kaysa sa akin. Bukas na ang graduation ko at masayang-masaya ako na ikaw ang magsasabit ng medalya ko. For your information mamaya maghahanda na rin ako para bukas. Uncle salamat dahil tinupad mo ang kahilingan ko.

"Ano bang kahilingan mo Almira?

"Na maging malakas kayo, at sana maging malakas kayo lagi kaya bukas hindi ko na mahihintay pang makasama ka sa araw ng graduation ko.

Napangiti si uncle Matteo at inabot niya ang kanyang kamay kay Almira. Hinawakan niya ito ng napakahigpit at niyapos ang buhok ng dalaga.

"Masayang-masaya ako, salamat Almira, sabay yakap sa dalaga kitang-kita ni secretary Ja na nasasaktan ang matanda. Pero hindi ito pinapahalata sa dalaga.

"Masarap ang pandesal habang sinasawsaw sa mainit na kape. May kilala ako na mahilig din dito, at hindi ko akalain na ang isang katulad niyang mayaman at tinitingala ng maraming tao ay kakain ng ordinaryong pandesal lamang at sinasawsaw sa kape. Sino ba namang CEO na isang mayaman ang gagawa nito? wika na secretary Ja.

"Talaga? sino po ba 'yon sir? tanong ni Almira na halatang interesado.

"Malalaman mo rin Miss Almira.

"Sige po, sagot naman ng dalaga at napatingin siya sa kanyang uncle.

Sinamaan lang ni Matteo ng tingin si secretary Ja kaya napakamot ito sa kanyang ulo.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora