PART 6

39 2 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 12 [Part 6]

"Secretary Ja,Miguel ayos lang ba kayo?tanong ni detective Wan na kasalukuyan paring nakadapa dahil sa lakas ng pagsabog ng isang gusali na halos katabi lang ng gusaling kinaroroonan nila.

"A-ayos lang kami detective Wan.Nauubong sagot ni secretary Ja habang inaalalayang makatayo si Miguel.

Pumasok kasi sa loob ang usok kaya naapektuhan sila nito.

"Detective Wan,kung hindi ako nagkakamali maling gusali ang napuntahan natin."pahayag ng isang kasamahan nilang isa ring detective.

Napatingin sa buong paligid si detective Wan at kusang naningkit ang kanyang mga mata ng may mapansin siyang isang taong duguan at humihingi ng saklolo.

"Tulong!"Hindi nila masyadong maaninag ang lalakeng sumisigaw habang nakahandusay sa sahig dahil sa usok na kumakalat sa loob.

Dahandahang lumapit ang isang detective habang nakatutok ang kanyang baril.Nung makita niya ang lalake agad siyang natauhan ng makilala niya ito.

"Yibo!"sigaw niya kaya nagsilapitan na sina Miguel at secretary Ja.Pati na rin ang mga kasamahan nila.

"Hyeongjae!wika ni Miguel at agad niyang pinagmasdan ang kanyang kapatid.Hindi niya lubos maisip na buhay pa ito at nagpapasalamat siya dahil nakaligtas ito,bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at niyakap ang kapatid.

Agad namang binuhat si Yibo para dalhin sa sasakyan.Doon kinabitan siya ng mga apparatus dahil sa kalagayan niya.Ginamot rin ang mga bahagi ng kanyang katawan kung saan may sugat at tama ng baril.

"Hyeongjae naririnig mo ba ako?ilabas mo ang tapang mo!idilat mo yang mga mata mo!ngayon kapa ba susuko?"saad ni Miguel habang niyoyogyog ang katawan ng kapatid.

"Calm down Miguel,ang kailangan nating gawin ay magdasal.Tinapik siya sa balikat ni secretary Ja pagkatapos ay binalik niya kay Yibo ang kanyang paningin.

"Malubha ang kalagayan niya,maraming dugo ang nawala sa kanya.May mga tama siya ng baril at mga saksak kaya imposibleng makayanan ng katawan niya.Pahayag ng isang nurse na nasa loob ng sasakyan.

"Bilisan niyo ang pagmaneho!kailangan nating umabot sa hospital bago mahuli ang lahat!kailangang maligtas ang buhay ng kapatid ko!"sigaw niya sa mga nasa loob ng sasakyan.Halos magwala ang binata sa galit at pag-alala.

"Miguel,mas mabuting huminahon ka muna.Hindi makakatulong yan sayo,sa atin at sa kapatid mo."

"Paano ako hihinahon?sabihin mo nga secretary Ja!kung ikaw ang nasa sitwasyon ko makakaya mo bang kumalma lang habang nag-aagaw buhay ang kapatid mo?"

Napahangos ng malalim ang matanda,hindi na ito nagsalita pa bagkos tinapik niya sa balikat si Miguel.

Mas lalong binilisan ng driver ang pagmamaneho.Habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan kung saan naroroon sina Almira.Hindi mapigilan ng dalaga ang pag-alala,hindi niya na rin kayang tiisin pa na hindi makita si Yibo.Kaya hindi ito mapakali sa kinauupuan niya.

"Malayo paba tayo?"anong lagay ni Yibo?kamusta siya?"

"Nawalan siya ng malay kanina nung natagpuan namin.Sa palagay ko marami siyang natamong sugat sa kanyang katawan,maaaring maraming dugo ang nawala sa kanya.Miss Almira wag na kayong mag-alala dapat tayong magpasalamat dahil buhay siya at hindi siya nakasama sa pagsabog ng gusali.Nakakapagtaka kung paano nangyari iyon,paano siya napunta sa gusaling iyon at kung nasaan ngayon si Felix.Napahimas ang isang lalake sa kanyang imaginative na bigote.

"Matalino si detective Wan,ulam lang sa kanya ang kaso ni Felix.Nagpaiwan siya at ang mga kasamahan natin para imbestigahan ang lugar.Kaso,hindi matatapos ang kaso kung hindi natin makakausap si Yibo.Kailangan din natin ang panig niya.

"Tama ka dyan.Tayo ang naatasang magbantay sa kanya kaya galingan mo.

"Aba,hindi tayo naging magpartner kong hindi ako magaling.hahaha!

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga dahil sa dalawang detective na kasama niya.Napasulyap siya sa kanyang kamay at doon niya napansin ang bakat ng lubid.Hinimas niya ito habang malalim ang iniisip.

"Miss Almira,p-pasensya kana mukha yatang bumakat ang lubid na ginamit namin sayo."Alam mo namang masyadong sadista si detective Wan kailangan naming sundin ang utos niya.Sabay kamot sa batok.

"Palibhasa walang lovelife,tuso kasi siya.Dagdag pa nung isang detective.

"Ayos lang po,hindi naman masakit ang mahalaga kasama na natin ngayon si Yibo.Tsaka,salamat sa inyong dalawa,kung maari lang sana tumahimik na muna kayo kanina pa kasi kayo daldal ng daldal.Nabibingi na po ako."

"G-ganun ba Miss Almira,pasensya kana ganito lang talaga kami.

"Oo ganito talaga kami maingay.Matanong ko lang,sino sa kanilang dalawa ang boyfriend mo Miss Almira?napalingon sa kanya si Almira na may halong kalungkutan.Kaya naman binatukan siya ng kasama niyang detective.

"Siraulo ka talaga Franco!kita mo ng wala sa mood si Miss Almira magtatanong kapa ng ganyan!"

"Eh pasensya na gusto ko lang malaman."

"Pati buhay pag-ibig nila iimbestigahan mo ganun?palibhasa panot kana!"

"Ako panot?aba!asset ko 'to,dimo ba alam maraming nauuwi itong mga babae sa bahay.

"Miss Almira pagpasensyahan mo na si detective Franco hindi ko alam kong paano naging detective 'to.hahaha

Napatanaw sa labas ng bintana si Almira.Nag-aalala parin ito sa kalagayan ni Yibo.

"Sana ok ka lang Yibo,gustong-gusto na kitang makita.Gusto kong magpasalamat sayo,marami akong utang sayo na dapat kong bayaran.Hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil sa akin.Sinakripisyo mo ang lahat pati buhay mo maligtas mo lang ako."habang iniisip niya iyon may kung anong isang bagay ang pumatak sa kanyang kamay.Isang butil ng luha,hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha.

Halos isang oras din silang nakarating sa hospital.Agad namang dinala sa operating room si Yibo para operahan ang mga natamo niyang saksak sa kanyang tagiliran.At kailangan ding tanggalin ang bala ng baril sa kanyang katawan.

Dalawang oras ng hindi mapakali si Miguel sa labas ng operating room.Maya maya rin ay dumating ang kanyang lola at lolo kasama sina Mayro at ang kanyang mommy na daladala ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Nasaan si Sinichi?kamusta ang lagay ng kapatid mo Miguel?tanong ng kanyang mommy na umiiyak na.

Malungkot niyang sinagot ang kanyang ina."Nasa operating room pa po siya mom,hindi pa lumalabas ang doctor mula pa kanina."

"Diyos ko ang anak ko."Miguel sabihin mong ligtas siya!hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kapatid mo."

Napatitig na lamang si Miguel sa kanyang ina.Niyakap niya na lang ito dahil hindi niya na rin ito kayang sagutin.

Samantala tahimik lang si Mayro pero sa loob loob nito ay nasasaktan siya sa mga nangyayari.

Isang oras na ang nakalipas hindi parin mapalagay ang mommy ni Miguel.Paikot-ikot naman sa kanilang harapan si Julio habang inaabangan na lumabas ang doctor.

"Lo,maupo muna kayo.Mahinang sabi ni Miguel.

"Hindi ako mapalagay Miguel.Ngayon lang ito nangyari kay Sinichi.Alam kong malakas at matapang ang batang iyon,pero bakit nangyari ito sa kapatid mo?Bakit kailangan pang humantong sa ganito?

"Lo,wag po kayong mag-isip ng kung ano-ano baka mamaya mapano ka pa."

Inalalayan siya ni Miguel para umupo.Sakto pagkaupo nila saka naman lumabas ang doctor na galing sa operating room.

Napatayo silang lahat at hinarap ang doctor.Bago nagsalita ay tinanggal muna nito ang mask.

"Kayo po ba ang family ng pasyente?mahinahon niyang tanong pero bago iyon nilibot muna ng kanyang mga mata ang buong paligid.Tungkol sa kondisyon ng aking pasyente,ikinalulungkot ko pero siya po ay...

Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla siyang pigilan ni Miguel.

___________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now